Chapter 15: Lorie

15 6 10
                                    

3rd Person's POV

Nagulantang ang dalawang dalaga sa sigaw ni Alvin, lalong-lalo na si Lorie. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ng binata, bagay na ngayon niya lang nasaksihan.

Mas lalo lamang humagulgol si Maris nang makita si Alvin. Alam niya ng dito na magtatapos ang lahat sa kanilang dalawa lalo pa't batid niyang narinig ng binata ang pagmamakaawa niya kay Lorie.

Minsan lang magmahal ng totoo ang puso kaya't hindi niya hahayaang makawala ang taong iniibig niya.

Mabibigat ang hakbang ni Alvin habang papalapit sa dalawa. Marahas niyang hinila si Maris at itinayo.

"Alvin.."

"Mamaya ka na magpaliwanag," matigas niyang wika.

Hinila niya si Maris at kinaladkad palabas ng pinto habang naiwan namang tulala si Lorie at naguguluhan.

Sa buong buhay ni Lorie, ngayon lang may nagmakaawa sa kanya sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya inaasahang magmamakawa si Maris sa kanya.

Ngunit paano naman ako? Gusto ko rin si Alvin.

Napailing si Lorie sa sarili. Hindi niya hahayaang magkasiraan ang dalawa dahil lamang sa nararamdaman niya para sa binata.

Akmang tatayo siya para sumunod sa dalawa nang bigla siyang napahawak sa kanyang puso. Sinundan ito ng ubo at pagsikip ng dibdib.

Muling napaupo ang dalaga habang hawak-hawak ang dibdib at nangagapa ng hangin.

"T-Tulong.."

Mula sa hagdan ay nakasalubong nina Gwen, Kairo, Sabine at Lowe si Alvin na kinakaladkad pababa si Maris.

"Bro, ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Lowe.

"Kailangan lang naming mag-usap ni Maris." Muling humakbang si Alvin ngunit napahinto ito nang magtanong si Gwen.

"Alvin, si Lorie?"

"Nasa rooftop pa."

Hindi na hinintay pa ni Gwen na lingunin siya ni Alvin. Patakbo niya ng inakyat ang hagdanan para mapuntahan si Lorie.

Kanina pa masama ang kutob ni Gwen nang sabihin ni Maris na nais nitong makausap ang kaibigan.

Sana okay ka lang, Lorie.

Nasa bukana pa lang siya ng pinto ng rooftop nang makita niyang nakahandusay sa sahig si Lorie.

"Lorie!"

"Jusko, Lorie!"

Agad niyang nilapitan ang kaibigan. Hindi niya namalayang nakasunod pala sa kanya sina Lowe, Sabine at Kairo.

Niyugyog niya ang nakapikit na kaibigan. "Lorie, anong nangyari sa 'yo?!" tanong niya.

Napansin niyang nakahawak sa dibdib nito si Lorie at naghahabol ng hininga kaya agad niyang nakuha kung ano ang nangyayari. Inaatake ito ng hika.

"Guys! Please, pakuha ako ng inhaler ni Lorie sa bag niya. Paki-bilisan!" pakiusap niya sa mga kasamahan.

Agad na tumango si Kairo at dali-daling tumakbo papunta sa classroom nila.

Binuhat ni Lowe si Lorie habang nakaakay naman rito si Sabine.

Dinukot ni Gwen ang telepono niya at tumawag ng ambulansya. Wala ng magagawa ang school clinic sa sitwasyon ng kaibigan kaya minabuti niyang tumawag na sa ospital.

Nagmadali silang bumaba ng hagdan habang buhat ni Lowe si Lorie. Nakasalubong nila si Kairo na dala ang bag ni Lorie.

"Wala akong nakitang inhaler sa bag niya," nag-aalalang anito.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon