Chapter 18: Can I have this dance?

15 4 9
                                    

"Oo, pwede na raw akong umuwi."

Masaya ang bungad kong balita ko kay Gwen nang tumawag siya sa 'kin at kinamusta ako.

"Mabuti naman kung ganun, para naman makasali tayo sa ball!"

Nailayo ko saglit ang tenga ko sa telepono dahil sa lakas ng tili ni Gwen.

Napangisi ako at naisipan siyang biruin. "Ang mahiwagang katanungan, may ka-partner ka na ba?"

Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang-linya. May ibang boses rin akong narinig na tumawa galing sa background niya, hindi ko nga lang napag-sino.

"Anong akala mo sa 'kin, chaka? Oo naman 'no! May magyayaya rin sa 'kin! Hindi pwedeng wala! Sa ganda kong 'to, hmp!"

"Edi sana all sa 'yo, paano naman ako?"

"Edi pumulot tayo ng mga angkol sa kanto!"

"Gwen!"

"Joke lang! O s'ya, baba ko muna Lorie ah, andito na si Sir. Bye!"

Agad na naputol ang linya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Malapit ng mag alas singko ng hapon, inaantay ko na lang si Papa para makauwi na.

May kumatok sa pinto kaya lumakad ako ng kaunti para mabuksan 'yon.

"Hi, Lorie!"

Bumungad sa harap ko si Shaun. Nakangiti siya at may dalang bulaklak.

"Shaun?" gulat kong tawag sa kanya. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok ka muna."

Paano niya kaya nalamang nasa ospital ako?

"Nagtanong ako kay Lowe kaya nalaman kong nandito ka. Kumusta ka na?" nag-aalalang tanong niya.

"Okay naman na ako. Makakauwi na nga ako ngayon eh, inaantay ko na lang si Papa."

Tumango siya sa sagot ko. Muli kong nakita ang dimples niya nang ngumiti siya at marahang inabot sa 'kin ang hawak niyang isang bouquet ng red roses. Tinanggap ko naman 'yon.

"Para saan 'to?" nag-aalangan kong tanong.

"Para sa burol mo," seryosong aniya. Natigilan ako sa biglang pag-iba ng mood niya. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumawa, "Joke lang!"

"Sira ka talaga." Parang hindi naman siya apektado sa ginawa kong pagsaway sa kanya.

Namulsa ito bago bumuntong-hininga at tumingin sa 'kin. Ngumiti siya ng marahan.

"Gusto sana kitang yayain sa nalalapit na ball ng school niyo," aniya.

Literal akong natigilan at hindi nakapagsalita sa harap niya. Ang mga high class na katulad ni Shaun ang inaasahan kong huling taong aayain ako sa ganito.

"Eh diba bawal taga ibang school?"

Isa rin kasi yun sa mga sinabi ni Gwen sa 'kin. Strictly prohibited raw ang mga outsider.

"Makakalusot ako d'yan, ako ang bahala," swabeng tugon niya at kumindat pa.

Pinanliitan ko siya ng mata, "Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli ah?"

"Ako pa, baka Shaun 'to."

Napailing na lang ako sa confident niya. Napatitig ako sa nakangiting mukha ni Shaun at bigla kong naisip si Alvin.

May partner na kaya si Alvin?

"So--"

Biglang bumukas ang pinto kaya hindi na nadugtungan pa ang mga sinabi ni Shaun. Unang bumungad sa bukana ng pinto si Alvin. Ang kaninang maliwanag at nakangiting mukha ni Alvin ay napalitan ng blangkong tingin lalo na nung mamataan niya ang hawak kong bouquet.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon