CHAPTER 4

56 29 23
                                    

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang papalapit sya sa'kin. Habang lumalapit sya, mas lumilinaw sa akin ang emahe nya. Kitang-kita ko ang bangas at pasa nya sa pisngi at sugat sa gilid ng labi.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko agad sa kanya, bahagyang kumunot ang noo ko, nanguusisa.

"Ah ito?" tinuro nya ang muka nya. "Wala lang 'to, napaaway lang dyan sa tabi."

"Ayaw ko sa mahilig sa away." tumayo ako at iniwan syang mag-isa sa room. Mas binilisan ko ang lakad ko dahil alam ko na sumusunod sya.

"Hindi ako ang nagsimula." he reasoned.

"Pero gumanti ka naman."

Ayaw ko talaga sa mga taong nakikipag away kaya kapag nalaman ko na nakipag away si kuya Azriel isang linggo ko syang hindi pinapansin, depende kung gaano kalaki ang nasangkutan nyang gulo.

Para sa'kin lahat nadadaan sa maayos na usapan, kasi kapag gumanti mas lalo lang gugulo. Hindi naman kasi sa pakikipag away nasusukat ang lakas ng isang tao, kung marunong kang magpasensya mas lamang ka.

"Kung hindi ako gaganti mas dehado ako. Mag-isa lang ako tapos sila lima. Kung hindi ako gumanti, sa hospital ang bagsak ko."

Natahimik ako. He has a point. Pero para sa katulad kong ayaw ng gulo, may mali parin syang nagawa. Kung kinausap nya sana ng maayos ang taong nakaaway nya, hindi sana sila magsasakitan. Dapat nag pasensya nalang sya kasi kapag pumatol sya gaganti din ang kabila, hangang sa puro gantihan nalang ang mangyayari, hindi na matatapos ang away.

"I did that because of you."

"W-what?!" lumingon ako sa kanya, seryoso syang nakatingin sa'kin, ang kanyang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. "B-bakit ako?"

"Wala. Tara na ihahatid kita pauwi, doon din ako pupunta sa inyo." hinawakan nya ang pulso ko at hinila ako paalis.

"Teka lang, sabihin mo sa'kin, bakit ako ang dahilan. Hindi ako sasama sayo kapag hindi mo sa'kin sinabi ang totoo."

Lumingon sya sa'kin, masama ang tingin.

"Kapag sumama ka sa'kin, sasabihin ko lahat." muli nyang nilahad ang kamay nya, iniintay na tanggapin ko. Nakikita ko ang pagkainip sa muka nya pero hindi sya nagreklamo kahit ang tagal kong mag decide.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko hinawakan ang kamay nyang nakalahad inunahan ko sya sa paglalakad. Gusto kong malaman kung bakit ako ang dahilan ng pakikipag away nya kaya ako sumama.

"Bakit nandito tayo?"

Hindi sya sa bahay namin dumeretso, sa bahay nya ako dinala.

"Gagamutin mo ang sugat ko bago kita iuwi."

Agad akong nagreklamo. Wala akong balak bumalik dito sa bahay nila, ayaw ko syang makasama.

"Ayaw ko dito. Iuwi mo nalang ako, sa bahay kita gagamutin kung gusto mo."

Tiningnan ko sya ng masama. Huminga sya ng malalim, hinawakan nya ang ulo nya na parang bigla iyong sumakit. Sumandal sya sa upuan ng sasakyan at pumikit.

Nag-alala ako bigla. "Are you okay?" hinawakan ko sya sa braso. He looked at me and shook his head.

"Hindi ako okay, masama ang pakiramdam ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko."

"W-what do you want me to do? Tatawag na ba ako ng doctor---"

"Stay with me...alagaan mo ako."

Natuptop ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng may sakit. Hindi ko alam kung paano ko sya aalagaan kung sakali. Muli akong tumingin sa kanya, nakatingin din pala sa'kin ang berde nyang mata, nakikiusap iyon. Para hinihiling na pumayag ako sa gusto nya.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon