11: Dancing With Your Ghost

5 2 1
                                    


Inspired by Dancing With Your Ghost by Sasha Sloan

"Calvin! Ano ba nakikiliti ako--"

"Kanina ka pa kasi nangungulit eh. Ayan, serves you right."

"Tada! Diba ilang buwan mo na itong gusto?"

"Paano mo iyan nabili? Hoy Calvin, ang mahal niyan ah."

"Syempre nag-ipon ako para sa'yo."

"Baka wala ka nang tinitira sa sarili mo ah. Okay lang naman na kahit h'wag na."

"Nah, ipapakilala na kita kina Mommy tomorrow. Wear this."

- - - - - - - - -

Napabangon naman akong pawis na pawis. Bakit ba pare-pareho itong napapanaginipan ko? It has been months, Ella. Move on.

Pero agad din naman akong napatigil nang maramdaman kong tumutulo na naman iyong mga luha ko. Will I ever move on from this? Parang ako nalang ata itong na-stuck.

Napalingon naman ako sa may orasan at nakitang alas syete palang ng gabi. Tumayo naman ako saka naghilamos. Kumuha ng hoodie sa may closet saka lumabas ng kwarto.

"Ella anak, saan ka pupunta?", rinig kong tanong ni Mama galing sa kusina.

"Sa may 7/11 lang po, may bibilhin.", sagot ko saka tuluyang umalis. Pagdating ko naman sa 7/11 ay agad akong kumuha ng ice cream saka iilang chips. Nagbayad naman ako sa may counter saka lumabas.

Tumingala naman ako nang maramdaman kong may pumapatak na kung ano. Kung minamalas ka nga naman mauulanan pa ata ako. Agad ko naman sinuot ang hood ng hoodie ko at tatakbo na sana nang may nakabanggaan ako.

"Sorry, hindi ko sinasadya.", hinging paumanhin ko habang pinupulot ang pinamili. Napatingin naman ako dito saka napatigil.

"Ella", tawag niya sa pangalan ko kaya napalunok ako.

"Vince", tawag ko rin sa kanya pero agad din akong natauhan nang may lumapit na babae.

"Babe, ayos lang kayo riyan?", napahinga nalang ako nang malalim saka hinablot sa kanya iyong mga pinulot niyang binili ko. Hingal na hingal naman ako nang makarating sa bahay. Dumitetso ako sa kwarto para magbihis nang nakita kong nag-vibrate ang phone ko.

'Ella! Alam mo na ba iyong balita?', text sa akin ng isa kong kaibigan.

'Si Vince, ikakasal na raw.'

'Totoo pala talagang nabuntis niya iyong babae niya. May myday na ultrasound eh.'

Napalunok naman ako dahil sa sinabi nito. Ikakasal na siya. Paano na ako?

Lumapit naman ako sa may cabinet saka binuksan ang isang drawer. Nandun ang lahat ng iniregalo sa akin ni Vince.

Napahikbi naman ako habang inaalala ang lahat. Parang kailan lang kasa-kasama ko siya tapos ngayon ikakasal na siya.

Umiiyak ako habang naghahanap ng masusuot. Pagkapasok ko naman sa banyo ay agad akong napasalampak sa may sahig.

Mas lalo naman akong napaiyak nang makita ko iyong hair clip na ibinigay niya sa akin nung first date namin. Ang daya naman talaga ng tadhana oh.

22 One Shots, 22nd BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon