CHAPTER 18

35 24 25
                                    

Nakaupo ako sa duyan sa labas ng cottage. Nakatingin sa kalmadong dagat habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Tulog pa si Callen kaya ako lang mag-isa rito sa labas.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Kagabi akala ko inuwi nya ako sa bahay but I was wrong, dito pala nya ako dinala sa resort na pagmamay-ari ng pamilya nila.

Nang maubos ko ang gatas na iniinom bumalik ako sa loob ng cottage hinugasan ko ang pinag-inuman bago pumunta sa kwarto para silipin si Callen. Tulog na tulog parin sya nakadapa sa kama at humihilik pa.

I decided to go outside for a walk, maaga pa naman at wala pa halos tao. May mga mangingisda akong nakikita na nagbababa ng isda galing laot. Their wife's helping them, may ilang bata naman akong nakikita na naglalangoy agad at ang ilan ay tulad ko naglalakad-lakad sa tabi ng dagat.

"Ganda baka gusto mong bumili ng isda?" alok sa akin ng isang babae, may kasama itong bata na may dalang bracelet na gawa sa shell.

"Patingin po."

Hindi ako pamilyar sa mga isda dahil hindi naman ako madalas mamalengke pero tumingin parin ako.

"Pusit ganda 300 nalang ang kilo dahil bwena mano ka. Hindi 'yan palutan, hindi iyan naurong pag niluto."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babae pero binili ko parin ang pusit. Gusto ko rin namang makakain ng fresh sea food.

"Isang kilo po tapos binibinta po ba ng anak nyo 'yong bracelet?"

Tumingin ang ginang sa anak. "Hindi ganda, mahilig lang talagang gumawa ng ganyan ang batang 'yan. Gusto mo ba?"

I nodded my head. "Babayaran ko nalang po. Dalawa sana kung pwede po?"

Ngumiti ang babae. Kinausap nya ang bata at sinabing bibilhin ko ang bracelet sunod-sunod naman na tumango ang batang babae. Pansin ko na kanina nya pa ako tinititigan, nakikita ko sa mata nya ang paghanga.

"Sayo nalang ate, 'wag mo ng bayaran. Ang ganda mo po," namula ang pisngi nya. "Gusto kong maging maganda katulad mo, saka maputi." ngumiti sya.

Ginulo ko ang buhok nya. "Salamat dito sa bracelet, ang galing mong gumawa, you have a talented hand. Maganda ka rin, everyone is beautiful, kapag lumaki ka mas lalo kang gaganda."

Truth. She's really beautiful, she's morena, she have a small face and a pointed nose kapag nagdalaga ang batang 'to sure ako na mas lalong lalabas ang kagandahan nya.

"Ay, ate naiwan ko yung pera sa cottage, pwede pong samahan nyo ako para mabayaran ko kayo? Pasensya na po."

Nahiya ako bigla. Ang lakas ng loob ko na bumili tapos hindi ko mababayaran agad, makaka abala pa ako sa kanila. Mabuti mabait ang ginang, pumayag sya na sumama sa akin. Hindi naman kalayuan ang cottage kaya nakarating kami agad.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." galit na bungad ni Callen pagdating ko sa tinutuluyan.

"I just go for a walk, 'wag kang magalit." Iniwan ko sya para kumuha ng pera sa loob, ramdam ko naman na sumunod sya.

"Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ka nagpaalam? Pinag-alala mo ako, akala ko umalis ka na!."

"Tulog ka pa kanina Callen ayaw kitang istorbohin. Can you please calm down nandito na ako okay, hindi ako umalis."

Muli akong lumabas para ibigay sa mag-ina ang bayad ko. Muli na namang sumunod sa akin si Callen mabibigat ang bawat hakbang halatang naiinis talaga.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin--"

"Nagbabayad ako, mamaya tayo mag-usap!" pinandilatan ko sya ng mata, natahimik naman sya. "Ito po ate, salamat po." binigay ko ang bayad at ngumiti.

"Ate oh." sinuot nya sa pulsuhan ko ang bracelet, ngumiti ako at bahagyang pinisil ang pisngi nya.

Captivating Deception (Affection Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon