Chapter 17: He likes me

18 3 1
                                    

Pinayuhan ako ni Doktor Ganda na huwag na munang umuwi para masuri niya raw ako. Hindi naman umangal ang mga magulang ko. Nagulat nga ako nang isang araw ay biglang dumalaw si Alvin.. ng siya lang mag-isa.

"Good afternoon po," pagbati niya kay Mama nang madatnan niyang ito ang nagbabantay sa 'kin.

"Magandang hapon din sa 'yo, hijo." Sinalubong ni Mama ng ngiti si Alvin. 

May inabot na supot si Alvin na tinanggap naman ni Mama, "Mga prutas po."

"Alvin, hindi ka na dapat nag-abala," wika ko.

"Ngunit salamat pa rin hijo," nakangiting usal ni Mama. Tumayo siya at inayos ang mga prutas sa bakanteng basket na nasa gilid lang ng hinihigaan ko.

Nabaling ang atensyon ko kay Alvin nang magsalita siya, "Kumusta ka na?" tanong niya.

"Okay na ako pero kailangan ko pang magstay dito dahil yun ang sabi ng doktor," paliwanag ko. Napatango siya at nagpunas ng pawis.

"Gusto mong kumain ng prutas, anak?" tanong ni Mama.

Tumango ako, "Opo."

"Ako na po ang magbabalat," ani Alvin at kinuha mula kay Mama ang orange at sinimulang balatan ito.

"Kung matatagalan ka pa dito, tuturuan na lang kita sa mga lessons na 'tin sa school," biglang suhestiyon ni Alvin.

Palihim akong napangiti dahil pareho sila kung mag-isip ni Gwen. Kahit na andito ako ay gusto nila akong tulungan sa mga gawain ko sa school.

"Huwag na, gawain na ni Gwen 'yan. Dadating din yun maya-maya para turuan ako. Kaya hindi mo na kailangang gawin 'yan Alvin pero salamat," untag ko.

Simula noong isugod ako sa ospital, mas naging maaalahanin si Alvin sa 'kin. Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung tatanungin ko ba siya tungkol sa pinag-usapan namin ni Maris sa rooftop.

Ilang araw na ring naglalaban ang puso at isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya kung anong nararamdaman ko o huwag na lang.

Nakisali si Mama sa kwentuhan namin. Pakiramdam niya nga raw ay nasa high school ulit siya dahil nakikipag-chikahan siya sa mga high school student. Mamaya pa naman ang shift ni Mama dito sa ospital kaya nakipagkwentuhan muna siya.

Maya-maya ay dumating si Gwen. Hindi na siya naka-uniform pero dala niya ang backpack na palagi niyang dala sa school.

"Hi, tita kong maganda, maalahanin at pangawalang nanay ko na rin!" masayang bungad ni Gwen sa pinto.

"Tuloy ka, Gwen," aya ni Mama sa kanya.

"Talagang tutuloy ako Tita, sa ayaw at sa gusto mo! De joke lang!" wika ni Gwen at ibinaba sa sahig ang dala niyang bag.

"Kayo muna ang bahala kay Lorie habang nasa duty ako ah?" bilin ni Mama.

Kumunot ang noo ni Gwen. Malamang ay hindi niya agad napansin si Alvin na nakaupo sa may gilid.

"Kayo?" takang tanong niya.

Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto hanggang sa makita niya si Alvin.

"Gwen," wika ni Alvin.

"Uy, Alvin, nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Maris ah."

Nagtagpo ang mga tingin namin ni Alvin nang mabanggit ng kaibigan ko ang pangalan ni Maris.

Ako ang unang umiwas at inilipat ang tingin kay Gwen.

"Okay lang kayo?" dagdag nitong tanong.

"O-Oo naman.." may pag-aalangan sa boses ni Alvin.

"Okay, ganito na lang. Since malapit na ang exams, sabay na lang tayong mag-aral," nakangiting ani Gwen at naupo sa tabi ko. 

Mabuti na lang at nakisabay rin si Alvin sa pag-aaral. Ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso sa pag-aaral. Puro kasungitan lang kasi ang pinapakita niya sa 'kin noon.

Noon.

Bakit tila hindi na siya masungit sa 'kin ngayon? Bakit biglang iba na ang Alvin na kaharap ko ngayon?

Mabilis na umikot ang oras at bukod sa pagbasa ng mga notes ni Gwen, hindi ko rin maiwasang magnakaw ng tingin kay Alvin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko mina-magnet niya ang mga mata ko. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Alvin. Ngiti niya ang huli kong nakita bago sumara ang pinto.

Nagulat ako nang biglang tumabi sa 'kin sa kama si Gwen at hinampas pa ako.

"Ikaw Lorie, umamin ka nga. May something na ba sa inyo ni Alvin?" 

Mas lalo akong hindi naka-recover sa pagkakagulat dahil sa diretsang tanong niya.

"Wala!"

Napapikit siya at napahawak sa sentido. "Huwag ka ng magkaila pwede? Akala mo ba hindi ko napapansin yung mga nakaw-nakaw niyo ng tingin ha?"

"Eh kasi.." naubusan ako ng salita at napakamot ng ulo.

Umayos ng upo si Gwen at sumilay ang ngisi sa mga labi niya. "Sinasabi ko na nga ba eh, umamin ka na ba?"

"W-Wala 'no. Ba't ako aamin? Ako ba yung lalaki?" 

Isa pa, matagal ko ng paniniwala na dapat ang lalaki ang unang umaamin sa babae. 

"Lorie naman, year 2024 na. Kaka-September 1 lang nga eh, malapit ng mag-pasko. Wala na tayo sa makalumang panahon, okay? Kaya umamin ka na, maunahan ka pa ng iba d'yan." Umirap pa ito sa hangin bago tumingin sa 'kin.

Wala pa man siyang binabanggit na pangalan ay parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. 

Umiling ako. "Hindi, ayokong magfirst move. Kapag umamin na siya, saka na ako aamin."

Sarkastiko siyang natawa. "Ang problema na lang na 'tin ay kung gusto ka rin ba niya. Paano kapag hindi ka pala gusto, hindi ka pa rin gagalaw? Hahayaan mo na lang siyang makawala?"

Napahawak ako sa sariling sentido. Nakakasakit pala ng ulo ang pagkakaroon ng crush dahil may mangyayari pang confession. Kung alam ko lang, edi sana ginawa ko ang lahat para hindi magkagusto kay Alvin.

"Oh s'ya, huwag na nga muna nating pag-usapan 'yan. Pag-usapan na lang na 'tin yung papalapit na Senior's Ball! Ahhh!" aniya at tumili. 

"Ball?"

"Oo, kaka-announce lang ni Miss Miranda kanina. Nagulat nga ako kasi ang aga ng Senior's Ball eh usually naman ginaganap yun kapag malapit na tayong magtapos. May iba pa nga na after graduation pa eh. Ang sabi lang ni Miss Miranda, mas maganda raw kung maaga para mas makapagfocus na lang tayo sa graduation natin sa susunod. Para rin daw less gastos," kwento niya. 

Bigla akong nakaramdam ng excitement. First time kong maka-experience ng Ball sa buong buhay ko. Ngayon pa lang ay ang dami ng pumapasok na ideya sa utak ko kung anong damit ang susuotin ko. 

"Buti pa yung school na 'tin nakakaisip at nakakagawa pa ng paraan para hindi masyadong gumastos ang mga estudyante at mga magulang na 'tin. Ikaw kaya Gwen, kailan ka kaya matututong magtipid?" pabirong tanong ko sa kanya. 

Natawa siya. "Kung para naman kay Cohen, why not?" maarteng aniya. 

May mga tinda kasing mga merch ang banda ni Cohen at lahat ng yun ay meron na siya. Yung tipong kaka-release pa lang ng merch na yun ay bibilhin niya na agad. Ganun siya gumastos.

Napailing na lang ako sa kakulitan ni Gwen. Kahit na hindi naman siya napapansin ni Cohen ay patuloy pa rin siya sa paghanga sa binata. 

Ngayon ay naiintindhan ko na si Gwen. Yung tipong kahit na ilang beses kang ipagtabuyan at ipamukha sa 'yo na wala kang pag-asa sa kanya, mananatili ka pa rin kahit na anong mangyari. 

Ang kaibahan nga lang nun sa sitwasyon ko ay.. sa tingin ko naman ay may pag-asa ako sa kanya.

Sa tingin ko ay gusto rin ako ni Alvin.

 -- 

A/N: Hello, my precious gems! Ang tagal kong hindi nakapagsulat dahil sa sobrang busy. Babawi na me, eto na talaga! Isang masabaw na update muna para sa inyo! Mwa!

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon