22: Moral of the Story

6 4 3
                                    


Inspired by Moral of the Story by Ashe

Hinayaan ko namang magsipatakan ang mga luha ko habang nakasalampak ako sa may sahig ng bahay na siyang binili namin para sana sa magiging pamilya namin. Para sa pamilyang plinano at hinangad naman noon.

Napatakip naman ako sa bibig para pigilin ang sariling mapahagulhol. I still couldn't accept the fact na matapos ang sampong taon naming pagsasama ay iiwan niya ako. Lahat ay handa na, ikakasal na sana kami next week.

Everything has been planned, lahat ay okay na. Akala ko okay, pero hindi. He has been screwing girls around nang hindi ko alam. How dare him!? Matapos ko siyang tulungang makabangon matapos nitong ma-bankrupt dahil sa scam na siyang nakasangkutan niya.

At ngayong nakabawi siya ay bigla-bigla niya nalang akong iiwan? Did he really thought that I am that easy to get rid of? Huminga naman ako ng malalim saka tumungo sa may banyo. Naghilamos ako at nang mahimasmasan ay nagpunta ako sa sala. I gave myself some time to para makapag-isip nang kung anong pwedeng gawin ko.

Matapos kong mag-isip ay isa-isa kong tinawagan ang mga kakilala ko. I have cancelled everything. Balak ko ring kunin sa kanya ang lahat ng mga ibinigay ko dito. At wala akong balak na magtira. I know this is me being petty pero pake nila. It's my money after all.

Tinawagan ko na rin ang pinsan niya na siyang ka-close ko na hindi na matutuloy ang kasal at siya na ang bahalang magsabi sa pamilya ng ex ko dahil sa hindi ko naman sila kayang kaharapin. We weren't that close anyway.

Kinabukasan ay hindi ko mapigilang hindi mapangisi nang makitang buong gabi akong tinatawagan ng iilang kaibigan niya, kahit iyong kapatid niyang may ayaw sa akin ay tinatawagan ako at pati na rin siya. Akala ko ba ay ayaw niyang i-contact ko siya after break up?

Bumangon naman ako saka nagsimulang maghanda. I wore one of my favorite dresses na siyang ang lakas makahatak ng atensyon. It's an off-shoulder fitted maxi dress. Kulay pula ito kaya talagang agaw atensyon.

Nag-drive naman ako papunta sa opisina. Pagkarating ko nga roon ay rinig na rinig ko na agad ang bulungan ng iba. It seems like he's here. This is gonna be a long day. Pagkarating ko sa floor kung nasaan ang opisina ko ay agad akong sinalubong ng secretary ko.

"Ma'am, pasensya na po. Sinubukan ko naman po siyang pigilan—", I motioned her to stop talking.

"It's fine, Tina. Just call a few more securities dahil baka kakailangan niyo iyon.", sagot ko sa kanya kaya napatango naman ito.

"By the way, Ma'am—", napatingin naman ako uli sa kanya.

"Kasama nga po pala ni Sir iyong pamilya niya.", pagpapaalam niya sa akin kaya tumango naman ako.

"I know", sagot ko sa kanya dahil sa rinig na rinig ko naman iyong balita dahil sa bulungan ng iba kanina sa baba.

"Jacky!", tawag nito sa akin nang makita nila ako. I didn't even bother to spare them a glance.

"Why are you all here? As far as knew, you don't have any appointments for you to be here.", sabi ko sa kanila kaya lumapit sa akin ang ex ko at sinubukan akong hawakan.

"Jacky, sorry.", aniya pero iniwasan ko ito.

"And? Who cares?", sagot ko sa kanya at kasunod naman na lumapit ang mga magulang nito saka nagsimulang lumuhod sa harap ko. Kahit iyong maldita niyang kapatid ay naki-luhod na rin.

"Hindi naman ako santo para luhuran niyo. Hindi ito simbahan kaya pwede ba magsilayasan kayo.", sabi ko sa kanya.

"Jacky, sorry na oh. Hindi ko naman sinasadya iyong mga nasabi ko. I was just drunk!"

"Jacky, hija. Pag-usapan niyo naman ito oh. Sayang din ang sampong taon."

"Oo nga, ako na ang humigingi ng pasensya sa mga nagawa ni Eren. Jacky, baka pwede pa naman ito maayos oh."

"We already ended things and that's it. Alam ko namang hindi niyo intensyong balikan ko iyang anak niyo. You're all just here dahil alam kong wala kayong matitirhan kapag binawi ko na iyong villa na siyang pinagamit ko lang naman sana sa inyo dahil sabi nitong anak niyo na magbabakasyon kayo dito.", sabi ko kaya natigilan ang mga ito.

"At ikaw, Eren. Ang kapal naman talaga ng mukha mo para magpakita ulit. Matapos mong ipagmalaki iyong pera mong nakuha galing sa panghuhuthot sa akin ay babalik ka dito para magmakaawa. Do you really think na tatanggapin pa kita? After what you've done? Pinapahalata mo naman masyadong mukha ka talagang pera other than being gwapong-gwapo sa sarili dahil sa iba-ibang babae ang kinakalantari mo.", kinuha ko naman ang envelop na nasa mesa ko saka inihulog sa harap nila ang laman nito. Litrato ni Eren kasa-kasama ang iba't-ibang babae, may iba pa ngang litrato na hindi babae ang kasama niya.

"Eren, anak! Paano mo ito nagawa sa amin?", parang naiiyak na sabi nung mama niya kaya napangiwi ako. Isinunod ko naman iyong mga litrato nilang dalawa ng kapatid niya. Nanlaki naman ang mga mata nila dahil dito.

"If you're done looking into the pictures, you can now exit my office. You're disrupting my work.", sabi ko saka tumungo sa swivel chair ko at naupo.

"Tang*na mo, Jacky!", nagsisigawan na silang lahat iyong mga magulang nila ay hindi makapaniwala sa nalaman. Habang itong si Eren ay galit na galit pa ata dahil sa ginawa ko. Sinubukan niya akong hawakan pero pumasok na iyong mga security kaya naman isa-isa na silang pinagdadampot.

Napahinga naman ako ng malalim nang tuluyan na silang mapaalis sa opisina ko. Hindi ko mapigilang hindi magtaka kung paano ko natiis na maging ka-relasyon si Eren ng sampong taon? Ganun ba ako kabulah at katanga sa kanya?

Kunsabagay sabi nga nila ay nakakatanga ang pag-ibig. I guess that's true after all.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon