Chapter 21: I'm not---jealous!

13 3 15
                                    

Hindi na ulit ako nakatulog sa byahe dahil inaalala ko yung nakita ko kanina. Sinusulyapan ko minsan si Alvin. Minsan ay nagtatagpo ang mga mata namin sa salamin ng van sa harap pero agad rin siyang umiiwas.

Pakiramdam ko may tinatago siya at ayaw niyang ipaalam sa 'kin.

Halos abutin kami ng limang oras sa byahe. Namalayan nalang namin na huminto kami sa harap ng isang malaking bahay.

"Andito na tayo," anunsyo ni Alvin at naunang lumabas ng van. Sumunod naman ang driver.

Naggising na rin ang iba kaya isa-isa kaming bumaba. Kukunin ko na sana yung bag ko nang maunahan ako.

"Ako na," nakangiting ani Alvin at binitbit ang bag ko.

Naramdaman ko ang presensya ni Gwen sa tabi ko at bigla niya akong siniko.

"Iba talaga kapag tinamaan na," nakangisi at iiling-iling niyang wika bago siya sumunod kina Alvin nang pumasok na ang mga ito sa loob ng malaking bahay.

"Mi amor, ako na d'yan," rinig kong bulalas ni Lowe at pilit na inaagaw kay Sabine ang bag nito.

"Hindi ako pilay, Lowe," malamig na sagot ni Sabine at naunang maglakad.

Sunod ko namang nakita si Maris. Dire-diretso lang siya habang nakayuko. Nasa harap ang tingin ko nang may biglang tumikhim sa gilid ko.

"Kairo.."

"H-Huh?" utal niyang sambit at inayos ang suot na salamin.

"Mabuti at sumama ka. Hindi kita masyadong naka-bonding nung practice days na 'tin eh." Ngitinitian ko siya.

Natawa siya at napakamot sa ulo bago niya sinundan ng tingin ang mga kasama namin.

"K-Kaibigan na rin kasi ang tingin ko sa inyo. Isa pa, ang sabi ni Alvin hindi pwedeng wala ako. Kaya ako s-sumama," wika niya.

Napangiti ako. "Masaya ako at unti-unti mo nang binubuksan ang mundo mo para sa 'min. Proud ako sa 'yo, Kairo."

Gumanti siya ng ngiti. Nauna na akong maglakad papunta sa loob ng malaking bahay. Naabutan kong nasa munting sala ang mga kasamahan namin.

"Ang ganda naman ng bahay, kanino 'to Alvin?" biglang tanong ni Gwen.

"Sa Mom at Dad ko. Dito kami nags-stay tuwing summer noon," sagot naman ni Alvin na kakalapag lang ng mga dala niyang bag.

"Naks naman, may sariling resthouse oh," manghang bulalas ni Lowe.

"Oo nga, ang bigatin. Hindi katulad ng iba d'yan," untag ni Sabine at umirap sa katabing lalaki.

Napakunot naman ang noo at napanganga si Lowe sa sinambit ng babae pero hinayaan niya na lang.

Biglang may pumasok na matandang lalaki sa sala na s'yang sinalubong ni Alvin.

"Mang Berting!" masayang salubong ni Alvin sa matanda at niyakap ito.

"Sir Alvin! Ang tagal mo ng hindi nakakapasyal dito ah. Mabuti na lang at napadalaw kayo," nakangiting sabi ng matanda pagkatapos nilang kumalas.

Kulubot na ang balat nito. Kalbo na rin ang buhok pero malusog pa naman at maliksi pang kumilos ang matanda.

"Oo nga po eh. Saglit lang naman po kami dito pagkatapos ay babalik po agad kami ng Cavite," sagot pa ni Alvin.

"Ayos lang. Ang importante nakita ka ulit namin. S'ya nga pala Sir Alvin, naaalala mo pa ba yung anak ko? Si Yuna, yung palagi mong kalaro dito noon."

May pinto sa isang gilid ng sala kung saan ngayon lang namin napansin dahil napatingin doon ang matanda. May magandang babaeng nakasandal roon at nakangiting pinapanood kami.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon