Chapter 6: Practice

21 7 2
                                    

Nang dahil sa papalapit na event, hinayaan na lang ni Miss Miranda na gamitin namin ang oras ng klase niya sa pagp-practice ng sayaw.

Tiklos ang napagkasunduan naming sayawin. Nakahinga nga rin ako ng maluwag dahil madali lang ang steps, hindi ako mahihirapan.

"Asan na ba si Alvin?" nagtatakang tanong ni Lowe matapos ko silang tawagin at tipunin.

Hindi nga ako mahihirapan sa sayaw pero mukhang mahihirapan ako sa partner ko.

"Hindi ko nakita eh," sagot ko.

Nagkibit-balikat lang ang iba habang si Maris ay walang sagot. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon.

"Tara, turuan ko muna kayo sa steps. Baka maya-maya dumating rin si Alvin," pag-aya ni Lowe.

"Gorabels!" ani Carlo.

Pinanuod muna namin yung video ng tiklos at saka sinubukang gayahin ni Lowe at Carlo ang steps para maturuan kami. Ilang ulit rin nilang pinanuood ang video bago nila nakabisado ang pagkakasunod-sunod ng steps. 

"Mi amor, shall we?" magalang na aya ni Lowe sa partner niyang si Sabine at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. Nagtawanan kami at inasar silang dalawa. Umirap lang si Sabine at tinanggap ang palad ng lalaki. 

Napangiti si Lowe at iginiya ang babae. Tinuro na rin niya sa 'min kung saan kami pu-pwesto. Nasa harap si Lowe at Sabine katabi si Carlo at Gwen. Habang kami naman ay katabi sina Maris at Kairo. 

Noong una nga ay hindi ko alam kung paano napapayag ng mga ito si Kairo. Hindi naman kasi nito ugaling sumali sa mga ganito, naging magkaklase kasi kami dati noong unang taon namin sa high school kaya alam kong hindi siya ganoon ka-active pagdating sa mga extracurricular activities. 

"Lorie, dito ka." Agad akong sumunod nang ituro ni Lowe ang magiging pwesto ko. 

"Wala pa rin si Alvin?" kunot-noong tanong ni Gwen. Walang sumagot kaya tinawag niya si Maris. "Saan ba nagpunta yung kaibigan mo?" 

"Hindi ko alam." Nagkrus ng braso si Gwen pagkatapos sumagot ni Maris. 

Dumaan sa harap namin ang kaklase naming lalaki na palagi ring nakakausap ni Alvin.

"Si Alvin ba ang hinahanap niyo?"

"Oo, alam mo ba kung asan siya?" tanong ko sa kanya. 

"Ang alam ko pumunta siya sa opisina ni Miss Miranda. Kailangan niya raw kasing umalis." Lumukot ang kilay ko. 

"Bakit raw?"

Nagkibit-balikat ito, "Hindi ko alam eh."

Umalis na siya kaya naiwan na kaming pare-parehong natahimik. 

"Palitan na lang kaya natin si Alvin?" suhestiyon ni Sabine. 

"Pwede naman pero mas mabuting magpaalam muna tayo. Maghahanap ako ng boys para sub niya muna," maarteng sabi ni Carlo at saka humanap ng magiging sub ni Alvin sa mga classmates namin. 

Wala pa mang ilang segundo, biglang sumulpot mula sa hagdanan si Alvin na walang emosyon ang mukha. Wala naman ng bago doon. 

"And'yan ka lang pala eh!" ani Sabine.

Hindi siya pinansin ni Alvin. Dumiretso lang ito sa harap ko at tiningnan ako. 

"Sorry, nagstart na ba? Anong steps?"

"Hindi pa naman nagsisimula," tugon ko kaya napatango siya. 

Tinawag na nila si Carlo kaya nagsimula na ang practice. Pansin ko ang pagiging occupied ni Alvin kaya kahit na madali lang yung steps ay nakakalimutan niya kaagad o kaya ay palagi siyang nagkakamali. 

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon