Roni's POV
Napakabilis talaga ng panahon. Hindi ko namalayan na ganito na kalalaki ang mga anak namin ni Borj. Parang kailan lang, pinupuyat namin sila ng daddy nila para sa mga feeding sessions at pagdede, and now they can almost take care of themselves.
Our eldest, Bria, is already 10 years old, and the twins, Bree and Bry, will turn 8 next month. Sometimes I wonder how we managed to raise them well with all the responsibilities and challenges we faced. Pero heto sila, lumalaki nang mabait at responsable.
Nitong mga nakaraang araw, si Bria. Nangungulit siya na puntahan ang tita Missy niya dahil nangako daw ito na tuturuan siya mag-makeup. She's so excited about it, but I know Missy is busy with work right now. Nakita ko na rin na paulit-ulit niyang binabalik-balikan yung makeup kit na regalo ng tita niya nung birthday niya.
"Sumagot na love?" tanong ni Borj habang nakatingin sa phone ko. Kinukulit din kasi siya ni Bria kanina. Nakakatuwa si Borj, kahit busy siya sa trabaho, bigay na bigay pa rin siya sa mga hiling ng mga bata.
"Hindi pa," sagot ko. "But you know Missy is busy right now. Nak, ako na lang magturo sa'yo mag-makeup, okay lang ba?" tanong ko kay Bria.
Pero bago pa ako makatapos ng sentence, umiling na agad siya. "Hindi mommy, gusto ko si tita Missy because she's the expert! You're good too, pero gusto ko si Tita ang magturo saakin."
Napangiti na lang ako. Hindi ko rin naman masisisi si Bria, kasi sobrang close nila ni Missy. Lagi nga niyang sinasabi na si Missy ang 'cool tita' niya, kaya gusto niyang si Missy talaga ang magturo sa kanya ng mga bagay-bagay na ganito.
"Bria, ang tita Missy mo ay busy ngayon," sabi ni Borj, na laging kalmado kahit pa may mga ganitong sitwasyon. "So listen to your mommy. Your tita will come over when she's free, I promise."
Medyo tumahimik si Bria, pero kita ko pa rin sa mukha niya na medyo disappointed siya. "Okay po, sorry po, ang kulit ko," sabi niya nang malungkot.
"We understand, anak," sabi ko. "We know you just want to learn. At promise, kapag may time na si tita Missy mo, for sure siya ang magtuturo sa'yo. Huwag ka lang magmadali."
Napansin kong masaya si Bria sa paliwanag ni Borj, pero syempre, umaasa pa rin siya. "Yes, kasi she promised me, daddy. Umaasa po ako."
"Hindi mangangako ang tita Missy mo if she doesn't plan to keep it," sagot ni Borj na may kasamang assurance. "Update kita agad, anak, pag nag-reply na ang tita mo. Okay?"
"Okay po," sagot ni Bria, medyo mas kalmado na.
Pagkatapos ng maikling usapan namin, nagkatinginan kami ni Borj, parang nagkakaintindihan. Maaga pa naman, at sayang naman kung maghapon lang kaming nasa bahay. Bigla akong nakaisip ng ideya.
"It's still early," sabi ko, "gusto n'yo bang pumunta tayo sa MoA?" Nagliwanag agad ang mga mata ni Bria.
"Nice idea, love," sabi ni Borj. "Sige na, magbihis na kayo ng mga kapatid mo, anak. Bihisan mo din si Bree at Bry," sabi ko kay Bria.
"Okay mommy!" Tumakbo agad si Bria paakyat sa kwarto para magbihis at tulungan ang kambal.
Nakakatuwa si Bria, kasi kahit bata pa siya, responsableng ate na siya. Hindi namin siya pinupwersa na mag-alaga sa mga kapatid niya, pero kusa siyang tumutulong sa amin ni Borj. Mas gusto pa nga niyang magtulong dito sa bahay kaysa maglaro sa gadgets niya, kaya sobrang proud kami sa kanya.
Pagkatapos naming mag-ayos at magbihis, sumakay kami ng kotse papunta sa MoA. Habang nasa biyahe, masaya kaming nagkukulitan sa loob ng sasakyan. Si Bree at Bry, naglalaro ng mga action figures nila sa likod, habang si Bria naman ay tahimik na nakikinig sa music sa kanyang earphones.
YOU ARE READING
Love's Journey: Beyond Hate [Completed]
FanfictionIto ang season 2 ng "The more you hate, The more you love" Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, tulad ng nararanasan nina Borj at Roni. Ngunit sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap, nananaig pa rin ang matibay na...