15: It Ain't Me

7 3 1
                                    


Inspired by It Ain't Me by Kygo, Selena Gomez

Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa kawalan. Tanging tunog lamang ng alon ang aking naririnig at malakas na pagtibok ng puso ko. Napahinga naman ako ng malalim saka kinagat ang pang-ibabang labi at lumingon sa kanya. Nakapikit lamang ito habang nakatingala.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti nang pasadahan ko ng tingin ang mukha nito. Iminulat naman nito ang kanyang mga mata saka tumingin sa akin bahagya naman nitong itinaas ang kanang kilay na siyang sinuklian ko lamang ng tipid na ngiti.

"Dito na ba ako kakanta ng 'where did we go wrong'?" , pabirong ani niya kaya napalunok ako saka iniiwas ang tingin.

"May 'we' nga ba talaga?", sagot ko naman saka saka napabuntong hininga.

"At first we clicked, may kakaibang connection, you've got that kind of vibes. I fell inlove.", dagdag ko saka lumingong muli sa kanya. Ikinuyom ang mga kamao habang nakatingin sa maamo niyang mukha.

"I fell inlove without even trying, like lol? How the the hell that happened?", natatawang sabi ko kaya nailing naman ito.

"But I also fell inlove Bea.", sagot niya kaya naitigil ko rin ang pagtawa.

"Iyon na nga, parehas naman but why did we ended up here?", sambit ko kaya ito naman ang napabuntong hininga.

"We didn't fell in love the same way.", ani ko kaya napatitig ito sa akin.

"I fell inlove way too hard.", dagdag ko saka siya nginitian.

"But that's fine, that's how life works isn't it? Shts do happen.", sambit ko at umiling naman ito.

"Bea.", tawag niya pa sa akin pero siya na naman ang inilingan ko.

"Hindi naman sa pinag-ooverthink kita, pero what if hindi talaga tayo?", sambit ko at umiling naman ito.

"Bea.", tawag pa nitong muli pero ngumiti lang ako saka tumayo.

"Let's dance Zai, sayang ang vibes.", aya ko sa kanya. Kita ko pa kung paano ito nagdalawang isip pero sumunod rin ito sa akin.

Ipinulupot ang braso sa kanyang leeg habang siya naman ay sa aking bewang. I just let my head rest on his chest, nagbabasakaling kasing lakas rin ng tibok ng puso ko ang kanya.

I just hummed a random song, habang tila ba sumasabay kami sa saliw ng alon. We were just silent for a few minutes. Parehang dinadama ang presensya ng isa't-isa.

Hindi ko naman mapigilan ang mga luha kong hindi umalpas sa aking mata. Kinagat ko pa ang aking pang-ibabang labi para hindi tuluyang mapahagulhol.

"I think this love. I-it just ain't for us Zai.", ani ko na lamang at hinayaan ang sariling umiyak sa bisig niya. For one last time.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon