Chapter 10:

428 30 4
                                    

Roni's Point of View

Halos kakatulog ko palang ulit, nang biglang umiyak si Brianna. Ilang gabi na akong walang tulog, ganun din si Borj. Nakaalalay siya saaming mag-ina niya.

I let him sleep in the living room earlier so he could rest. He wouldn't be able to sleep well in the bedroom, lalo na maya't maya nagigising si baby.

Mom and Dad are planning to visit us today. I told them to come in the afternoon or evening. We really need to catch up on sleep. Sometimes, it's just impossible. Mabilis kasi magutom si baby. Maya't maya ang pag iyak niya.

Pumasok si Borj dito sa kwarto na gulo-gulo ang buhok. Halatang antok pa. "Did you just wake up, love?" Tanong niya saakin.

"Medyo, nagutom ang baby e." sagot ko sakaniya.

He approached us, kissed our foreheads, then settled beside us. I let him hug me. His head rested on my right shoulder.

Naglalambing ang Borj Jimenez...ang asawa ko.

"Good morning, love" pagbati niya saakin, halata sa boses niya na antok pa siya.

"Good morning, patulugin ko lang si baby. Tsaka tayo matulog ulit" wika ko.

Sometimes pag hindi na namin kaya ang antok, nakikisuyo na kami kay ate Rose. But as much as we can, we try not to bother her. As we agreed, Ate Rose is only tasked with household chores.

"Mukhang tulog na love" bulong niya saakin. Inalis niya ang pagkakayap saakin, at kinuha si baby. Nilagay niya sa crib, malaki ang crib ni baby at connected siya sa kama namin.

She can use the crib as long as she can.

Humiga na ako ng maayos sa kama, agad ding tumabi saakin si Borj. Siniksik niya ang sarili niya saakin. Parang dalawa tuloy ang baby ko.

Isang totoong baby, at isang nagpapa-baby.

"Love gising tayo ng 8 or 9, para makapag breakfast tayo."

"Gisingin mo nalang ako Borj, ang bigat ng mga mata ko. Baka pahirapan ako gisingin."

"Okay love, pag umiyak si baby ako na bahala. Di ba may naka ready naman na siyang milk?"

"Yes, Borj. Thanks"

While the baby is still asleep and there's milk leaking from my breasts, I catch it. It hurts if I just let it be. Kaya nakakapag stock din kami sa ref, tapos pinapainit nalang pag kailangan ni baby.

"Tulog na, love" mahina niyang saad.

Nagising ako dahil sa pag ring ng cellphone ni Borj. Pagtingin ko sa wall clock 8:30 palang. Sino ba 'tong natawag?

Unknown number...

I answered it and waited for someone to speak.
"Sir Borj.." Huh? Sino 'tong babaeng 'to? Ang aga naman tumawag.

"Borj.."

Si Trisha? Nagising ng tuluyan ang diwa ko. Napatingin ako kay Borj, sobrang himbing pa din ng tulog niya.

Hindi pa din ako umimik.

"Kailangan ka namin ni baby, nandito ako sa hospital ngayon. Sumakit ang tiyan ko, a-akala ko mawawala na si baby" naririnig ko na din ang paghikbi niya.

"Pumunta ka dito please-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya, pinatayan ko na siya ng tawag.
Ang kapal talaga ng mukha niya, ang sarap ingudngod sa pader.

Hanggang ngayon may communication pa din sila? Wow. Hahaha.

Napatingin ako kay Borj, sinampal ko siya ng mahina sa pisnge. Nagising naman agad siya, at napahawak sa kaniyang pisnge.

Love's Journey: Beyond Hate [Completed]Where stories live. Discover now