02: Starving

23 6 2
                                    

Song link: https://youtu.be/ScjT8zvT7d0

Inspired by Starving by Hailee Steinfeld

Napahinga naman ako nang malalim nang makilala ko kung sino ang nasa aking harap. Sa lahat pa talaga ng mapa-partner sa akin talagang si Hiro pa! Baka mautal ako, nakakahiya!

Si Hiro ang heartthrob sa opisina namin. Mag-5 years na siya dito sa company habang ako naman ay 3 years pa lang. Sa tingin ko talaga ay love at first sight iyong nangyari sa akin.

Pagpasok ko pa naman sa may lounge area namin siya iyong bumungad nung first day ko. Sa sobrang bango niya halos hindi ko maamoy iyong kapeng tinitimpla niya. Matalino pa ang isang ito, ang sabi-sabi rin ay anak mayaman daw pero lowkey lang. Mas lalo lang tuloy akong na-curious.

"Okay ka lang, Pam?", malumanay na tanong nito sa akin kaya tumango lang ako. Feeling ko nagb-build up na iyong laway ko sa may lalamunan dahil halos dalawang oras ko nang iniiwasang kausapin siya.

Panay rin tinginan sa amin ang mga colleagues namin since kilala nila akong madaldal tas sa harap ng isang ito akala mo naman talaga hindi makabasag pinggan. Huminga naman ako nang malalim saka tumayo. Nagpaalam muna akong magb-banyo dahil parang konti nalang ay mawawalan na ako ng ulirat dun.

Magtapos kong maglabas nang kung anong pwedeng ilabas ay naghugas ako ng kamay saka tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Mabuti nalang talaga nag-ayos ako kaninang umaga kung hindi mas lalong nakakahiya. Team building namin ngayon tapos ang daming pakulo ng mga officemates namin nas-stress tuloy ako.

Nagsuklay lang ako ng buhok na halos aabot na sa bewang. Nag-apply uli ng face powder saka liptint. Hindi ko na kakapalan since after dinner matutulog na rin na naman ako. Hinawakan ko naman ang dibdib ko sabay bulong na kumalma siya dahil baka makahalata na si pareng Hiro.

Nagulat naman ako nang pagbukas ko ng pinto ay nandun si Hiro nakasandal sa may dingding habang nakapikit. Nilapitan ko tuloy saka hinawakan ang noo niya. May sakit ba siya? Inaantok?

Napaigtad naman ako sa gulat nang hinuli nito ang kamay kong nakahawak sa noo niya. Muntikan pa akong mapasigaw nang bigla nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya mas lalo lang tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa namumungay niyang mata. Kulay Brown pala ang mga mata niya akala ko ay Black. Umiwas naman ako ng tingin saka nagsalita.

"Okay ka lang ba?", pakunwari kong tanong sa kanya at tumango naman ito.

"How about you? Kanina ka pa hindi mapakali.", aniya kaya napaatras ako. Ano ba naman ito siya, kitang kinakabahan na ako lalapit-lapit pa eh.

"Okay lang, pagod lang siguro.", sagot ko nalang sa kanya para makaiwas na ako. Binitawan niya naman ang kamay ko kaya napahinga na rin ako ng maluwag.

"Hindi naman nila ako hinanap diba? Sa labas na muna ako para magpahangin.", sambit ko saka naglakad palabas ng building para tumakas sa kanya pero lihim nalang akong napamura dahil sa ramdam kong sumunod ito sa akin. Ang sarap tuloy magdabog.

"May kailangan ka ba?", tanong ko pa sa kanya at umiling naman ito. Hinayaan ko nalang siya kasi baka gusto niya lang din talagang magpahingin din. Baka mapansin niya na iniiwasan ko siya if magpupumilit akong bumalik na siya sa loob.

Binilisan ko naman ang paglalakad saka ako nagpunta sa may madilim na parte sa may gilid. Hindi naman nakakatakot kaya tumungo naman ako roon saka inilabas ang kahon ng sigarilyo ko. I don't do this often pero kapag hindi ako makalma ay gumagamit ako ng isang stick. Isa lang naman.

"Naninigarilyo ka?", biglang tanong niya kaya tumango naman ako. Hindi naman ako na-inform na gusto naman pala nitong dumidikit-dikit sa akin.

"Minsan lang. Bakit na-turn off ka?", pabiro kong sabi sa kanya kaya parang natawa naman ito.

"Hindi naman.", sagot niya saka inagaw ang lighter sa kamay ko at siya na ang nagsindi ng sigarilyo ko. Napapikit naman ako dahil mukhang mapapaubo pa ako. Ang tagal na rin kasi nung huli ko, probably 4 months? Kasalanan niya talaga ito.

"Gusto mo?", alok ko sa kanya dahil nakatitig lang ito sa mukha ko. Maayos naman itsura ko nung galing ako sa CR ah.

"Gusto ko.", sagot niya sa akin at iaabot ko na sana ang sigarilyo nang bigla nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Magkaka-heart attack ako nang dahil sa pinagagawa niya!

"Push me if you don't want to do this.",  aniya saka pinaglapat ang mga labi namin.

Naiawang ko naman ang labi dahil sa ginawa niya. Nahulog ko pa nga ata iyong sigarilyong hawak-hawak ko. I did my best to kiss him back hanggang sa hindi ko nga napansing nasa loob na ng blouse ko ang kamay niya. Sh*t! Naka-timelapse ba siya? Ang bilis naman ata ng galawan niya.

Napaungol naman ako nang unti-unti nang bumababa ang mga halik niya papuntang leeg ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapadasal dahil baka may makakita sa amin. Tumigil din naman ito nang maramdaman niyang napako ako sa kinatatayuan.

"Are you okay?", alalang tanong nito sa akin kaya tumango naman ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil tila bigla nalang akong inatake ng hiya.

"Baka may makakita.", bulong ko sa kanya kaya natawa ito saka ako inilapit sa kanya at niyakap. Isinubsob niya naman ang mukha sa may leeg ko saka ito hinalik-halikan. Napasinghap nalang tuloy ako nang marahan niyang kinagat ang leeg ko.

"Hiro!", tawag ko sa kanya pero natawa lang ito.

"Nagugutom ka ba?", tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman ito.

"Saan? Sa pagkain? Malapit na pala mag-8pm, gutom ka na?", tanong niya kaya napailing ako.

"Sa akin?", tanong ko sa kanya kaya ito na naman ang nanigas ngayon. Before he could answer me ay hinila ko nalang ito sa may likuran ng building saka ito muling hinalikan.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon