Chapter Twenty-Three:

51.7K 550 34
                                    

Warning: Typo Errors

---------------------

Nakaupo ako isang bench sa park at hinihimas ang tiyan habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Napangiti ako at tumingin sa tiyan ko.

"Hello baby." Kausap ko sa anak ko sa sinapupunan ko. "6 months nalang lalabas ka na sa tiyan ko." Hinimas ko ito. "Naiinip ka na ba? Wait lang tayo baby ha? Kasi pati si mommy naeexcite na ding lumabas ka."

Patuloy-tuloy ko lang hinihimas ang di pa gaano kong malaking tiyan. Tatlong buwan na rin pala. Tatlong buwan narin pala ang nakakalipas ng umalis ako sa poder niya ng malaman kong may anak siya sa iba pero ito totohanan na, hindi na parang kay Jezelle na niloko lang siya. Sakanya talaga iyong bata may DNA Test pa. Bumuntong hininga ako. Akala ko okay na kami, akala ko pwede ng maging masaya, akala ko matatahimik na ako, akala ko--akala ko lang pala..

"Miss ilag!" Narinig kong sigaw, pero huli na ang lahat para makailag ako natamaan na ng bola ang ulo ko. Nahimas ko naman ang ulo kong natamaan. Napatingin ako sa sumigaw kanina.

"Miss, sorry po. Hindi ko po sinasadya." Sabi ng batang lalaking nakabato saakin ng bola, nagpout pa. Ang cute naman netong batang 'to. Napangiti naman ako.

"Okay lang baby. Hindi naman masakit." Sabi ko naman na ikinagulat niya.

"Okay lang po talaga? Di po kayo galit?" Nakapout paring ani neto. Napatawa naman ako sa batang 'to. Ang cute cute, inilapat ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok.

"Okay lang ako, buti hindi natamaan si baby." Tumingin saakin ang bata na may pagtataka sa mukha.

"Baby? Saan po yung baby? Wala naman po ah?" Tumingin-tingin pa siya sa paligid at sa ilalim ng bench na inuupuan ko para hanapin ang baby na sinasabi ko.

"Wala dyan ang baby, kasi nandito siya." Turo ko sa tiyan ko at hinimas. Nakita ko namang napangiwi ang bata sa sinabi ko.

"Niloloko niyo po ba ako? Paano po nagkaroon ng bata sa loob ng tiyan? Kinain niyo po ba?!" Lumaki pa ang mata ng bata sa huli niyang sinabi. Napatawa naman ako sa reaksyon niya.

"Syempre hindi, ang mga baby kasi nanggagaling yan sa tiyan o sinapupunan ng isang mommy. Pati ikaw nung baby ka, galing ka rin sa tiyan ng mommy mo, lumaki ka ng lumaki kaya nilabas ka na sa tiyan ni mommy mo kasi hindi ka na niya kaya sa loob ng tiyan niya." Tumingin naman ako sakanya pero malungkot ang nakapaskil na ekspresyon ng mukha niya.

"Oh? Ba't malungkot ka?" Tanong ko sa bata.

"Hindi po ako galing sa tiyan ng isang mommy." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Diba sabi ko sa'yo lahat ng baby galing sa tiyan ng mommy." Maslumungkot ang mukha ng bata. Anong meron sa batang 'to?

"Eh paano po mangyayari yun? Wala po akong mommy." Napatingin ako sa batang kaharap ko na ngayon habang teary eyed na siya.

"Bakit ka walang mommy?" Di ko maiwasang maawa sa batang 'to. Kay bata bata ganto na agad ang nararanasan niya.

"Sabi po ni daddy wala daw po akong mommy." Nataranta naman ako ng umiyak na talaga ang bata. Binuhat ko siya at tinabi sa upuan ko kanina pa kasi siya nakatayo. Nilabas ko ang pamunas ko at pinunasan ang mukha niyang basang basa.

"Wag ka ng umiyak okay? Kung wala kang mommy, ako nalang ang gawin mong mommy." Tumigil sa pag-iyak ang bata at tumingin sa gawi ko.

"Pero diba po, hindi ako galing sa tiyan niyo kaya hindi po kita pwede maging mommy." Ani niya sabay turo sa tiyan ko.

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon