CHAPTER 5

46 30 29
                                    

"Wash up. Bibili ako ng napkin mo. Anong brand ba?"

I blinked namula ang pisngi ko "Nakakahiya." I covered my face using my palm.

I've caused a lot of trouble today. Puro kahihiyan na ang nagawa ko. Nasaktan sya ng mama nya dahil sa'kin, pinagisipan din sya nito ng masama. Nahimatay ang mama nya dahil akala nya may ginawa sa'kin ang anak nya, dahil sa'kin na high blood ang mama nya.

Isa pa sa nakakahiya ay ang makita nya ako sa ganitong sitwasyon. Sya pa ang nagligpit nang cover ng kama na nabahidan ng dugo ko dahil ayaw naman nya akong pakilusin.

Tapos ngayon pinoproblema nya kung paano ako makakapagpalit at kung paano sya magpapaliwanag pag gising ng mama nya.

"I'm sorry Trev." I sincerely said.

"No need to say sorry, wala kang kasalanan. Ako ang nagdala sayo dito kaya responsinilidad kita. Pareho nating hindi alam na uuwi si mama at hindi mo sinasadya na magkaroon ka ngayong araw, normal naman iyan sa babae. Wag kang magalala ako na ang bahala kaya mama." ginulo nya ang buhok ko.

"Thank you for understanding, Trevence." I smiled.

"Wellcome. Anyway bibili ako ng napkin mo sa labas, anong brand ba ang gamit mo?"

Namula ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. The way he asked, it's so casual, hindi katulad ng ibang lalaki na parang ayaw sabihin ang tungkol sa ganito.

"Nakakahiya, ako nalang bibili---"

"Nang ganyan ang itsura mo?" he cut me off. Raising his eyebrow, he crossed his arms under his chest, making him look intimidating. "Baka isipin pa nila ginahasa ka. I won't let you go outside in that state, baka mabastos ka pa, makakahanap na naman ako ng kaaway pag nagkataon. Hindi naman ako pwedeng humingi kay mama kasi menipose na sya so you don't have any choice."

"But--"

"Elaine, isa." pinanlakihan nya ako ng mata, nagbabanta. "Tumatakbo ang oras baka magising na si mama. What brand?"

Bumuntong hininga ako. I don't have any choice but to tell him. "Sister." sagot ko, hindi parin makatingin sa kanya, sa baba lang ako nakatingin.

"Okay." Sinundan ko sya ng tingin hangang sa makalabas sya ng kwarto. "Teka..." sumilip sya sa pinto mukang may nakalimutan. "Ano, uh... Sister with wings, without wings or...unli wings?"

Nagulat ako noong una pero kalaunan ay tumawa dahil sa huli nyang sinabi. Maging sya mismo ay natawa din sa sarili nyang biro. It took me a minute to surpass my laughter. I cleared my throat first before speaking, slightly giggling I managed to speak in a clear voice.

"Sister with wings, para hindi tumabingi." I covered my mouth after I realized what I said. I shouldn't tell him that!.

Sya naman ang namula ang pisngi, mukang sya pa ang nahiya. He cleared his throat and said okay before leaving. Pagkaalis nya doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Oh god nakakahiya!

"Anong ginagawa mo dito sa bahay namin, alam ba ng magulang mo na nandito ka?"

"Ako ang nagdala sa kanya dito Ma---"

"Manahimik ka, hindi ikaw ang kausap ko."

Nagbaba ako ng tingin. I play my fingers because of nervousness. Nandito kami sa sala, magkatabi kami ni Trevence tapos ang mama nya ay nakaupo sa kaharap naming sofa.

"My parents did not know that I'm here--"

"Wag mo akong englishin. No English me." masungit syang humalukipkip.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon