Araw ng linggo at naisip kong dalawin ang lolo at lola ko pagkatapos ng simba.
Matagal ko na rin kasi silang hindi nadadalaw at nakakamiss rin ang luto ni lola. Sila nga pala ang mga magulang ni Mama.
"Lola!" Niyakap ko si lola ng mahigpit. Ganun rin si lolo. "Lolo!"
Nasa hapag-kainan sila nang madatnan ko sila sa kanilang bahay. Gawa sa pinagsamang kahoy at semento ang bahay nila. Bunga ng pagmamahalan at pagd-doble kayod ni Lolo at Lola dati, naipagawa nila ang bahay nila nang hindi humihingi ng tulong sa mga anak nila. Isa yun sa mga hinahanggan ko sa kanila.
Nilapag ko sa mesa ang mga kakaning dala ko na alam kong paborito nilang dalawa.
"Pasalubong po," nakangiting wika ko.
Alam kong kakanin lang yan para sa ibang tao pero para sa 'kin, pinaghirapan kong ipunin ang perang pinambili ko ng kakanin. Alam ko ring masaya sina lolo at lola kahit ano mang dalhin kong pasalubong. Naa-appreciate nila kahit gaano kaliit na effort.
Sinilip ni lola mula sa supot ang dala ako at nakita kong napangiti siya.
"Alam na alam mo talaga ang paborito namin," nakangiting aniya.
"Syempre, ako pa!" proud kong untag.
"Hali ka na, sabayan mo na kami mag-agahan."
"Sige po."
Kumuha ako ng sarili kong plato at kubyertos. Pagkatapos ay sinaluhan ko sina lolo at lola sa hapag.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Ang mga magulang mo?" tanong ni lolo matapos niyang humigop sa mainit niyang kape.
"Okay naman po kami lolo. Kahit na sobrang busy, hindi naman po kami nakakalimot magdasal at saka magsimba," nakangiting sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun."
"Ang pag-aaral mo hija, kumusta naman?" Si lola naman ngayon ang nagtanong.
Sumubo muna ako ng kanin na may halong karne ng manok bago sumagot.
"Maayos lang po lola. Minsan nahihirapan pero andyan naman si Gwen para tulungan ako. Nagtutulungan lang po kaming dalawa."
Napangiti si lola sa sagot ko at saka siya bumuntong-hininga.
"Miss ko na rin ang batang 'yon. Bakit hindi mo siya sinama? Wala namang pasok ngayon," aniya.
"Eh lola--"
"Hep hep, hulaan ko. May boyfriend na yun 'no? Kaya hindi na kami madalaw," may halong tampong aniya.
Natawa ako at napailing.
"Hindi lola, sabi niya kasi may ibang lakad siya. At saka kung may boyfriend na yun, ako yung unang makakaalam lola 'no."
Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa. Palagi kong sinasama si Gwen dito simula noong mag-high school kami. Pinapayagan na kasi ako ng mga magulang ko na dumalaw sa lolo at lola ko nang mag-isa, para raw matuto na ako. Kaya naiintindihan ko kung bakit hinahanap ng dalawang matanda si Gwen, ang tagal na kasi naming hindi nakakadalaw.
"Ikaw Lorie, may boyfriend ka na ba?" Napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi ng lalamunan ko at ang pagsakit ng dibdib ko.
Tinapik ko ng malakas ang dibdib ko para mahimasmasan. Sinabayan rin ni lola ng paghimas sa likod ko.
"Ayun, may boyfriend nga, nabulunan eh," iiling-iling na sabi ni lolo.
"Lolo talaga, wala po. Wala pa sa isip ko yung mga ganyan," depensa ko.
"Mabuti naman kung ganun, hija. Magtapos ka muna ng pag-aaral, pasasaan ba't dadating rin ang nakalaan para sa 'yo." Nginitian ko na lang si lola at hindi na sumagot.
BINABASA MO ANG
Break Through
Teen Fiction[ ON-GOING ] Lorie lived her life together with her asthma. Amidst her life full of positivity, she met a guy who seemed to not know what happiness is. Meeting the broken version of Alvin taught her that life is not the way she used to believe what...