21: Butter

4 4 0
                                    


Inspired by Butter by BTS

"Ate, uy! Ate Santi!", napabangon naman ako dahil sa ang ingay ni Tasha.

"Ano ba? Nakakainis ka naman, Tasha eh. Nagb-beauty sleep ako.", sambit ko sa kanya kaya inismiran ako nito.

"Sleep lang kamo, walang beauty.", sagot niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kaya naman ay napa-peace sign nalang ito saka nagsimulang magpa-cute sa akin kaya ako na naman tuloy itong napaismid.

"Pasama naman, Ate oh. Ayaw pumayag ni Mama na manood ako ng liga kung hindi ka kasama.", aniya kaya nginisihan ko ito.

"Sorry Tasha ah, pero mas gusto kong matulog kaysa manood. Kaya shoo!", hinawakan naman ako nito sa braso.

"Kalaban daw nila Kuya Aaron ngayon iyong grupo nina Kuya Jayden.", napatayo naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Jayden.

"Si Jayden? Jayden Villamore?", sambit ko kaya napahalakhak si Tasha. Kamuntikan ko na itong mahambalos ng unan pero nakaiwas ito.

"Akala ko naka-moved on ka na kay Kuya Jayden ah, die hard ka pa rin talaga.", sabi niya kaya naman napairap ako.

"Maligo ka na ate, balikan kita mamaya.", paalam niya sa akin kaya napangiwi na ako.

Nang makaalis naman na ito sa kwarto ko ay nagsimula na rin akong maghanda. Kailangan ay maganda ako lalo na at maglalaro pala ngayon si Jayden.

- - - - - - - - -

"Grabeng pabango naman iyan! Kahit ata iyong mga tambay sa kabilang kanto maaamoy ka!", reklamo ni Tasha nang salubungin ko ito sa labas ng bahay.

"Manahimik ka nga! Ikaw na nga itong sasamahan ko para makanood ka eh.", sagot ko sa kanya pero nginisihan lang ako nito.

"Aysus, talaga ba? Nahiya naman iyong kapogian ni Kuya Jayden sa pinagsasabi mo, Ate.", sinamaan ko naman ito ng tingin saka naunang naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang basketball court ng baranggay namin.

Pagkadating nga namin doon ay nagw-warm up pa ata sila dahil sa kokonti pa iyong mga tao. Pero may naririnig na akong nagpapalitan ng cheering ng dalawang panig. Sanay na naman ako sa ganito dahil sa palagi na namang ganyan sila kapag may liga dito.

Ang competitive din naman kasi ng avid fans ni Aaron, mas lalo siguro silang magiging active sa laro ngayon dahil iyong grupo ni Jayden ang makakalaban nila. Taga-kabilang baranggay talaga si Jayden pero sikat ito sa amin dahil na rin sa dating mayor iyong lolo niya dito sa amin.

Pagkapasok ko nga ay rinig na rinig ko na rin iyong pinapatugtog nung mga nagc-check sa sound system. It was Butter by BTS. Napaigtad naman ako nang bigla nalang sumulpot si Aaron sa tabi ko.

"Hi, Santi!", bati niya sa akin kaya nginitian ko naman ito.

"Hello, ba't buhay ka pa?", sagot ko sa kanya kaya tinawanan niya naman ako.

"Dahil para sa'yo ang laban na ito.", aniya kaya inirapan ko nalang siya saka nagpatiunang lumakad. Sumunod naman ito sa akin habang nagm-moonwalk. May pag-snap pa ito sa mga daliri niya.

"Smooth like butter", nagsimula naman siyang kumanta kaya mas lalo kong dinalian ang paglalakad. Lumingon-lingon din ako sa paligid dahil baka makita ko si Jayden sa may tabi-tabi.

"Alam mo ba kung ano pa ang smooth kaysa sa butter, Santi my love?", kung pwede ko lang talaga itapon itong katabi ko papunta sa kabilang baranggay ay ginawa ko na.

Sanay na naman ako sa pinagagawa niya dahil na rin sa ilang taon niya na rin akong kinukulit. Hindi ko nga alam kung seryoso ba ito o kung trip niya lang ako palagi dahil sa alam niyang pikon ako.

"Hindi, kaya shoo! Mag-warm up ka na nga dun.", sabi ko sa kanya kaya naman napasimangot ito.

"Dapat kasi 'ano' iyong isasagot mo, Santi. Ulit-ulit or hindi talaga kita lulubayan buong magdamag tamo.", aniya kaya napahinga nalang ako ng malalim.

"Fine! Ano?", sagot ko sa kanya kaya napangisi ito lalo.

"Iyong pagmamahal ko sa'yo.", sabi niya naman saka ako kinindatan kaya napahilot nalang ako sa sentido ko.

"Alam mo rin ba kung ano pa ang mas smooth kaysa sa pagmamahal mo, Aaron?", sagot ko sa kanya kaya napangiti ito.

"Ano? Iyong pagkagusto mo sa akin?", aniya kaya nginitian ko naman ito.

"Iyang pagmumukha ko kapag nasapok na kita.", sabi ko saka ito sasapukin na sana nang tumakbo na ito. Hinabol ko naman ito nang bigla nalang akong mabunggo sa kung saan. Nabunggo ba ako? Hindi ko alam! Basta may tumama sa ulo ko.

"Sh*t!", mura ko pa saka napahawak sa ilong ko dahil mukhang may tumutulo roon. Dugo! Napatingin naman ako sa bagay na siyang gumulong papalayo sa akin.

"Tang*na! Sino iyong nagbato ng bola!?", dumagundong iyong sigaw ko sa buong court kaya napatigil silang lahat. Sinamaan ko naman ng tingin si Aaron dahil mukha pa itong nagpipigil ng tawa.

"Sorry, miss. Bigla ka nalang kasing sumulpot eh, hindi ko natansya pagkakapasa ko ng bola kay Klyde.", nanigas naman ako nang makilala ko ang boses ng nagsalita. Napatakip tuloy ako sa mukha ko. Nakakahiya kapag nakita niya akong ganito.

"Ah, okay lang! Sige, bye!", sabi ko saka nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon nang may humawak sa braso ko. Si Aaron.

"Ano ba—", sabi ko sa kanya pero hindi ito nagpatinag.

"Crush mo pa rin iyon? Mag-change court ka na, Santi. May girlfriend na iyon.", aniya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Naglabas naman ito ng panyo saka ito tinupi at hinawakan ang ilong ko. Napatitig tuloy ako sa kanya.

"May girlfriend na siya?", tanong ko sa kanya kaya napailing ito.

"Girlfriends, iba-iba babae kada baranggay eh.", sagot niya sa akin kaya naman napangiwi ako.

"Okay ka lang ba—", hindi na natapos ang sasabihin ni Jayden nang putulin na ito ni Aaron.

"Okay lang iyong girlfriend ko, pre. Sa susunod maghinay-hinay kasi.", seryosong sambit ni Aaron kaya nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Humingi lang ulit si Jayden ng pasensya kaya naman dali-dali kong hinila si Aaron palabas saka tinuhod.

"Potek kang hotdog ka! Girlfriend mo? Sino? Ako? Nangangarap ka naman ng gising! Ang epal mo talaga Aaron!", sabi ko sa kanya habang siya ay panay aray at hawak-hawak ang alaga niya.

"Buti nga tinulungan kitang hindi mapahiya lalo doon eh! Sakit nun, Santi ah! Pasalamat ka talaga gusto kita!", aniya kaya mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin.

"Saka ayaw mo nun? Ang smooth ko dun, talagang mapapa-smooth like butter ka nalang.", dagdag niya nang maka-recover na ito sa pagkakatuhod ko kaya sinubukan ko naman siyang hampasin nang mahawakan nito ang kamay ko.

"Tama na iyong isa, Santi. Bukas naman ulit.", aniya pa kaya naman nagpumiglas ako para makawala sa pagkakahawak niya pero ngumiti ito lang ito.

"Bukas then sa susunod na bukas, sa makalawa hanggang sa magugulat ka nalang panghabang buhay na iyong pagsasama nating dalawa.", bigla naman akong kinilabutan sa pinagsasabi nito. Napasigaw nalang ako dahil saka ito hinayaan at naglakad pabalik. Saka ko lang napansin na nakangising nakatingin lang sa amin si Tasha. Inirapan ko nalang tuloy ito.

"Balik ka maya, Santi ah! Hindi ko pa nababawasan iyong mga hinanda kong banat para sa'yo.", sigaw ni Aaron kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

Napangiwi nalang ako nang marinig ko pa itong kumakanta ng Butter ng BTS. Ang lakas niya mam-bwiset, grabe! Napatingin naman ako sa hawak-hawak kong panyo. Kanya nga pala ito. Napailing nalang ako nang may makita akong naka-burda dito.

"Santi, butter ka ba?"

"Kasi parang ikaw na ata ang butter na gusto kong i-spread sa buong buhay ko."

Napatapon ko tuloy sa kanal iyong panyo dahil sa kilabot na naramdaman ko mabasa ko iyong pick up line. Jusko, nababaliw na si Aaron! Mukhang malabo pa nga atang makakapagpapansin ako kay Jayden ngayon! Bw*set kasi siya! Aaaargh! Ang sarap niya tuloy pisain kagaya ng butter!

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon