Chapter 20: On our way to Baguio

16 3 15
                                    

Nagkaayos na rin kami ni Gwen, sa wakas! Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari noong Ball kaya napanatag ang loob niya.

"Akala ko talaga nagt-two time ka na eh," aniya at nakahinga ng maluwag.

Nasa canteen kami ngayon at kumakain. Ang totoo ay hindi pa naman lunch time pero sinadya naming mauna na sa canteen since wala naman yung subject teacher namin.

"Hindi ako ganyan, Gwen, alam mo 'yan," depensa ko.

"Pero alam mo ba, nagdududa ako kay Maris. Malakas ang feeling ko na siya ang nagsumbong sa guard."

"Ano ka ba, masamang magbintang," ani ko.

Nagkibit-balikat siya, "Just saying."

Pagdating ng uwian ay inaya kami nina Alvin na kumain sa labas. Syempre, hindi libre kaya sa isang eat all you can kami kumain para mas tipid. 150 pesos lang kasi kapag estudyante.

Kinabukasan, subsob ulit kami sa pag-aaral lalo na ako dahil gusto kong gumraduate ng high school. Si Gwen naman, ewan ko ba kung ano bang tinira niya at hindi niya na binabanggit pa si Cohen. Mabuti na rin 'yon at nakafocus siya sa ibang bagay.

Sa mga sumunod na araw, subsob kaming lahat sa umaga habang todo naman ang gala sa gabi. Pinapayagan naman ako ng mga magulang ko dahil alam nilang kasama ko si Gwen.

Sa mga galaan, mas lalo kong nakilala ang Team Tiklos. Kahit na minsan ay naiilang pa rin ako kay Maris pero kalaunan naman ay nasanay na rin akong nand'yan siya kahit hindi niya ako pinapansin.

Nalaman ko ring allergic pala sa hipon si Alvin. Tapos hindi kumakain ng pork si Sabine kahit naman na katoliko siya. Marami rin kaming nalaman tungkol sa lovelife ni Carlo.

Kasalukuyan kaming nasa PIZZA BREAK at nagtatawanan nang biglang magkatinginan kami ni Maris. Pareho kaming natigilan. Nginitian ko siya at bilang ganti, tipid rin siyang ngumiti.

Dumating na nga ang araw na pinaghahandaan naming lahat. Exam day.

Maaga akong natulog para kinabukasan ay fresh ang utak ko. Ilang supot rin ng chocolate ang naubos ko para masigurong napasok sa utak ko ang lahat ng inaral ko. Sana nga napasok ko lahat.

Magkalayo ang set-up ng mga bangko nang makarating ako sa classroom. Pumwesto ako sa gitna kung saan may ceiling fan at inantay ang ibang kaklase namin na dumating.

Kumindat si Gwen at Sabine sa 'kin nang mamataan ko silang sabay na naglalakad papasok sa classroom.

Ilang oras lang ay duamating na rin sina Alvin at yung iba pa pati si Miss Miranda.

Nagsimula ang exam sa Statistics and Probability. Mabuti na lang at napag-aralan kong mabuti ito kaya hindi na masyasong mahirap. Sumunod ang mga subject na Personal Development, Intrepreneurship, at Filipino. Maaga kong natapos ang exam kaya nauna akong lumabas ng room.

Sinulyapan ko ang mukha ng mga kaibigan ko na seryosong nakatingin sa mga test papers. Natigil ang tingin ko sa gawi ni Alvin. Napapansin kong panay ang kamot niya sa ulo at hindi mapakali. Napansin ko rin ang dilim sa ilalim ng mga mata niya. Hindi ba siya natulog?

Naaalala ko na nagkasundo kaming lahat kagabi na hindi muna gagala para magkaroon kami ng sapat na oras para matulog. Ano kayang ginawa niya kagabi at mukha siyang pagod?

Natapos ang exam kaya nandito kami ngayon sa canteen para magmeryenda. Halos sabay-sabay kaming nagulantang nang maglapag si Alvin ng isang tray ng pagkain.

AT NILANTAKAN ANG MGA 'YON!

"Alvin, d-dahan-dahan lang, pre," kabadong ani Lowe.

Naubos ni Alvin ang isang tray ng pagkain. Kumain rin kami pero hindi nawala ang paningin namin sa kanya. Maagang umuwi si Alvin nung araw na 'yon.

Break ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon