Chapter 12: Just Friends?

18 6 5
                                    

Hinanap ng paningin ko si Alvin at nakita ko nga siyang katabi si Maris at nakaakbay pa siya rito. Agad kong naramdaman ang pagsalubong ng kilay ko. Umiwas na lang ako ng tingin at humarap kay Shaun.

"Anong sinasabi nila Lorie?" bakas sa mukha ni Shaun ang taka.

"Huwag kang maniwala sa mga 'yan," simpleng sagot ko at naupo na.

Tumabi si Shaun sa 'kin at ipinatong ang braso niya sa balikat ko. "Lorie, crush mo 'ko?"

Bakit ba mukhang masaya pa siya? Kainis.

"Shaun, kilabutan ka nga," madiin kong untag.

"O s'ya, tama na 'yan. Maiinggit na talaga ako! Nandito tayo para magpractice, okay?" sabat ni Gwen at pinanlakihan ako ng mata. Lumaban rin ako at pinanlakihan rin siya ng mata.

"Let's go, people!"

"Tara, malapit na nating ma-perfect yung sayaw."

Pumunta na nga kami sa gitna at pumwesto, naiwan namang nakaupo sa bench si Shaun. Naramdaman ko ang pagtabi ni Alvin sa 'kin. Tiningnan ko siya, sa harap lang siya nakatingin at kagaya noong una, walang kaemo-emosyon ang mukha niya.

"Woh! Go, Lorie!" biglang hiyaw ni Shaun.

Napatingin si Gwen at Sabine sa pwesto ko at saka nagpakawala ng ngising mapang-asar.

Sinimangutan ko ang dalawa dahil sa ginagawa nilang pang-aasar. Akala talaga nila'y si Shaun ang crush ko.

Nagsimula na ang sayaw at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makaharap si Alvin.

Nung saktong nagkaharap kami ay tinanong ko siya. "Huy, Alvin, okay ka lang ba?"

Wala akong natanggap na sagot. Talagang focus na focus siya sa pagsasayaw.

Sa tuwing may pagkakataon na magkakaharap o magkakalapit kami ay tinatanong ko ulit siya.

"Ba't ba ang kulit mo?" inis niyang tanong.

"Bakit ka ba nagsusungit? Akala ko ba magkaibigan na tayo?" Hindi niya ulit ako sinagot.

"Huy, Alvin."

"Woh, go Lorie! Ang galing mo talagang sumayaw!" hiyaw ulit ni Shaun.

Nang dahil sa ginagawa niyang paghiyaw ay nakinuod na rin sa kanya ang mga kasama niyang maglaro ng basketball. Napansin ko kasing magkapareho ang suot nilang jersey.

Hindi ko na maalis ang tingin ko kay Shaun nang bigla siyang sumayaw para i-cheer ako. Natawa ako dahil hindi bagay sa kanya ang sumayaw ng pang-kikay pero kahit na ganun ay nagpatuloy siya sa pagsayaw. Kahit nga ang mga kasamahan ko sa sayaw ay natatawa na rin kaya halos ang ilan ay hindi na makapagfocus sa pagsayaw.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na kahit si Alvin ay napatigil. Natigilan rin ako at pinagmasdan siya. Nakatitig lang siya kay Shaun pero pansin ko ang pag-igting ng panga niya.

"Alvin, okay ka lang?"

Sa ilang ulit na pagkakataon, wala akong natanggap na sagot. Sa halip ay umalis siya sa pwesto niya at kinuha ang bag niya saka siya nagmartsa papunta sa labasan ng gym.

Kumunot ang noo ko. Kahit sina Gwen ay nagtaka sa ginawang pagwalk-out ni Alvin.

"Anong problema nun?" kunot-noong tanong ni Gwen.

Nagkibit-balikat lang ako.

Pinanood kong maglakad si Alvin. Inilapag ni Shaun ang bag niya.

"Mukhang ako na naman ang magiging partner mo ngayon, Lorie," nakangiting aniya kaya lumipat ang tingin ko sa kanya.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon