Warning: Typo Errors---------------------
Ala-una na ng madaling araw pero gising parin ako, hindi matanggal sa utak ko ang mga sinabi ni Celine saakin kaninang umaga. Totoo kaya? Pero paano? Kelan? Gusto kong malaman! Gusto ko siyang makita at tanungin kong totoo ba ang mga sinasabi ni Celine saakin. Pero kalaunan, nakatulugan ko rin lang ang pag-iisip sakanya.
Nagising ako ng may narinig akong tawanan sa sala, napatingin ako sa orasan at saktong alas-nueve na pala ng umaga. Tumayo ako at nag-inat inat ng mga sampung minuto bago ako dumeretso sa bathroom para maligo. Habang nagpapalit ako ng damit, may kumatok sa pintuan ko.
"Sandali lang, nagpapalit lang ako!" Sigaw ko, bago pumasok sa loob ng CR para isabit ang tuwalya kong basa. Nagtungo ako sa pintuan at binuksan ito at si Celine ang bumungad saakin. Sinasabi ko na nga ba e.
Sa araw na nag-kita kami kinuha niya ang address kong saan ako nakatira, at kaya sa isip ko alam kong pupunta yan agad dito dahil madami siyang sasabihin saakin.
Pumasok naman siya sa kwarto ko at umupo sa kama ko, napansin kong tumaba din siya tulad ko dahil sa pagbubuntis namin. Humaba na rin ang buhok niya hindi tulad ng dati. Lumapit ako sakanya at tumabi sa pag-upo.
Napansin kong pinagmamasdan ang niya ang kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya kaya siya napabaling saakin.
Tumingin siya saakin at tumitig, napansin ko namang kumunot ang kanyang mga noo kaya napataas ang aking isang kilay.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rin dito?" Nakataas na kilay ding tanong niya saakin.
Ito na, sinasabi ko na. Hindi na ako magugulat kong ito ang itatanong niya saakin kung bakit ako nandito at kung anong ginagawa ko dito. Ano nga bang ginagawa ko dito? Nagsasayang lang ba ako ng oras?
"Nandito ako para makapag-isip? Para makapag-pahinga? Oo yun, yun nga." Matamlay akong ngumiti sakanya. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Oo alam ko, alam ko naman na nahihirapan ka na sa sitwasyon mo, kay Felix. Pero bakit? Bakit ka umalis ng hindi man lang nagpa-alam ni ha ni ho wala kaming narinig sa'yo." Yumuko lang ako at tinitigan ang mga daliri ko.
"Alam mo ba nung araw na nawala ka sa bahay niyo, inatake si tito?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"N-Naatake si daddy?" Nau-utal kong banggit. Alam kong may sakit si daddy sa puso pero matagal na syang hindi inaatake.
"Oo, at si tita naman hindi magkamayaw sa pag-aalala kay tito, pati na rin sa'yo kaya nung araw na wala ka ako ang kasama ni tita, tinutulungan ko siya, tumutulong kami ni Marcus nung araw na nasa hospital si tito, nasa hospital siya ng dalawang araw dahil nga sa atakeng nangyare sakanya." Natutop ko ang bibig. Napakawalan kwenta ko palang anak, hindi ko alam ganun na pala ang nangyayare sa mga magulang ko.
Hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko.
"At sa mga sumunod na linggo, si Felix naman ang prinoproblema ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Si Felix?
"B-Bakit? Bakit si F-Felix?" Nag-aalanganin kong tanung.
"Ayon, halos araw-araw pumupunta sa bahay namin ni Marcus, hinahanap ka saamin, kung tinago ka daw ba namin sakanya. May araw pa na nagsisisigaw na siya sa harapan ng bahay namin, tinatawag yung pangalan mo at sinasabi niya kung nasa ka man daw sana daw lumabas ka na at may sasabihin pa siya sa'yo. Minsan nga inaabot pa siya sa gabi kakahintay sa labas ng bahay namin ni Marcus, pilit ko ding sinasabi sakanya na wala ka dun. Hanggang sa isang araw wala ng dumating na Felix at wala na ring nagsisisigaw at kumakatok sa pintuan." Hindi ko alam kong anon irereact ko sa mga sinabi saakin ni Celine.
"Hanggang sa nalaman nalang namin lagi na pala siyang nakatambay sa bar, isang araw binisita namin siya sa bahay niyo kumatok ako pero bukas naman pala ito kaya pumasok na ako, halos di ko makilala ang bahay niyo dahil sa dami ng kalat puro basyo ng alak ang makikita mo roon ang dilim dilim pa."
"Nangangayayat na rin siya. Hindi na siya pumupunta sa kompanya nila pinapagalitan siya palagi ng tatay niya. Ganun kadami ang nangyare nung nawala ka Kathy, at an mga nangyareng yun lahat yun dahil sa'yo, dahil sa pag-alis mo ng walang paalam. Bakit pati sa mga magulang mo hindi ka man lang nagpaalam? Kay Felix, oo matatanggap ko pa, pero sa mga magulang mo? Hindi e, matatanda na sila Katherine, ganun pa ginawa mo?" Hindi ako makapagsalita, hindi ako makahanap ng tamang salita sa lahat ng sinabi saakin ni Celine kaya nanatili nalang akong tahimik.
Kung alam ko lang, kung alam ko lang na ganyan an mangyayare sa pag-alis ko baka hindi ko na ginawang umalis pa. Pero ang hindi maalis sa isipan ko ay kung ano itong sasabihin saakin ni Felix? Importante ba 'to?
"Oh siya, hindi ko pa pala nasasagot yung tanong mo saakin kong ba't ako nandito. Nandito ako para magpahinga, gusto ko rin makapagpahinga dahil netong mga nakaraang buwan, halos lagi akong namromroblema eh bawal pa naman sa buntis ang mai-stress. Oh siya tara dun tayo sa baba!" Tumayo siya at nauna ng lumabas sa kwarto ko kaya sumunod ako sakanya nadatnan ko naman si Marcus sa may living room kasama si Steve at Biana habang nag-uusap.
Lumapit ako sakanila at tumabi kay Celine na ngayon ay katabi niya na si Marcus. Napatingin naman ako kay Biana pero irap lang ang natanggap ko sakanya, sa totoo lang ano ban nagustuhan ni Steve sa babaeng yan?
Sumapit ang tanghalian kaya niyaya na namin silang dito sa bahay kumain pero sabi naman ni Celine hindi na dahil daw may kailangan pa silang asikasuhin kaya wala na rin lang kaming magagawa, kaya ng matapos kaming tatlong kumain ay dumeretso ako agad sa kwarto ko at umupo sa kama ko.
Totoo nga ang sabi nilang nasa huli ang pagsisi, dahil oo nagsisisi ako, nagsisisi ako kung ba't pa ako umalis. Pero babalik ako, hindi ko alam kung kailan pero babalik ako. Hintayin niyo lang ako, babalik ako.
---------------------