Fast Forward ~
Borj's Point of View
I rushed home because my wife's stomach was hurting badly. Pawis na pawis ako nang makarating dito sa bahay. Nandito na din si Mommy Marite at Daddy Charlie. Inaayos lang ang mga dadalhin na gamit sa hospital. Nasa kotse na din si Roni, kasama niya si Mommy.
"Okay na po ba 'to lahat, Ate Rose?"
"Nalagay ko na lahat diyan, Borj. Mag-iingat kayo, tawagan niyo ako pag may ipapadala kayong gamit."
"Sige, salamat" dumeretso na kami ni Daddy sa kotse. Siya ang magdadrive papuntang hospital.
"Kaya mo pa, anak?"
"Yes Mommy, nakakaya ko pa naman. Baby-don't make Mommy suffer too much." Kinakausap niya ang tiyan niya. Kitang-kita ko din ang pawis ni Roni. She's breathing heavily, trying to inhale and exhale to ease the pain and calm down a bit.
"Tiis lang, love."
"Parang mas nahihirapan siya ngayon, Mommy" saad ko.
"Pansin ko nga din Borj. Hindi niyo kasi inalaman kung boy or girl e. Baka mamaya kambal o triplets 'to, ang laki ng tiyan ni Roni kumpara noong pinagbubuntis niya si Bria."
"Ayon nga din po naiisip ko netong nakaraan." Sgaot ko sakaniya. I really noticed that Roni's stomach size isn't normal. So I have a suspicion that maybe she's carrying twins.
Simula una palang kasi sinabihan na namin ang doctor niya na wag muna ipaalam saamin ang gender at kung ilan ba ang pinagbubuntis ni Roni. Yuan is the one who gets the results during each check-up. He allocates time for Roni, even though he's busy with his own family. Kaya siya lang ang nakakaalam kung ano ang resulta, sinasabi niya lang lagi na healthy ang baby na dinadala ni Roni.
Ilang buwan na din ang nakakalipas ng manganak si Jelai at Missy. Nakakatuwa kasi ang lulusog ng kanilang mga baby.
"Malapit na tayo" sabi ni Daddy.
Pagkarating namin agad kaming naghanap ng mag aasikaso kay Roni. Pinaupo din siya sa wheelchair. Kagaya noon nang manganak siya kay Bria, hindi ko ulit siya nasamahan. Bago siya ipasok hinalikan ko muna siya sa noo. "Mommy will be with you inside. Be strong, love. I love you." Tumango naman siya at iganaya na siya papasok.
"Kumalma ka Borj, kayang-kaya ni Roni 'yon. Tsaka nandoon naman ang Mommy Marite mo" pagpapakalma saakin ni Daddy Charlie. Hindi kasi ako mapakali, maya't maya ang lakad ko.
"Kinakabahan po kasi ako, lalo na may posibilidad na kambal ang dinadala niya."
"Magtiwala tayo kay Roni, malakas 'yon"
Habang nag-aantay naka upo kami ni Daddy. Sinabihan ko na din ang barkada. Tuwang-tuwa sila lalo na si pareng Yuan.
"Punta ako diyan mamaya, kailangan ko lang patulugin ang anak ko" reply niya sa chat ko sa group chat namin.
Isang oras mahigit na kaming nag-aantay. Lalo akong kinakabahan, pinapaintindi nalang saakin ni daddy na mahirap talaga pag dalawang ang baby na ilalabas.
Alam kong magiging successful ang panganganak ni Roni. Alam kong kayang-kaya niya, lalo na para sa mga anak namin.
Lumabas ang doctor at nakangiti itong nakatingin sakin. "Mr. Jiminez, congratulations, you have twins."
"Salamat po doc." Nawala ang kaba sa dibdib ko, lalo na alam kong safe ang mag-iina ko.
"Hintayin mo nalang na ilipat sila ng room. Congratulations ulit." Pagkaalis ng doctor, hindi ki maiwasang mapayakap kay daddy dahil sa tuwa.
YOU ARE READING
Love's Journey: Beyond Hate [Completed]
FanfictionIto ang season 2 ng "The more you hate, The more you love" Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, tulad ng nararanasan nina Borj at Roni. Ngunit sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap, nananaig pa rin ang matibay na...