W-18Roni's Point of View
I'm thinking about where Borj and I are going. He just told me to dress up, hindi rin naman niya ako minadali. Kaya ito ako todo hanap ng pwede kong suotin, naghahanap ako ng bagay sa lahat ng pwedeng puntahan.
Nag suot nalang ako ng semi-formal, nakasuot kasi si Borj ng polo shirt. Pagkakita niya saakin na nakabihis na, agad siyang lumapit sa pwesto ko.
"Ang ganda talaga ng fiancee ko"
"Oh, stop it! ! Ang gwapo mo, love." Hinawakan ko ang bandang ibaba ng mga mata niya, halatang-halata kasi na kulang pa rin siya sa tulog.
"Ang laki na ng eye bags mo, bumawi ka ng tulog ha. May iba naman na pwedeng pagkatiwalaan sa restaurant niyo, kahit mag day-off ka lang ng two days."
"Opo, I'll inform Patrick right away. I also want to spend more time with you. Babawi ako love, sa mga pagkukulang ko."
Si Patrick ang naging kaibigan ni Borj, noong college. Nagkataon din na magkaibigan ang parents nila kaya nagkasundo sila.
"Borj, I understand your work. Of course, you need to focus on your restaurant. Don't worry too much about me. Basta pagkatapos ng araw na 'to, mag leave ka muna sa work mo."
"Promise love" Borj and I have the same job, managing our family business. Ang pinagkaiba lang ay hindi ako araw-araw nasa restaurant, pag kailangan lang talaga ako. Kaya mas madalas pa akong nandito sa bahay.
Inaya ko na siya na umalis, excited na kasi ako. Nagtaka naman ako dahil ang dinadaanan namin ay way papunta sa bahay ng parents ko, kung saan ako nakatira dati.
Yes dati, minsan nalang ako pumunta dito. Hindi naman nagtatampo sila Mommy, nagkikita naman kasi kami restaurant.
Nang malapit na kami sa bahay natanaw ko agad ang family and friends namin. Napatingin ako kay Borj, sobrang lawak ng ngiti niya.
"Surprise, love. I know na simple lang 'to, but I am sure you'll enjoy this night."
"Thanks, love. You know me, I always appreciate everything you do for me. Baba na tayo, Borj."
"Hi guys!" Bati ko sakanila dahil lahat sila ay nakaabang saamin ni Borj.
Lumapit si kuya kay Borj, at may iniabot itong bulaklak at chocolates. Alam kong para saakin 'yon. Lumapit saakin si Borj at iniabot niya saakin.
"Happy Anniversary, love." Humalik siya sa labi ko, kaya naghiwayan ang mga kasama namin.
"Happy Anniversary, Borj. Thank you!"
"Tamis! Hahahaha" -Junjun
"Stay strong, love birds!" - Missy
"Ayieeee" - Jelai
"Ganiyan dapat, magmahalan lang kayo parati." Wika ni Mommy, kaya parang nakaramdam ako ng hiya. For sure, nakwento na ni Kuya ang nangyari.
Ngumiti naman ako kay Mommy, at si Borj ay napapakamot nalang sa kaniyang ulo.
"Kailan ba ang kasal mga apo?" tanong ni Lola Seling.
Nagkatinginan kami ni Borj, dahil hindi pa namin napapag-usapan. "Lola, ini-enjoy po muna namin yung isa't isa hehehe" si Borj na ang sumagot.
"Oo nga po, tsaka darating din po tayo don." Pag sang-ayon ko.
"Matanda na kami ng Lolo Miyong niyo, syempre gusto namin maabutan pa ang magiging anak niyo." Para akong nabulunan ng sarili kong laway, dahil sa sinabi ni Lola.
YOU ARE READING
Love's Journey: Beyond Hate [Completed]
FanfictionIto ang season 2 ng "The more you hate, The more you love" Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, tulad ng nararanasan nina Borj at Roni. Ngunit sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap, nananaig pa rin ang matibay na...