Inspired by The Archer by Taylor Swift
Nakatitig lang ako sa may karagatan. I have been here for a while now at ayokong umuwi. Kung tutuusin ay ayoko nang umuwi sa amin for good pero saan naman ako pupulitin if I'm gonna do that? Baka maibabalik lang din ako sa puder nila dahil sa masyadong kilala iyong pamilya namin.
It feels like the only way for me to escape my family is the thing that I am looking at. Napalunok naman ako nang maramdaman kong may iilang butil ng luha ang nagsituluan mula sa mga mata ko. I inhaled deeply para mapigilan ko ang sariling mapahagulhol.
"Hi, excuse me?", napatingin naman ako sa pinanggalingan nung boses. I saw her there smiling at me.
"Ah, ako lang kasi mag-isa and I've brought a lot of foods. Baka gusto mo mag-share tayo, don't worry it's clean naman.", napatitig naman ako sa kanya and I am trying to see if her intensions are clear.
"It's just right there oh.". tumingin naman ako sa itinuro niya.
May nakalatag na parang picnic mat sa hindi kalayuan at mukhang na-set up na rin iyong mga pagkain. It seems like she made it for two person, baka hindi siya sinipot ng supposed to be kasama niya? Tumango nalang ako since it comes with free food. I actually haven't eaten for like 2 days already.
Pagkaupo ko naman ay agad naman niya akong binigyan ng plate saka utensils. She gives off radiant vibes at panay ngiti ito. She looks so happy. Napahinga nalang tuloy ako ng malalim saka tinanggap iyong ibingay niya.
"Thank you.", sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Naglabas naman ito ng parang bento cake kaya napatitig ako sa kanya. Is it someone's birthday?
"Sorry for bothering you ha? It's actually my mother's birthday.", aniya kaya napatitig ako dito.
"She actually died because of cancer 7 years ago. This is her favorite beach kaya palagi akong nandito tuwing birthday niya.", she looks happy while telling her story to me.
"I just want someone to eat with kaya dinisturbo kita.", natatawang sabi nito kaya nginitian ko naman ito.
"It's fine, wala naman akong gagawin today. I can spend the day with you if you want to.", sagot ko sa kanya kaya mas lalo itong napangiti.
We started eating ay salitan kaming magkwento. She's 23 years old and she's a pre-school teacher. She's an introvert kaya naman kokonti lang daw ang mga kaibigan niya. She's shy about asking them to spend the day with her kaya pumupunta nalang daw siya dito mag-isa.
And then if may nakikita siyang tumatambay ay inaalok niya ito ng pagkain. Even with a short period of time ay mac-conclude ko na mabuting tao sy Shay. Her name is Shaelene Suarez, and tawagin ko nalang daw siya na Shay.
"You actually look so gloomy over there kaya nag-hesitate ako na ayain ka. Are you having a bad day?", tanong niya sa akin kaya napatitig ako dito.
"Well, yes. But it's fine, sanay na naman ako.", sagot ko sa kanya kaya napatango naman ito.
"Pero hindi porket nakasanayan na natin ito ay hindi na natin susubukang baguhin ito hindi ba?", aniya kaya napatitig ako sa kanya lalo.
"We won't be able to move forward kung tatanggapin lang natin ang bagay saying na 'sanay na ako'. Iyan ang sabi ni Mama sa akin.", sabi niya kaya napalunok ako.
"Did I offend you? Sorry ha, ang daldal ko na.", sabi niya naman kaya umiling naman ako.
"No, I just realized that you're actually right. Hindi mababago ang isang bagay kung hindi ka gagalaw. Hindi ka makakaalis sa isang sitwasyon kung ikaw mismo ay suko na.", sagot ko sa kanya kaya napapalakpak ito saka napatango.
"Ang ganda ng panahon 'no? Bumagay sa date ngayon na 111, feeling ko kasi good luck sign ang number 1.", napatigil naman ako nang ma-realize ko kung anong date ngayon.
"January 11 ngayon?", tanong ko sa kanya kaya napakunot noo saka napatango.
"Yes, why? Is something wrong?", tanong niya sa akin at umiling naman ako.
"No, nothing's wrong.", sagot ko sa kanya saka chineck ang phone. And it was indeed January 11, today's my birthday pero walang ni isa sa mga kakilala ko ang nag-greet sa akin.
But I actually don't feel bad. Sanay na naman kasi ako. Napailing naman ako dahil sa heto na naman ako sa self-pitying session ko. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Napabuntong hininga nalang ako saka napatitig sa kalangitan.
Tama nga si Shay, ang ganda nga ng panahon ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Okay lang na walang bumati sa akin, as long as the world's not yet ending. Magiging maayos din ang lahat at itong nararamdaman ko ngayon ay mawawala rin. Mababago ko rin itong sitwasyon ko.
- - - - - - - - - -
"Ma'am Janna?", napakurap-kurap naman ako saka muling ngumiti.
"Sorry about that, I just remembered someone. You actually have the same name.", sabi ko sa kanya kaya napatango naman ito.
"What's your last name nga uli, Shay hija?", tanong ko sa kanya kaya napatingin uli ito sa akin.
"Shaelene Dainty Alcaraz po, Ma'am.", sagot niya kaya napatango naman ako. I thought she's like a daughter or maybe relative of Shaelene that I have met years ago.
"My mother's maiden name po is Suarez, siya po ba iyong naalala niyo? Sabi kasi nila ay kamukhang-kamukha ko siya.", nahigit ko naman ang hininga ko dahil sa sinabi nito. Tears started to form in my eyes.
"Oh, anak ka nga niya.", sabi ko kaya parang bahagya itong nagulat.
"Kilala niyo po si Mommy?", tumango naman ako.
"Wow, what a coincidence naman po.", sagot niya kaya napangiti naman ako.
"Is she doing well?", siya naman itong napatigil dahil sa sinabi ko.
"She's already in heaven po. She just died po last year due to cancer.", napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito. Naalala ko tuloy iyong kwento niya about sa mama nito na namatay rin dahil sa cancer. Yinakap ko naman si Shay.
"I am pleased to meet you, Shay.", sabi ko sa kanya at tumango naman ito.
"Ako rin po, Ma'am Janna! I actually enjoyed your lecture earlier.", aniya kaya napangiti naman ako. Magkaparehas nga sila ng mama niya. She's also so bubbly.
Shay actually came to me like an angel. Nagbago ang lahat nang makilala ko siya. I may have met her once but she made me realize a lot of things. She made me realize that I can overcome things as long as believe that I can. She made me realize that there's no thing that can actually hinder a person from being happy. Because hapiness starts within yourself.
Hapiness starts when you start to believe in yourself, accept everything about yourself even your flaws, and start to love every inch of your sweet little self.
BINABASA MO ANG
22 One Shots, 22nd Birthday
RandomAhoy, ladies & gents! For my upcoming 22nd birthday which is in April 1st, I'll be writing 22 one shots per day before my birthday. I am hoping that you'll like the one shots that will be posted later on. Lovelots, Rikamadz Start: March 11, 2024 E...