Inspired by Shout Out To My Ex by Little MixHindi ko naman napigilan ang sariling ibuga iyong iniinom kong kape saka nilingon si Kairie.
"Talaga? Pupunta si Daryl?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman ito.
"Akala ko pa naman panghabang buhay na iyon magpapakita sa atin. Kung kailan um-oo na ako sa pagpunta ng reunion saka naman ito bigla-bigla lang susulpot!", sambit ko sa kanya kaya napatawa ito.
"Bakit? Kinakabahan ka ba? Uy, h'wag mong sabihin na may feelings ka pa sa mokong na iyon ah.", panunudyo pa ni Maye sa akin kaya inirapan ko ito.
"Kilabutan naman kayo sa pinagsasabi niyo please lang.", sabi ko sa kanila kaya nagsipagtawanan ang mga ito.
"So tuloy pa rin ang pagpunta mo?", tanong sa akin ni Kairie.
"Of course 'no, nakapagbayad na ako ng ambag. Sayang naman iyon.", sagot ko sa kanila kaya nagtawanan ang mga ito lalo. Napahinga naman ako ng malalim saka uminom sa kape ko.
Sa huling pagkakaalam ko ay nasa States ito, bakit naman kaya nito naisipang umuwi dito?
- - - - - - - - - -
"Ohlala! Parang ginandahan mo naman ata ang pag-aayos mo ngayon, Seika ah.", bati sa akin ni Maye pagkarating ko sa venue ng reunion namin. Inismiran ko nalang siya bumaling sa ibang kasama namin.
"Hi, hello. Long to no see.", bati ko sa kanila at binati rin naman ako nila pabalik. Siniko naman ako ni Kairie nang makita nilang papalapit sa gawi namin si Vico. Iyong isa sa mga dati kong manliligaw. I smiled at him nang tuluyan na itong makalapit.
"You still look dashing, Seika.", bati niya sa akin saka ako niyakap.
"Ikaw rin naman, mas pumogi ka pa nga ata.", pabiro kong sagot sa kanya kaya natawa ito.
"Ah sige, dun na muna kami sa may buffet. Mag-catching up session muna kayong dalawa.", sabi ni Kairie saka ako bahagyang kinurot.
"You're still working with the Dallas?", tanong ko sa kanya at tumango naman ito.
"Yes, but I am actually planning to quit.", aniya kaya napatingin ako dito.
"Really? Bakit naman?", tanong ko sa kanya kaya natawa ito.
"It's not that they're a bad company, balak ko lang magtayo ng sariling firm.", napatango-tango naman ako.
"Ikaw ba?", tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa mukha nito.
Wala naman talagang gaanong nagbago dito, physically. Pero sa ugali, medyo naging seryoso na ito. Nag-mature, dati kasi ay puro ito biro at para bang hindi marunong magseryoso.
"I'm doing pretty well. Nakaka-enjoy naman magtrabaho sa Eastly and mataas din iyong sahod so it's even much better.", sagot ko sa kanya napatango naman ito.
Bigla-bigla namang nagbulungan ang iilang kasama namin kaya agad din naman kaming napatingin sa may entrance. And there he is, the star of the night.
During our graduation ball ay dun ko lang nalaman na lima pala kaming pinagsabay-sabay niya. Akala ko nung una ay matino talaga ito pero hindi pala. Si Lily ang pinakilala niya sa parents niya, si Rose naman ang sa barkada niya outside the campus, si Vivianne sa barkada niya sa loob, at dalawa kaming sinikreto niya sa lahat.
Si Dianne, which is ang anak ng principal namin. Nang malaman iyon ng lahat ay halos hindi sila makapaniwala. Kasi isipin mo kung anong klaseng talent ang meron siya para maipagsabay-sabay niya kaming lima without even us knowing!
Ang mas masahol pa riyan ay pinakilala ko na ito sa parents ko! Nakuha pa nga nitong umakyat ng ligaw kina mommy tapos iyon pala may ipinagsasabay niya. Halos lahat kami ay nakatingin sa kanya habang siya naman ay parang pilit na binabalewala ito.
I still couldn't get over the fact na hindi ako nakaganti o hindi ko man lang siya napagsabihan ng kung ano dahil sa bigla namang itong nawala na parang bula! He just disappeared from thin air ni hindi na nga ito um-attend ng graduation ceremony namin.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ito nandito. May kakapalan pa pala siya sa mukha since nakuha niya pa talagang pumunta dito. Naramdam ko namang napahawak si Vico sa bewang ko which I let him be.
Naglakad naman papalapit itong si Daryl. His eyes were glued on me. Muntikan ko na tuloy ito mairapan pero pinigilan ko ang sarili. Nang makalapit na ito ay nginitian niya naman ako. Saktong tumugtog din ang kanta ng Little Mix na Shout Out to My Ex.
"It's been a while, Sei.", bati niya sa akin kaya nginitian ko naman ito pabalik. Huminga naman ako ng malalim saka nagsalita.
"Yes, it's been a while. You jerk!", sambit ko saka bumwelo ng suntok. It was a little too late for him to avoid my punch because he was caught off guard.
I composed myself matapos kong masuntok ang g*go. Wews, may mac-crashed out na naman ako sa bucket list ko. Gulat na gulat ang lahat sa nangyari dahil alam nilang mahaba-haba ang pasensya ko. Well, not for him.
"It's really not nice seeing you here, Daryl. Have a great night.", sabi ko saka hinila si Vico papunta kina Kairie.
"Here's to my ex, hey, look at me now
Well, I, I'm all the way up
I swear you'll never bring me down", sabay ko sa pagkanta sa tugtog kaya napatawa si Vico. Nilakasan ko pa para marinig ng iba kaya natawa na rin ang iilan."Ang galing mo dun ah. Hindi mo naman sinabi na magaling ka naman pala sumuntok. Edi sana pinag-boxing ka nalang ni Tita para sumunod ka sa yapak ni Pakman.", biro ni Kairie kaya napatawa ako.
"Sorry, hidden talent ko kasi iyon. Dapat talaga itatago ko lang iyon nga lang nakakabanas ang pagmumukha niya.", sagot ko dito kaya napailing naman ang mga ito.
Lumingon naman ako sa gawi ni Daryl at nakitang pinapalibutan na ito nung mga barkada niya. I just smirked at him saka kumain nung cupcake na nasa may buffet table.
Hawak-hawak pa rin nito ang pisngi niyang nasuntok ko. Pfft, akala mo naman talaga sobrang lakas nung pagkakasuntok ko eh. Edi sana tinuhod ko nalang siya. Mas better iyon.
BINABASA MO ANG
22 One Shots, 22nd Birthday
RandomAhoy, ladies & gents! For my upcoming 22nd birthday which is in April 1st, I'll be writing 22 one shots per day before my birthday. I am hoping that you'll like the one shots that will be posted later on. Lovelots, Rikamadz Start: March 11, 2024 E...