Chapter 3: Weird

26 7 5
                                    

Pagkapasok ko sa gate ng school ay saka ko lang napansin ang dalawang tao na naunang pumasok sa 'kin.

Si Maris at Alvin.

Magkasabay silang pumasok. Sila kaya? Pero kung totoo mang may something sa kanila, hindi ba't dapat nakaakbay ang lalaki sa kanya? Hindi naman kasi enough na magkasabay lang kayong pumasok para malaman ng ibang tao na may kayo.

Yan din kasi ang problema ng ibang tao ngayon. Kapag makita lang nila na magkasama ang babae at lalaki, iisipin agad na may relasyon ang dalawa.

Kasali pala ako dun.

Pero hindi ko naman iniisip na sila eh. Hindi ko naman kasi sila nakikitang sweet sa loob ng classroom kaya napapaisip rin ako.

Nasa likod lang nila ako at naglalakad. Pareho lang din kasi kami ng pupuntahan, classroom namin sa may 3rd floor. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa building, lumiko pa-kaliwa si Alvin at naiwang mag-isa si Maris.

Dire-diretso lang din si Maris na para bang wala lang sa kanya na iniwan siya ni Alvin.

Confirmed. Hindi nga mag-jowa.

Magkasunod lang kami na dumating ni Maris. Nadatnan kong natutulog sa armchair niya si Gwen. Sinadya kong banggain ng kaunti ang upuan ko para maramdaman niya ang pagdating ko.

"Lorie..."

Inangat niya ang ulo niya at nakita ko na ang mugto ng mga mata niya. Agad akong napaupo at napakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

Ngumuso siya at mukhang iiyak na naman. "He cheated on me."

Mas lalong napakunot ang noo ko. Kailan pa siya nagkaroon ng boyfriend? Ang pagkakaalam ko ay pareho kaming single at NBSB.

"Ano? Nagjowa ka nang hindi mo sinasabi sa 'kin? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

Mas lalo siyang sumimangot. Pinunasan niya ang naluluha niyang mata at ibinaling ang tingin sa pisara.

"Si Cohen kasi, may girlfriend na.." nanghihinang aniya.

Napabuntong-hininga ako dahil yung crush niya lang naman pala. Simula kasi noong mag-highschool kami ay si Cohen na talaga ang crush niya. Napanood niya kasi itong magperform noon dahil kasali ito sa banda na representative ng school. Kaya simula noon, wala ng kahit na sino ang nakakuha ng pansin ni Gwen kundi si Cohen lang. Mas matanda ito sa 'min ng tatlong taon at gumraduate na rin ito sa school namin ngunit kahit ganoon ay tinalo pa ng Wikipedia ang kaibigan ko dahil sa dami ng alam nito tungkol kay Cohen. Talo rin nito ang paparazi dahil masyado itong updated sa mga nangyayari sa lalaki.

Hays, pag-ibig nga naman.

Tinapik ko ang balikat niya at hinimas ang likod para kumalma siya. Kahit na alam kong baliw 'to sa pag-ibig ay naiintindihan ko siya. Ganun naman talaga kapag totoong mahal mo ang isang tao, kapag may kasama at mahal na siyang iba, iiyak at iiyak ka talaga. Ang kaibahan nga lang sa kaso ni Gwen, mahal niya ito pero wala namang sila.

"Tama na 'yan, ganyan talaga ang buhay," wika ko habang wala akong tigil sa paghimas ng likod niya.

"Bakit hindi niya ako makita, Lorie? Palagi naman akong nagpapapansin sa social media, sa DMs niya, kahit nga sa personal kapag nakikita ko siya. Pinapakita at pinaparamdam ko naman na andito ako eh, bakit naisip niya pa ring lumingon sa iba? May mali ba sa 'kin? May kulang pa ba?" malungkot niyang tanong. Agad niyang pinunasan ang luha nang tumulo ito sa pisngi niya.

Kung hindi lang 'to umiiyak ay kanina ko pa 'to pinaghahampas eh.

Iwinakli ko ang pagkakakunot ng noo ko at tinitigan siya. "Kasi Gwen unang-una, sa dami ba naman ng babaeng nagkakandarapa dun paano ka pa niya mapapansin? Pangalawa, wala tayong magagawa kung may girlfriend na siya. Sino ba naman tayo para pigilan siya? At kahit pigilan na 'tin siya, sino ba naman tayo para pakinggan niya, 'di ba?"

"Jowa niya ako 'no, ako yung original."

"Magjowa nga kayo, ikaw lang naman ang nakakaalam."

Tiningnan niya ako at sinamaan ng tingin.

"Lorie naman, alam mo namang broken hearted ako. Ang sakit mo pang mang-realtalk," nakangusong aniya.

Nagkibit-balikat ako at muling tinapik ang balikat niya. "Minsan kasi kaya tayo nasasaktan kasi nagpapakabulag tayo sa katotohanan. Gising-gising rin kasi 'pag may time. And take note, it's not called realtalk for nothing."

Nasa pinakaharap kami nakaupo at katabi lang din namin ang pinto kaya nagulantang kami nang biglang sumulpot si Carlo at nagpose pa sa pinto.

"Mukhang maganda ang gising mo Carlo ah," natatawang sambit ko.

"Natural, ikaw ba naman ang madiligan sa gabi siguradong mamumulaklak ka talaga pagdating ng umaga," maarteng anito. Napailing na lang ako.

May bakanteng upuan sa tabi ni Gwen kaya doon naupo si Carlo.

"Huwag ka ng malungkot bestie kung ipinagpalit ka ng taong gusto mo. May kasabihan nga diba, kapag pinagpalit ka sa iba, ipagpalit mo rin. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, kaya hangga't buhay ka pa, huwag kang tutunganga, lumandi ka! And I, thank you!" Tumayo pa ito at nagbow sa harap ng mga kaklase namin.

Pumalakpak ako dahil may punto naman si Carlo. Hindi lang naman kasi si Cohen ang lalaki sa mundo.

"Balang araw, mahahanap mo rin yung lalaking hindi mo na kailangang habulin para mahalin ka. Siya na mismo ang maghahabol sa 'yo para patunayan ang sarili niya sa 'yo," nakangiting sambit ko kay Gwen na tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Korek!" pagsang-ayon ni Carlo sa 'kin.

"Salamat sa inyo, sana tumatak sa bulok kong utak 'yang advice niyo," malumanay na sabi ni Gwen.

"Ipa-stamp na 'tin bestie! O kaya ipa-tattoo na 'tin. May kilala akong magaling manampal nang maggising ka sa katotohanan."

Natawa na lang kaming tatlo dahil sa sobrang hype ni Carlo. Napailing na lang kami ni Gwen nang magpaalam si Carlo na uupo na sa upuan niya.

Kasunod ng pag-alis niya ay ang pagdating ni Alvin. Tiningnan niya lang kami at tuluyan ng pumasok papunta sa pwesto niya.

"Anong problema nun?" wala sa sariling tanong ni Gwen.

Nagkibit-balikat lang ako. Wala naman akong naaalalang may atraso kami sa kanya para tingnan niya kami ng ganun.

Baka nad-delulu lang kami.

Pumasok na rin ang teacher namin sa Science. Pakiramdan ko ay ang bilis ng takbo ng oras. Kung sabagay, ganun naman talaga siguro kapag nag-eenjoy ka sa pag-aaral, hindi mo maiisip ang oras.

Sa huling subject namin bago maglunch, may pinasagutan sa 'min yung Filipino teacher namin at ako ang inutusan niya na kolektahin ang mga notebook.

"Guys, akin na yung mga notebook niyo para maipasa ko na."

Nasa harap ako at nakatukod ang dalawang kamay sa mesa ng teacher. Syempre, nasa lamesa na ang notebook namin ni Gwen. Sunod na tumayo ang ilang kaklase namin para magpasa hanggang sa namataan ko na tumayo si Maris at walang ekspresyong naglakad at inilapag sa table ang notebook niya.

Napansin ko na walang cover yung notebook niya kaya bago pa siya tumalikod ay tinawag ko siya.

"Bakit?" taas-kilay niyang tanong.

Aba, masungit.

"Ano kasi, sa susunod i-cover mo ng blue construction paper yung notebook mo. Yun kasi yung color namin dito, para hindi malito si ma'am," nakangiting paliwanag ko sa kanya.

Baka kasi mapunta sa ibang section yung notebook niya kapag hindi nalagyan ng cover.

"K."

Tumalikod na ito at bumalik sa upuan niya, sa tabi ni Alvin.

Busy si Alvin sa pakikipag-usap sa mga kaklase naming lalaki habang si Carlo naman ay sinisipat sa salamin ang sarili. Si Maris itong bumalik sa upuan at nagbasa ng libro.

Okay naman ako kay Carlo. Pero ang weird ng dalawa niyang katabi.

Halatang hindi sila masayang naging kaklase kami.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon