Chapter 9:

348 28 3
                                    

Borj's Point of View

I'm here in the hospital kasama si pareng Yuan. Sumakit kasi ang tiyan ni Roni, pakiramdam niya ay manganganak na siya. In my panic earlier, I just dialed a number and it happened to be Yuan's.

Hindi din namin na update ang parents namin. Si Yuan na daw ang bahala, sa pagkakaalam ko busy sila ngayon. Baka hindi din sila makadalaw.

Gusto kong pumasok at makita habang nanganaganak si Roni. Kaso kinakabahan at nanghihina ako. Hindi ko kayang makitang nahihirapan si Roni.

I don't know, I think it's my weakness.

Hindi ko manlang napalakas ang loob niya. Pero alam ko na kayang-kaya ni Roni.

It's been almost a month since we haven't been okay. But we don't show it to others. Patuloy ko pa rin siyang sinusuyo at umaasa ako na bumalik ang tiwala niya saakin.

Sana maging maayos na lahat. Ang hirap pag hindi kami okay.

On that day, I started avoiding Trisha. Until now, I'm still trying to find a way to prove kay Roni na hindi ko siya niloko. Never ko siyang lolokohin.

Gusto ko patunayan na hindi saakin ang pinagbubuntis ni Trisha. Malabo kasi talaga na magloko ako. Mahal na mahal ko si Roni.

It was also a mistake for me to drink that day. Halo-halo ang iniisip ko sa panahong 'yon, isabay pa ang pagod ko. Nakakahiya ding tumanggi, kaya sumama ako sa mga emplyedo. Sa sobrang pagod ko, mabilis din akong nalasing. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.

Unti-unti na din akong nakakakuha ng evidence, I'll ask those who were with us that night. Sana lang ay walang magsinungaling, lalo na close nila si Trisha. Pag nalaman ko na ang katotohanan, balak ko na ding tanggalin siya sa trabaho.

I should have done that a long time ago. Sadyang napangunahan lang ako ng awa.

"Borj, ayos ka lang?" Biglang sulpot ni Yuan. Galing siya sa labas, bumili ng makakain at maiinom namin.

"A-ah oo naman, just really nervous, pare. Pasensiya kana...hindi ko manlang nasamahan sa loob si Roni. I lost my courage suddenly. Baka imbes na mapalakas ko ang loob niya, mawalan pa ako ng malay sa loob."

"Okay lang 'yon, ipaintindi nalang natin sa sister ko mamaya. Tsaka Borj hindi niyo man sabihin saakin, nahahalata ko na medyo hindi kayo okay. Hopefully, your baby will be the reason for you to reconcile... Hindi na muna ako manghihimasok sa problema niyong dalawa. Basta nandito lang ako para sainyo, lalo na para sa baby niyo."

"Salamat pare, napaka understanding mo talaga." Tinapik naman niya ang balikat ko.

It took over an hour before the doctor came out and called me in. I was nervous but excited at the same time.

I saw my wife and our baby. I felt a mix of emotions, especially when I saw Roni shed tears. Our baby also cried.

I approached them, hindi ko muna hinawakan ang baby namin. Ang lusog niya, buti nalang healthy ang baby namin. Roni really took good care of herself during pregnancy, eating only healthy foods..

Hinalikan ko siya sakaniyang noo. Bawal ko pa siya yakapin.

"Thank you, love, for this adorable baby," pasasalamat ko. "You're so brave mahal ko. Kahit na wala kami ng kuya mo dito sa loob, naipanganak mo ng maayos ang anak natin."

"B-borj" maluha-luha niyang pagbanggit sa pangalan ko. Bakas sa mukha niya ang pagod, nakikita ko din na masaya siya.

Magsasalita pa sana ako, but the doctor informed us that Roni and our baby would be transferred to another room.

Love's Journey: Beyond Hate [Completed]Where stories live. Discover now