Dumating na rin ang araw kung kailan na kami sasayaw sa entablado.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na mapapasali ako sa ganitong event.
Nasa classroom na kami at nakaayos na. Nakalugay ang buhok naming mga babae at pinakulotan ang dulo nito. Nagpunta rin ang kaibigan ni Miss Miranda para sa make-up namin.
"Kinakabahan ako.." bulalas ko.
"Huwag kang kabahan, isipin mo na lang na nasa practice pa rin tayo. Ienjoy mo lang, Lorie."
Napangiti ako sa pagpapagaan ng loob ni Gwen sa 'kin. Kahit kailan talaga ay maaasahan siyang kaibigan.
"Okay, ie-enjoy ko lang," untag ko sa aking sarili.
"Huwag kang masyadong mag-alala, andyan naman si Alvin para giyahin ka," aniya at pinanlakihan ako ng mata na parang nang-aasar pa.
Matapos ang nangyaring pagwalk-out ni Alvin sa gym kasama ako. Umugong na ang pangalan namin sa classroom. Kesyo may relasyon daw kami.
Ang akala ko nga ay lilinawin ni Alvin ang haka-haka ng mga kaklase namin pero hindi.
Mas lalo akong nagtaka. Gusto niya atang magka-issue eh.
Ngunit aaminin ko, unti-unti ko ng na-aappreciate ang mga pang-aasar nila sa 'kin. Kaya ang ending, kapag inaasar ako ni Gwen at Sabine, napapangiti na lang din ako at nakakaramdam nalang bigla ng init sa pisngi.
Tinawag na kami ni Miss Miranda para maghanda na sa likod ng stage. Hawak-hawak ko ang braso ni Gwen dahil pinagpapawisan ako ng malamig.
Biglang hinawakan ni Gwen ang kamay ko. "Lorie, saglit lang ah. Pupuntahan ko muna si Carlo," paalam nito. Tumango ako at binitawan na siya.
Humugot ako ng malalim na hininga dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nanlalamig ako at nanlulumo ang mga tuhod.
Biglang may tumikhim sa likuran ko. Si Alvin ang bumungad sa 'kin pagkalingon ko. "Okay ka lang?" tanong niya.
"Oo.." Hindi inialis ni Alvin ang tingin niya sa 'kin hanggang sa napabuntong-hininga ako at napapikit. "Ang totoo ay hindi. Kinakabahan ako, first time kong isalang sa mga ganitong contest," pag-amin ko.
Lumambot ang tingin niya sa 'kin. Kakaibang kuryente ang naramdaman ko nang pinadausdos niya ang kamay niya sa braso ko hanggang sa matagpuan ng palad niya ang palad ko at pinagsaklob ang mga 'yon.
"Andito na ako. Huwag ka ng kabahan," nakangiting aniya. Wala akong ibang nasagot kundi isang ngiti.
Tinawag na ang pangalan ng section namin kaya iginiya niya ako at dahan-dahan kaming naglakad papunta sa gitna. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatulong rin ang init ng katawan niya para labanan ang nanlalamig kong pakiramdam.
Nagngitian kami ni Gwen nang dumapo ang tingin namin sa isa't-isa. Nagsimulang tumunog ang naglalakihang speaker kung saan naka-play ang tugtog ng tiklos. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko dahil sa hiya.
"Lorie.." biglang tawag ni Alvin sa 'kin kaya nabaling sa kanya ang paningin ko. "Sa akin ang tingin," aniya.
Marahan akong tumango. Mas naging maganda ang daloy ng sayaw namin dahil nawala sa madla ang atensyon ko. Nawala ang kaba ko dahil sa ginhawang dala ng presensya ni Alvin. Nakangiti lang kami sa isa't-isa habang sumasayaw.
Dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Mga saglit na inilikha
Kakaiba ang tama
Ng sinag sa 'yong kutis na kayumanggi
Oh, sa'n ba 'ko dinadala?Hindi ko inaasahan na sa konting panahon ng practice namin, nagawa kong maging malapit kay Alvin. Hindi man ganun katibay ang pagkakaibigan namin ay masaya na ako sa kung anong meron kami.
Bawat ngiting biglaang nabura
Iyong naipinta
Hiwaga ng 'yong tinging nang-aalipin
Kahit sa'n man madala'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daanNgunit bakit ganun? Bakit iba ang isinisigaw ng puso ko? Bakit ayaw nitong maging kaibigan lang si Alvin?
Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan
Walang imik, 'di mabanggit na sa aking isip
Ikaw lang ang nagmamarkaKahit mabitin aking salita
Mata'y ibinubunyag na
Sa 'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin
'Wag ka sanang kumawala
'Di mawawalaSa tuwing nakikita ko siya, walang pakundangan sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Para bang ayos lang din kahit ilang beses niya akong tawaging pakialamera, ang importante ay malaman ko lang kung ano ang nangyayari sa buhay niya at kung okay lang siya.
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ako'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daanOh
Oh
OhOh 'di man alam ang darating
(Oh) sa dulo at sa gitna ng dilim
(Oh) sa liwanag mo nakatingin
(Oh) sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin'Di man alam ang darating
(Oh) sa dulo at sa gitna ng dilim
(Oh) sa liwanag mo nakatingin
(Oh) sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tinginKahit isang segundo ay hindi inalis ni Alvin ang tingin niya sa 'kin at ganun rin ako sa kanya. Ang mga dalisay niyang ngiti na nagpapagaan ng loob ko. Ang mga mata niyang humihiyaw kahit na hindi ko alam ang sinasabi ng mga ito. Ang paraan ng paghawak niya sa 'kin, na para bang takot siyang mabasag ako dahil sa ingat ng pagkakahawak niya.
Pakiramdam ko ay iniingatan niya ako.
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) sa gitna man ng daanHindi mabilang na mga 'bakit' at 'paano' ngunit ang lahat ng iyon ay nawawala sa tuwing kaharap ko na siya. Sa kabila ng kagaspangan ng ugaling ipinakita niya sa 'kin, kahit konti ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya.
'Di pinapansin ingay sa tabi
('di pinapansin ingay sa tabi)
Magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin
(magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin)
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
('di pinapansin, ika'y paiikutin nang dahan-dahan)
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daanHuminto kami nang hindi inaalis ang paningin sa isa't-isa. Isang masigarbong palakpakan ang sumalubong sa 'kin nang mapatingin ako sa madla. Hindi magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang aking dibdib. Hindi lang dahil sa sobrang saya ko at nakapagperform na rin ako sa stage, kundi dahil sa wakas ay nagawa ng umamin ng aking puso.
Ang umamin sa katotohanang gusto ko na nga si Alvin Castillo.
ʚɞ
A/N: Ang title po ng song ay "Tingin" by Cup of Joe ft. Janine Teñoso. Eto yung inspiration ko para masulat 'tong chapter na 'to. Dedicate ko rin itong chapter sa new friend ko dito sa wattpad, yiieeee :)) Sana po nagustuhan niyo ang update! <3
BINABASA MO ANG
Break Through
Fiksi Remaja[ ON-GOING ] Lorie lived her life together with her asthma. Amidst her life full of positivity, she met a guy who seemed to not know what happiness is. Meeting the broken version of Alvin taught her that life is not the way she used to believe what...