Roni's Poit of View
Nandito ako ngayon sa mall. Balak ko maglibang dahil mag-isa lang ako sa bahay. Nag-iba na kasi ang oras ng trabaho ni Borj. Which is okay with me so we can sleep together at night and I won't be alone.
It's been weeks since, simula nung maka-uwi kami galing sa beach. Parang gusto ko na nga ulit bumalik sa resort nila Patrick.
Feeling ko kasi kahit wala naman ako masyadong ginagawa na stress ako. Lately, I can't explain this feeling. I've been moody about other things lately, but thankfully hindi nasasaktuhan pag kasama ko si Borj. For sure magtataka din 'yon. At syempre ang aking Borj, sobrang sweet at caring parin niya.
Nagsisi nga ako dahil hindi ko inaya si Jelai, ang alam ko free siya ngayon. Nahihiya kasi ako, syempre pag day off niya house wife muna siya. Ayoko naman agawin pa yung oras niya, para kay Junjun.
Nakaramdam ako ng gutom kaya kailangan ko na agad maghanap ng pwedeng makakainan. Gusto ko sa wala masyadong tao.
Habang naglalakad ako, I heard Borj's voice. Luminga-linga ako nagbabakasali na makita ko siya.
Nakita ko siya sa bandang likuran ko at may kausap na babae. They were laughing. Alas-onse palang ah, bakit nandito siya? Dapat nasa restaurant siya ngayon.
I felt a slight pain seeing them. Is Borj fooling me?
Niloloko mo ba ako Borj?
Iniisip ko palang ang sakit-sakit na.
I didn't realize tears were already falling. Bago pa nila ako makita, dali-dali na akong umalis. Wala na akong gana kumain, I just want to go home.
Nasa byahe na ako, nang biglang tumawag si Borj. Ayoko sanang sagutin pero gusto ko malaman kung magsisinungaling siya.
"B-borj"
"Hi love, where are you? Parang ang ingay ng paligid mo?" Bakas sa boses niya ang pagtataka.
"Pupunta lang ako sa p-palengke" pagpapalusot ko.
"Mag-iingat ka ha" hindi na ako sumagot dahil rinig ko ang ingay sa background niya.
"Love?-Roni?"
"Yes? Saan ka pala Borj, parang maingay din yata diyan?" Lakas loob kong tanong sakaniya. Halos pinipigilan ko ng huminga dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Ang tagal niya bago makapagsalita.
"A-ah, of course, I'm here at the restaurant, love. I took a quick break so I called you. Just to make sure na hindi ka nababagot sa bahay."
Shet. Ang sakit, Borj lied to me,!
"Ah hahaha, ganun ba" para na akong baliw na tumatawa dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Take care, love. I need to go, madami kasing customer."
"Okay bye" tipid kong paalam.
Pagkarating ko sa bahay, napaupo nalang ako sa sofa. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak.
Hindi ko alam kung anong klaseng pagchecheat ba talaga yung ginawa ni Borj, lalo na hindi ko pa sigurado kung babae niya yung kasama niya. Basta ang alam ko nagsinungaling siya saakin.
I have the right to be angry and hurt, right?
This is the first time Borj has done this to me. Nahuli ko pa talaga siya. Ang nakakainis pa don, hindi yun 'yong suot niya nung umalis siya dito sa bahay.
YOU ARE READING
Love's Journey: Beyond Hate [Completed]
FanfictionIto ang season 2 ng "The more you hate, The more you love" Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, tulad ng nararanasan nina Borj at Roni. Ngunit sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap, nananaig pa rin ang matibay na...