Chapter 4:

530 24 0
                                    

Roni's Point of View

Kanina ko pa kinukulit si Borj, ayaw kasi niyang sagutin ang tanong ko. Nagready siya ng mga damit namin at mga importanteng gamit. Nakabusangot lang akong nakatingin sakaniya, habang siya ay kalmadong dino-double check ang mga gamit namin.

"Isa! Borj Jimenez"

Hindi pa rin niya ako sinasagot, as if he didn't hear anything. "Dalawa!" Lumingon siya saakin, pero agad din niyang binaling ang atensyon niya sa ginagawa niya.

"Tat-----"

"Roni Salcedo, it wouldn't be a surprise if I told you. Just chill there, you'll find out when we get there. Sabi nga sa kanta love, kalma! Baby kalma, Hahaha"

"Nagawa mo pa talaga magbiro ha! Hahaha" Hindi ko rin tuloy maiwasang matawa dahil sa mga sinabi niya.

A surprise?

Ano naman kaya 'yon? Hindi ko pinahalatang excited ako. Syempre kunwari magtataray parin ako.

Pinasok na niya ang mga gamit namin sa kotse. Sunod naman ay inalalayan niya ako para maka-upo sa passenger seat. Borj is really sweet and caring.

"You can sleep if you want, love"

"Okay love, pipikit naman ako pag inantok." Nagpray muna kami saglit bago umalis.

Nagpatugtog din kami para hindi boring.

"Do you remember anything about the song, Roni?" Napaisip naman ako sa tanong niya, mabilis ko lang din narealize na isa sa "Yellow" ang kinanta niya noong hinaharana palang niya ako.

"Who could forget that, Borj? You know I love you so~" pagsabay ko sa kanta. Ngiting ngiti naman siya at kinuha ang kaliwang kamay ko at hinalikan niya ito.

"I love you, Roni. Ito yung kinanta ko noong sinagot mo ako."

"Kaya alam mo na Borj, hindi ko 'yan makakalimutan. At mukhang ganun ka din! Hahaha"

"Of course, love, it's engraved in my mind and heart. Alam mo love tuwing naalala ko kung paano naging tayo, napapangiti nalang ako."

"Enemies to lovers ba naman, hahaha" saad ko.

"Napaka magical lang talaga, kung paano tayo naging close... yung to the point na naging magcouple pa tayo. You know, it's really unexpected."

"Same thoughts, love. Because we were destined, Borj." Nakangiti kong wika.

Habang binabaybay namin ang mga kurbadang kalsada, hindi ko mapigilang bumaling ng tingin kay Borj. If I didn't know Borj and saw him in a side view. Grabe feeling ko tatamaan parin ako sakaniya. Ang lakas ng dating niya. Idagdag pa ang mga buhok niyang hinahangin dahil nakababa ang bintana ng kotse. Moments like these are the most precious to me - just the two of us, together.

The only sound we heard was the hum of the car engine. Nagkakaroon ako ng peace of mind dahil sa mga tanawin na nadadaanan namin. I couldn't hide the feeling of excitement bubbling in my chest.

Ano kaya itong sorpresa na iniisip ni Borj? Kahit pa sinubukan niyang magpakalma, nadama ko ang kasiyahan na bumabalot sa kanyang katahimikan.

Even Borj, I know he's excited about his plan..

Sa lalim ng aking iniisip, I didn't realize Borj was holding my hand again. I leaned on his shoulder, and he let me be. Mas lalo pa niyang binagalan ang takbo ng sasakyan, even though the road was straight.

"Anong iniisip mo, love?" tanong niya.

"Nagmumuni-muni lang ako kung gaano ako ka-swerte na ikaw ang aking kasama," sagot ko at sincere ako sa sinabi ko. "And of course, wondering what surprise you're preparing."

Love's Journey: Beyond Hate [Completed]Where stories live. Discover now