18: The Boy Is Mine

5 4 1
                                    


Inspired by The Boys Is Mine by Ariana Grande

Inaasar ko si Yshek habang papasok kami sa cafeteria. Kaka-transfer ko palang sa school niya kaya naman ay siya lang itong nakakausap ko. At hindi ko alam kung bakit sinasamaan ako ng tingin ng halos lahat ng kababaihan.

"Is something wrong with me?", bulong ko kay Ysek at napailing naman ito.

"Nah, you look normal to me. Mukha ka pa ring unggoy.", aniya kaya naman ay walang kung ano-ano ay binatukan ko ito.

"Hoy!", napaigtad naman kaming dalawa dahil sa gulat. Napatingin naman ako dun sa sumigaw at napangiwi nalang ako nang makitang galit na galit ito. Problema niya?

"Lagot iyang transferee kay Savannah."

"Pupusta ako sa transferee, mukhang palaban eh."

"Kay Savannah ako, walang ni isang away ang siyang itinalo ni Savannah. Panaloniyan panigurado."

Mas lalo lang akong nagtaka kung bakit ganun ang bulungan nila. Nang-aaway ba ng transferees itong Savannah?

"May problema ba?", tanong ko sa kanya pero bago pa man ako makapagsalita ulit ay hinablot niya na akong buhok ko. Kaya napasinghap nalang ako saka dali-dali ring hinablot ang buhok niya. She tried to slam on the wall pero pinigilan siya ni Yshek.

"Fvck, Savannah! Stop!", sigaw ni Yshek pero hindi nagpapigil si Savannah.

"Talaga, Yshek? Siya talaga iyong ipapalit mo sa akin? Fvck you!", sagot ni Savannah saka kaya napakunot noo ako. Anong ipapalit? Napatigil naman ako saka huminga ng malalim saka hineadbat iyong Savannah.

Napamura naman ito saka napaatras habang hawak-hawak ang noo nito. I even punched her in his nose since she was caught off guard. Nanlisik naman ang mga mata nito saka sinubukang hawakan ako ulit pero may umawat na sa kanya.

"Akin lang si Yshek! He's mine!", sigaw niya kaya napangiwi ako.

"Edi sa'yo siya! P*tang*na, gusto ko lang naman sana mag-lunch tapos bigla-bigla kang mang-aaway. Is that even an acceptable behavior here? Kasi kung oo, I would gladly make a complaint sa may DepEd! O kahit saan!", sagot ko sa kanya kaya mas lalo itong nagalit.

"Malandi ka—", hindi niya na natuloy ang sasabihin nang batuhin ko ito ng sapatos ko.

"Baliw ka! Kung may gusto kang tao sana naman nag-background check ka sa pamilya nila 'no! KAPATID NIYA AKO!", sigaw ko kaya napatigil silang lahat. Para ngang natigil ang paghinga nila ng ilang segundo dahil sa sinabi ko.

"At ikaw! Talagang hinayaan mo lang na sabunutan niya ako! Isusumbong kita kay Daddy!", baling ko sa kapatid ko saka nagsimulang maglakad palabas ng cafeteria pero tumigil saka lumingon kay Savannah.

"If you think you'll ever have Yshek as your whatever, you're wrong. Wala sa bucket list ko na magka-sister-in-law ng isang kagaya mo!", sambit ko saka siya inirapan.

Napangiwi naman ako nang biglang tumunog iyong stereo sa may cafeteria at tumugtog ang the boy is mine ni Ariana Grande. Bagay iyong kanta kay Savannah, obsessed na obsessed kay Yshek eh. Eh mukha naman itong hotdog, tsk.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon