Chapter 1:

820 40 8
                                    

Roni's Point of View

If only I could scream out all the pain I'm feeling, I would. Kaso nandito ako ngayon, sa bahay ni Kuya Yuan. Hindi rin niya alam na hindi kami okay ni Borj. Dito ako dumeretso pagkatapos naming magtalo.

Borj was scary earlier...

In our six years of relationship, it's the first time he's ever shouted at me. I understand that he's busy and tired because of work. Pero wala siyang karapatan na sigawan ako, hindi ko na din pinaalala na 6th anniversary namin ngayon.

Sasabihin ko sana e, baka sakaling magbago ang mood niya at marealize niya na nakalimot nanaman siya.

But why bother?

Pangalawang beses na niyang kinalimutan ang anniversary namin. Isang beses na nga lang kami mag-celebrate sa isang taon para sa relasyon namin, kinakalimutan pa niya.

Napag usapan kasi namin na hindi namin kailangang mag-celebrate tuwing monthsary, mas mahalaga ang anniversary. Ayon ang magaling kong fiance two consecutive year na niyang nakakalimutan.

"Kulang nalang pwede ng lukutin na parang papel 'yang mukha mo, sis" biglang sulpot ni Missy. Siya ang napangasawa ng Kuya Yuan ko, ang ka-ldr niya dati.

"Don't mind me, sis. Pagod lang ako."

"Aysus pagod daw, ang sabihin mo kinalimutan nanaman ni Borj ang anniversary niyo" pag-irap niya saakin, pero alam ko na concern siya.

Sakto din ang pagbaba ni Kuya, galing sa kanilang kwarto. Nakakunot na ang noo niya, "Pangalawang beses na 'yan, sister ah!"

Ang ingay kasi ni Missy e. Narinig tuloy ni kuya.

"Kuya.." hindi ko napigilang humikbi at agad naman siyang lumapit saakin para aluhin ako.

"Iiyak mo lang 'yan, kaysa naman pinipigilan mo. Gusto mo kausapin ko si Borj?"

Mabilis akong umiling, ayoko na pati sila ni Kuya ay magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. "Kuya, pabayaan muna natin siya"

"Hay nako sis, noong una pinalagpas mo. Tapos ngayon papalagpasin mo nanaman? Aba'y hindi 'yan pwede, mahalaga ang anniversary. Lalo na fiancee kana niya!" Sabi ni Missy, bakas na din sa boses niya ang pagkainis.

"Hon!" Pagsita sakaniya ni Kuya.

"Okay sorry, nakakainis kasi si Borj e. Kahit kaibigan ko siya, gusto ko siya suntukin sa face niya." Lumapit siya saamin ni Kuya, at nakiyakap din.

"Thanks, guys, I didn't make a mistake in coming here-"

"Alam mo sister, kahit anong mangyare piliin niyo laging ayusin pag may hindi kayo pagkakaintindihan. Lahat ng problema, may kasagutan at solusyon diyan."

"Alam ko naman 'yon, Kuya"

"Love!" Napalingon kami sa pintuan, nandito si Borj. Napaayos kaming tatlo ng tayo. Pinunasan ko din ang luha ko.

Anong ginagawa niya dito?

Nakatingin lang ako sakaniya, hinayaan namin siyang lumapit saamin. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, love. Hindi ko sinasadya. I'm really sorry, please forgive me. Nasigawan kita, sorry love."

Kumalas siya sa pagkakayap saakin, at kinuha niya ang ang dalawang kamay ko. Parehas niya itong hinalikan, sunod naman ay ang noo ko.

Ito nanaman ako, lumalambot agad. This is my weakness when Borj apologizes. I easily give in because I love him so much.

Tumingin ako kay kuya "Mag-usap muna kayo, akyat lang kami ni hon. Ayusin niyo 'yan, Borj pangalawang beses na 'yan!"

Love's Journey: Beyond Hate [Completed]Where stories live. Discover now