CHAPTER 1

79 32 28
                                    

"Bakit late ka ng umuwi?"

Hindi pa ako nakakapag tanggal ng sapatos seryosong boses agad ni kuya ang bumungad sa'kin paguwi ko. Nakaupo sya sa couch, nasa ibabaw ng hita nya ang kanyang laptop.

"Maaga pa naman kuya." katwiran ko. Hindi pa naman late. Five o'clock ang class dismissal namin, nakauwi ako ng six dahil nag pa-approve pa kami ng Research title sa teacher namin. Medyo madilim na sa labas pero hindi pa talaga ako totally late.

"Larissa." hinubad ni kuya ang specs nya at masama akong tiningnan, naghihintay sya ng paliwanag ko.

Ngumuso ako. "Nagpa-approve pa kami ng title kuya, don't be mad nagpaalam naman ako kay dad. Wag ka ng magalit sa'kin, sorry na." Inalis ko ang laptop sa kandungan nya at niyakap sya.

"Kay dad nagpaalam ka pero sa'kin hindi. Kuya mo ako Larissa, dapat lagi akong updated sayo," bumuntong hininga sya. I smile when he kissed my temple. "Kumain kana?" marahan nyang tanong.

"Hindi pa kuya, gutom na ako." I pouted and touched my tummy in a circular motion, acting cute in front of my brother.

"Kakain na tayo, hinintay talaga kitang umuwi para sabay tayo."

Being a bunso is blessing lalo na kapag mayroon kang loving, protective and caring daddy and kuya. Dahil bunso ako binibigay ni daddy at kuya lahat ng gusto ko. Hindi lang sa materyal na bagay kungdi pati na rin sa pagmamahal.

Ang problema lang madalas nagiging super duper protective na sila lalo na si kuya. Halos ayaw na nya akong palabasin sa bahay. Kapag aalis ako kailangang kasama si kuya, ayaw akong palapitin sa lalaking hindi nya kilala. Over acting na talaga si kuya.

Hindi ko naman sya masisi dahil nagiisa lang akong babae sa pamilya namin. Namatay si mommy pagkapanganak sa'kin tapos noong baby pa ako, sakitin at mahina ako, walang ginawa kungdi umiyak kapag nasasaktan, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Over protective sila sa'kin dahil ayaw nila akong mawala tulad ni mommy.

Nakakasakal minsan pero kapag naiisip ko na para sa kapakanan ko ang ginagawa nila ay ayos lang, iniintindi ko nalang. This is for my own good.

"Kuya! Kuya! Gising na!"

Lumundag ako sa kama. Hinawakan ko ang braso ni kuya at niyugyog sya para magising. We have a class today. Tanghali na hindi parin sya gising.

"Larissa. I'm still sleepy!" nagtaklob sya ng unan sa tenga.

Ngumuso ako. I know why he's still sleepy. Gabi na syang umuwi kagabi. Nakipag inom sya sa mga kaibigan nya. Kuya Azriel have a lot of friends most of them are boys hilig nilang mag bar kapag hindi hectic ang schedule nila.

"Kuya late na ako!" hinampas ko sya ng unan.

Napakamot sya sa kanyang batok. Umupo sya sa kama at ginulo ang kanyang buhok. He look mad but when he looked at me he sigh as a sign of defeat. Alam kong gusto nya akong sigawan pero hindi nya magawa. Because if he did that, I'll cry, and he don't want to so me crying.

"Good morning kuya!" I kissed the both of his cheeks, hindi naman sya mabaho kahit bagong gising palang.

"Morning, baby." ginulo nya ang buhok ko, this time nakangiti na sya.

"Hinanda ko na yung susuotin mo. Take a bath tapos bumaba ka na, sabay tayong mag breakfast."

Lumabas ako sa kwarto nya. I go back to my room to prepare myself. I combed my wavy hair and braid it into two. I didn't put anything on my face, kinagat ko lang ang labi ko para mas pumula.

When I'm already done. Bumaba na ako. Umalis na si daddy kanina pa, kami nalang ni kuya ang sabay kakain.

Masama ang tingin ko kay kuya pagpasok nya sa dining. Ang tagal nya! Ang bagal bagal nyang kumilos, kanina pa ako gutom.

Captivating Deception (Affection Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon