Muntik na akong mahuli sa klase dahil bukod sa matagal akong naggising, ang tagal ko ring nakatulog. Hindi mawala sa isip ko yung mga pinag-usapan namin ni Alvin pero naisip kong 'tuloy ang buhay' kaya bumangon na agad ako at naghanda para makapunta sa skwela.
"Guys, next week na yung program kaya kailangang dalasan na na 'tin ang practice," suhestiyon ni Lowe na kasalukuyang nasa harap ng pisara kasama si Carlo at Gwen.
"Oo nga eh. Huwag na kayong mag-alala sa susuotin na 'tin, nakahanap na ako ng pwede nating paghirman ng damit," nakangiting ani Gwen.
Tinampal siya ni Carlo sa balikat na ikinagulat ng kaibigan ko.
"Teh, ako ang magpapalda sa 'ting dalawa ah? Mas bagay sa 'kin eh," maarteng biro ni Carlo na ikinakunot ng noo ni Gwen.
"Aba, mukha ba akong lalaki sa paningin mo?!"
Biglang namula si Gwen sa inis.
"Sasabihin ko ba yun kung hindi--"
Agad na nakaiwas si Carlo at napatalon nang inambahan siyang kwelyohan ni Gwen. Napahalaklak kaming nanunuod sa kanilang dalawa.
At dahil nasa tabi lang ng pinto ang upuan ko, namataan ko ang pagdaan ng isang pigura sa pinto. Huminto ito sa bukana ng pinto.
Lumingon ako.
Si Alvin.
Nginitian ko siya. Ang akala ko ay masisilayan ko ulit ang mga ngiti niya pero nagkamali ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad kasama si Maris.
Napag-alaman naming wala na ang lola ni Alvin na ina ni Aling Chochie. Kaya bigla kong naintindihan yung panahong huli ng sumipot si Alvin sa practice namin noon. At ang mas lalong pag-alburoto ni Aling Chochie kay Alvin. Sinisisi niya ito sa pagkamatay ng kanyang ina.
"Lorie.."
Agad akong natauhan at napalingon sa taong nasa tabi ko na siyang tumawag ng pangalan ko. Si Sabine.
"Ayos na ba kayo ni Alvin?" tanong niya.
Hinigit ko ang hininga ko bago ngumiti at tumango.
"Oo naman," sambit ko.
Napatango na lang siya at bumalik sa pakikinig kay Carlo at Lowe.
"Si Alvin kaya tutuloy pa?" biglang tanong ni Gwen.
Naglingunan silang lahat sa 'kin. Tumawa ako ng mapakla. Alam kong may kaunting pagkakaintindihan na kami ni Alvin pero dahil sa inaarte niya ngayon, hindi ko alam kung tutuloy pa siya sa sayaw.
"Baka, siguro.." Yun lang ang lumabas sa bibig ko bago sila nagsibalik sa mga upuan nila dahil dumating na ang subject teacher namin.
Isinantabi ko na muna ang isipin ko kay Alvin at nagfocus sa pakikinig. Natapos rin agad ang klase pagkatapos ng isang oras.
Hinayaan ulit kami ni Miss Miranda na gamitin namin ang subject niya para makapagpractice ng sayaw.
Ang akala ko ay hindi na naman ako sisiputin ni Alvin, mabuti na lang at nandito na siya.
Pansin ko ang pagiging ingat ni Alvin sa pagsasayaw. Siguro ay ayaw niya lang na maulit yung unang araw ng practice namin na ilang beses niyang naapakan ang paa ko.
Nabahing ako sa kalagitnaan ng sayaw namin dahil sa biglaang pangangati ng ilong ko. Siguro ay dahil sa naaamoy ko galing sa uniform ni Alvin, amoy sigarilyo.
"Nag-yosi ka ba?" walang pag-aalangan kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang kami sa pagsayaw.
BINABASA MO ANG
Break Through
Roman pour Adolescents[ ON-GOING ] Lorie lived her life together with her asthma. Amidst her life full of positivity, she met a guy who seemed to not know what happiness is. Meeting the broken version of Alvin taught her that life is not the way she used to believe what...