I closed my eyes and take a deep breath. I was standing in front of my window staring outside while my body bathed in a gentle morning sunlight.
Today's a new morning, new beginning.
After few stretching hinanda ko ang sarili ko para sa pagpasok. I smiled while staring at my own reflection. This nurse uniform suit me well.
Hindi ko pinangarap na maging nurse ang gusto ko talaga since high school is to be an accountant, business women, anything related to business but not related in any medical field. Wala sa plano ko ang pagiging nurse dahil takot ako sa dugo ayaw kong mag-gamot pero heto ako ngayon taking the course that wasn't in my plans.
Siguro ganoon talaga nababago ang desisyon ng tao sa paglipas ng panahon. Tulad ko. Noong bata gusto kong maging teacher, noong nagdalaga gusto kong maging business women, tapos ngayon nursing ang kurso ko.
Hindi ako pinilit ng magulang ko tungkol sa kursong ito, hindi din implowensya ng barkada at mas lalong hindi trip ko lang dahil ang cool tingnan in all white uniform at dahil malaki ang sahod sa ibang-bansa. Although, kasama na ang malaking sahod sa dahilan kung bakit ko ito gusto.
I take this course because I want it. I have a passion through this field. I want to help those people whose still fighting for their lives. I love taking care of the people. I wanted to give hope to others.
Maybe this is what I want in the very beginning talagang hindi ko palang na e-express ang sarili ko noong high school palang ako. Masyado ko lang sigurong hinahangaan ang Daddy at Kuya kaya gusto kong maging business women katulad nila.
Caring is the essence of nursing.
Being a nurse isn't easy there is a big responsibility in our hands, nasa kamay naming mga Doctors and Nurses ang pag-asa na gumaling ang isang tao. We have a big role and purpose in this world.
"Check ko lang po ang vital signs nyo ma'am." I smiled at her.
Sa OB Gyne Ward ang duty ko ngayon. Nag mo-monitor ako ng vital signs ng patient, nag-aasikaso sa pangangailangan ng ina at sanggol, at nag-assist sa mga normal and cesarean mommies.
"Ang ganda mo Nurse. Sana kasing ganda mo ang anak ko."
Natawa ako. Gusto ko sanang sabihin na lalaki ang anak nya pero tinikom ko nalang ang bibig.
"Hindi pa po ako Nurse, intern palang po ako, pero salamat po sa compliment. Sure po ako na magiging guwapo ang anak nyo paglaki. Look at him po, ang cute-cute." ngumiti ako.
The lady also smiled and then look at the incubator. Her cute little boy is playing there, gumagalaw-galaw ito doon at paminsan-minsan ay naiyak.
"Wala syang tatay. Magagalit kaya sya sa'kin 'pag laki nya dahil wala syang papa?"
Hindi agad ako nakasagot. Pinagisipan ko muna ang sasabihin ko dahil ayaw kong may masabing mali sa pasyente. Ang mga pasyente na nanganak ay prone sa stress and depression after giving birth lalo na kapag may pinagdadaanan.
"Maiintindihan nya po 'yon misis. Kahit wala po syang daddy ayos lang po 'yon. Ang mahalaga bubusugin mo po sya ng pagmamahal at palaging ibibigay ang atensyon na kailangan nya para hindi nya maramdaman na may kulang sa kanya habang lumalaki. Be his mother and father as well. I know ma'am that you can raise your son as a good person someday."
She smiled and held my hand. "Thank you Nurse."
"Walang ano man po. Mauna na po ako."
Pagkatapos kong ma-check lahat ng pasyente ko lumabas muna ako para kumain. Kumain ako sa karinderya malapit sa hospital, hindi pa ako kumakain ng luch kaya gutom na gutom na ako.

BINABASA MO ANG
Captivating Deception (Affection Series 1)
RomanceCaptivating Deception (Affection Series 1) Larissa Elaine Gilivray was known as the perfect daughter and sister, always obedient and focused on her studies. She was like an angel to everyone around her. But when she met her brother's friend, Treven...