Song link: https://youtu.be/qcCH6JpcK5w
Inspired by I Hope by Gabby Barett ft. Charlie
"Ganun nalang? Nagising ka nalang isang araw na hindi mo na ako mahal? Na ano? Na bigla nalang gumanda si Samantha sa paningin mo at na-realize mo nalang na mahal mo na siya?", umiiyak kong sabi habang matamang nakatingin lang ito sa akin.
"11 years, Dean. 11 years na tayo, so how could you do this to me?", tanong ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.
"Binigay ko lahat, Dean. Lahat-lahat, ibinigay ko. Hindi pa rin ba talaga iyon sapat?", tanong ko sa kanya saka dinungaw ito pero iniwasan niya ang tingin ko.
"Hindi ko alam, Lynne.", mahinang sabi niya kaya napatango naman ako.
"Ilang buwan na kayo nung Samantha?", tanokg ko sa kanya at narinig ko namang huminga muna ito nang malalim bago sumagot.
"11 months", sagot niya kaya napatakip ako sa bibig dahil na rin sa hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa. Halos isang taon na pala niya akong ginag*go. Or maybe even longer hindi ko lang siya nahuli.
"May iba pa ba bago naging siya?", tanong ko sa kanya saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Tuluyan naman akong napatawa nang tumango ako.
"Wow naman, Dean! Ang galing mo naman!", ani ko kaya mas lalo naman itong napayuko. Hindi ko mapigilang hindi mapapalakpak sa kagahuhan niya.
"Hindi mo ba naalalang nangako ka? You assured me na sa oras na wala ka nang maramdaman sa akin sasabihin mo! You fvcking told me na gagawin mo ang lahat hindi lang tayo mauwi sa ganito.", sabi ko sa kanya at muli na naman akong naiyak. Gag* kasi siya!
"I'm sorry, Lynne. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa'yo. Hindi ko maatim na saktan ka--"
"Hindi mo maatim na saktan ako? Then, what the hell are you doing right now?", tanong ko sa kanya at nakita ko namang naiyak na rin ito. May gana pa talaga itong maiyak!
"You have always been my first love, Lynne. My great love iyon nga lang I couldn't just see myself married with you. Live the rest of my life with you. You have been the most promising woman that I met, but I really think that were not meant for each other.", hindi ko naman mapigilang hindi mapangisi dahil sa sinabi niya.
Nahihibang na talaga siya. Saan niya kaya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya para sabihin ang iyan?
"Of course, we're not meant for each other. Hindi ko rin maatim na ang makakasama ko sa panghabang buhay ay isang manlolokong kagaya mo. Fvck you!", ani ko saka isa-isang pinulot ang mga gamit kong nahulog kanina sa bag.
Umiiyak pa rin ako habang naglalakad papuntang sakayan. Sumakay naman ako kaagad sa taxi nang huminto ito sa harap ko. Muntikan ko pa mamura si manong driver nang pagkasakay ko ang kanta sa may stereo ay I Hope by Charlie ft. Gaby Barett.
Tangn*ng buhay talaga 'to oh.
BINABASA MO ANG
22 One Shots, 22nd Birthday
RandomAhoy, ladies & gents! For my upcoming 22nd birthday which is in April 1st, I'll be writing 22 one shots per day before my birthday. I am hoping that you'll like the one shots that will be posted later on. Lovelots, Rikamadz Start: March 11, 2024 E...