CHAPTER 17

38 24 30
                                    

"Kung ano ang gusto ni misis 'yon ang masusunod. Hindi 'yon pagiging under katunayan 'yon na isa kang tunay na lalaki pagiging mapagmahal ang tawag dun."

I secretly laughed upon hearing what he said to my brother. Nasa sala kaming tatlo binisita kasi ako ni kuya dito, may dala syang snack iyon ang pinagsasaluhan namin habang nanunuod ng movie. Kuya Azriel rarely visited me here at home, so I'm happy that he made time today.

I understand why he's busy because he's the one who runs our business now; he's the new CEO of our company. Since I'm not inclined to take on the business management as it doesn't align with my aspirations, Dad passed on his responsibilities in the company to my brother.

Kuya bought me a lot of pasalubongs. May damit, bags, sandals, shoes, chocolate and many more. Ayaw sanang tanggapin ni Callen ang madaming chocolate kasi baka daw makasama sa akin ang sobra. What else should I expect from him? He's a doctor, so he'll surely react, especially when it comes to my health, akala mo naman sunod-sunod kong kakainin ang chocolate na bigay sa akin.

Akala ko talagang magmamatigas sya na wag tanggapin ang chocolate mula kay kuya pero nang samaan ko sya ng tingin tanda na galit na ako ay agad syang pumayag.

'Yon ang pinapaliwanag nya kay kuya. That he's not under. Niloloko kasi sya ni kuya na under ko daw si Callen. Well, sort of, yes, madalas kasi na ako ang nasusunod sa aming dalawa, hindi nya ako kinokontra. It doesn't mean that he's under, I guess, I think it's his way to respect all my decisions. There's nothing wrong with that.

"Hindi ka under?" kuya asked, natatawa sa reaksyon ni Callen.

"Hindi." mariing aniya.

"Larissa baby saan tutulog si Callen mamaya?" mapaglarong tanong ni kuya.

Kumunot ang noo ko, hindi alam kung saan patungo ang usapan namin. Kuya Azriel obviously teasing him. I sighed softly before giving them my answer.

"Sa guest room or sa bahay nya mismo."

Alam naman ni Kuya ang tungkol sa sitwasyon namin ni Callen kaya hindi ko na kailangang magsinungaling.

I thought Callen wouldn't mind my answer because he knows that I'm telling the truth. Doon naman talaga sya sa guest room kapag nandito o kaya sa bahay nya nalang sya, isang beses ko lang naman sya hinayaang matulog sa tabi ko, that was a weeks ago. But he reacted quickly, he scoffed loudly like he was shock.

"Sa kwarto mo ako tutulog. Matagal akong hindi--"

"Sa guest room ka."

Napakamot sya sa ulo at sumimangot. Si kuya naman ay nanunuod sa amin.

"Ehh! hon naman..." he stamped his feet like a child. "Asawa ko sa tabi mo ako mamaya." his voice almost plead.

"Nope, guest room." sinamaan ko sya ng tingin.

Napakurap sya at bumuntong hininga. "Okay." bagsak balikat na aniya.

Sabay kaming napatingin kay Kuya nang pumalakpak sya. Natatawa nyang dinuro si Callen. "Hindi pala under huh." tumawa sya.

"Haha, funny," he sarcastically said. "Pagiging masunurin ang tawag dun, mapagmahal lang talaga ako. Kala mo naman." inirapan nya si Kuya and then a wicked smile form to his lips. "Parang gusto kong pumunta sa SIERRA madre, maganda daw doon." diniinan nya ang pagkakabigkas ng Sierra.

"Itali kita sa tuktok ng bundok ng sierra madre. Gago." pikon na tugon ni kuya, tinawanan lang sya ni Callen.

"Pikon. Supot ang pikon." Callen stuck out his tongue.

"Pakain ko to sayo e." lalong napikon si kuya.

Lumapit sa akin si Callen at yumakap, akala mo ay inaapi samantalang sya naman ang nangiinis. "Hon oh ang bastos. Suki 'to ng bakla noong kabataan--aray!" piningot ko sya.

Captivating Deception (Affection Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon