Chapter 5: Group

28 7 7
                                    

Naging normal naman ang ilang mga araw sa school. Dumaan ang sabado at ngayon ay linggo.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana dahil ang laman talaga ng homily ngayon ay tungkol sa pagpapatawad kahit na hindi humingi ng tawad ang mga nagkasala sa 'yo.

"Tapos na ang misa. Humayo kayo sa kapayapaan."

"Salamat sa Diyos," tugon namin sa sinabi ng pari.

Tinapos lang namin ni Mama at Papa ang huling kanta bago namin naisipang lumabas ng simbahan. Nasa bilihan kamo ng mga kakanin nang magsalita si Papa.

"Ang lungkot ata ng prinsesa namin. May problema ba?"

Tiningnan ko silang dalawa ni Mama at nginitian.

"Wala po," tipid kong tugon.

Kitang-kita ko naman sa mukha nilang dalawa na hindi sila naniniwala.

"Talaga ba? Eh kagabi pa 'yan ah," sabat ni Mama.

"Kilala ka namin anak. Kahit hindi mo sabihin, alam namin kung may problema ka," wika ni Papa.

Sila nga ang mga magulang ko.

Umiling ako. "Okay lang po ako. Medyo nap-pressure lang sa school lately," tugon ko.

Ayaw ko ng ungkatin pa ang tungkol sa narinig ko sa library, ayokong sumama ang loob ko.

"Ang future valedictorian namin, nap-pressure? New word ata 'yan ah," biro ni Mama.

"Malalampasan mo rin 'yan. Malapit na anak, konting tiis na lang," nakangiting saad ni Papa.

"Kayong dalawa talaga!" Inakbayan ko na silang dalawa at sabay kaming naglakad.

Nang makauwi kami ay bumawi ako ng tulog dahil ang aga naming gumising kanina para magpunta ng simbahan. Gusto ko sanang dumalaw sa lolo at lola ko pero sa susunod na lang siguro dahil kailangan kong bumawi ng lakas at may pasok na kami bukas.

"Good morning, class. Today, I will group you," nakangiting bati ng homeroom teacher namin.

"Ano pong gagawin namin ma'am?" tanong ng isang kaklase ko na si Ashley.

"You will dance."

Naramdaman ko ang pag-alis ni Gwen sa tabi ko. Habang busy si ma'am sa kakasita sa mga kaklase namin sa likuran dahil hindi maayos ang mga upuan at ang pagkakaupo ng mga ito.

Alam ko na ang technique ni Gwen kasi ginawa na rin namin 'to dati. Counting kasi madalas ang ginagawa ng mga teachers kapag gagawa ng grupo kaya lilipat si Gwen ng upuan para kapag naging magkapareho kami ng number, edi magkagrupo kami.

"Miss Santiago, where do you think you're going?" nakataas na kilay na tanong ni Miss Miranda nang mamataan si Gwen. 

Napakamot si Gwen sa buhok niya at bumalik ulit sa tabi ko. "Mas nakikita ko po kasi yung maganda naming adviser doon po sa uupuan ko sana," tumawa pa siya ng kaunti. 

"Alam ko na 'yang ginagawa mo," nanlilisik ang mga matang ani Miss Miranda. 

Naramdaman ko ang pagsiko ni Gwen sa 'kin, "Lorie, help me..." mahinang bulalas niya. 

Napabuntong-hininga ako at tumikhim, "Sorry," bulong ko sa kanya. 

Wala naman na talaga akong magagawa lalo pa't ilang beses na naming nagawa 'to at mukhang kabisado na rin ni Miss Miranda yung technique namin. 

Ngumuso lang siya at umayos ng upo. 

"Okay, class, listen. Kailangan ko ng 8 participants para sa folk dance. They will represent our section in the upcoming 'buwan ng wika' event," panimula ni Miss Miranda kaya napatuon sa kanya ang atensyon ng lahat. "Lorie, bring me the names of the participants later, okay?" 

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon