Chapter 3:

608 28 9
                                    

Roni's Point of View

I woke up earlier than Borj, hinihintay ko siya magising. I tried to get up earlier, but the lower part of my body hurt. Ito na pala yung sinasabi nila na masakit sa una. Binalak ko ding humakbang kanina, muntik pa ako mawalan ng balanse.

Ayoko naman gisingin agad si Borj. Nagbabawi pa siya ng tulog. Kahit galaw-galawin ko ang buhok niya, hindi siya nagigising. Mas nagiging komportable pa ata siya, dahil mas sinisiksik niya ang sarili niya saakin.

Gusto ko na maligo dahil natulog agad kami kagabi. Kailangan ko din magpalit ng bedsheet. Nagulat ako ng maramdaman ko ang labi niya sa bandang leeg ko.

"Borj!" pagsita ko sakaniya "Good morning, my future wife, hahaha" kahit kailan talaga napaka pilyo.

"Good morning, nagising ba kita?"

"Not really, love." Umayos siya ng pagkakahiga at pinaunan niya ako sa braso niya.

"What do you want for breakfast, love?" tanong niya saakin.

"Anything, hindi naman ako maarte sa pagkain e. Yung madali lang lutuin, so you won't get tired." Sagot ko sakaniya.

Umupo ako para makatayo na siya. Pagkatayo niya tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko at binuhat niya ako papuntang banyo.

"You go ahead and take a bath, love. I'll fix myself downstairs. Ako na rin magpapalit ng bedsheet."

"Thanks, Borj." Humalik muna ako sa pisngi niya, bago ko isara ang pintuan ng banyo.

Ngayon ko lang narealize na hindi na ako nahihiya na makita niya na wala akong suot na kahit ano.

Imbes na mabilis lang ako maligo at mag-ayos ng sarili ko, kabaliktaran ang nangyari. Hindi talaga ako makapaglakad ng maayos.

Pagkababa ko sa hagdan, malawak na ngiti ang sinalubong saakin ni Borj. Mukhang natutuwa pa ata, dahil paika-ika akong maglakad.

Nakaligo na din siya. At mukhang tapos na siya magluto. Naamoy ko na ang tocino at chicken nuggets.

"Natagalan ka ata , love?", nakangisi niyang tanong. Sus! Pagtitripan lang ako nito.

"Tse! Masakit kaya, palibahasa walang nasakit sayo."

"Hahaha, alalayan kita hanggang kusina. What do you want to do today?"

"Quality time, Borj. Kahit mag movie marathon nalang tayo. Bukas na tayo lumabas. I'm not comfortable going out today."

"Okay, copy"

Tahimik lang kaming dalawa habang nakain. Binibigyan niya din ako ng ulam, pag nakikita niyang paubos na ang laman ng plato ko.

"Borj, busog na ako." Pinigilan ko siya, nang balak ulit niya lagyan ang plato ko. Pagkasama ko talaga si Borj, busog na busog ako.

"Just a little more, love. Let's finish it." Tumango nalang ako, dahil sayang kung magtitira pa kami ng pagkain.

Hindi kami maarte sa pagkain pero gusto namin sa isang araw, paiba-iba ang ulam namin para hindi kami magsawa agad.

I think adobo is the only dish that never gets old.

"Love, ako na maghuhugas. Umupo kana doon sa sala, buksan mo na ang tv."

This is the setup I like, we have time for each other. Hindi namin kailangan lumabas, okay na saakin yung magkasama kami.

Pagkatapos ko maghugas, tumabi agad ako sakaniya sa sala. Agad naman niya akong inakbayan.

Habang nakatingin ako kay Borj na medyo inaantok, hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. "Parang gusto mo nang matulog, Borj," biro ko, ngunit ang pag-aalala ay bakas sa tono ng boses ko.

Love's Journey: Beyond Hate [Completed]Where stories live. Discover now