Chapter Twenty-Nine:

23.6K 370 63
                                    


Warning: Typo Errors

----------------

Hindi ko alam pero nakapagdesisyon na ako, isang buwan na ang nakakaraan ng pumunta si Celine dito sa condo ni Steve, at sa isang buwang lumipas nakapag-isip at nakapag-desisyon na din ako. Uuwi na ako.

Isang buwan nalang din ang hihintayin at manganganak na ako. Gusto ko habang nanganganak ako alam ko na nandyan si Felix sa tabi ko, wala na akong pakealam kung pagkauwi ko ay may maabutan akong babae niya sa bahay, basta makita ko lang siya at malaman niyang mahal na mahal ko parin siya.

Naka-upo ako ngayon dito sa aking silid habang hinihimas ang umbok ng tiyan ko, isang buwan nalang ang titiisin ko at sa wakas lalabas na din siya.

Inaayos ko ang mga damit ko at inilalagay sa aking maleta. Aalis na ako mamaya, babalik na ako, uuwi na ako sa amin. Namimiss ko na ang mga magulang ko mga kaibigan ko at pati narin si Felix. Gusto ko na silang yakapin, kaya napagdesisyonan kong aalis na ako.

Habang inaayos ko ang aking mga damit ay may biglang kumatok. "Pasok."

Pumasok naman si Steve at umupo sa gilid ng aking kama, "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Napabaling ako sakanya at tumango.

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba magsisisi?" Itinigil ko ang ginagawa kong pag-aayos at humarap sakanya.

"Syempre hindi na, gusto ko na ding itama lahat ng maling ginawa ko. Siguro kaparusahan na din ang nangyari saakin, tulad ng pagka-atake ni daddy siguro isa yung parusa o isang pagsubok para saakin para ipamukha saakin ng Diyos na mali talaga ang desisyon ko, kaya ayun nga sobrang nagsisi ako sa naging desisyon ko." Tumango naman siya sa sinagot ko at saka ako nginitian.

"Alam ko namang gagawin mo ang lahat para lang sa pamilya mo, oh sige mamaya mo na ituloy yang ginagawa mo at mag-almusal muna tayo ang aga-aga nagtratrabaho ka na agad, baka mabinat ka at bawal sa buntis ang mapagod." Ngumiti nalang din ako sakanya at sumunod palabas ng kwarto papuntang dining area.

Naabutan naman namin si Briana na nag-lalagay ng tatlong plato sa mesa. Dumeretso ako sa hapag at umupo sa tapat ni Steve.

Nang nailagay na ang mga kubyertos at mga kakainin sa mesa ay umupo narin si Briana at sabay-sabay na kaming kumain. Ganito palagi ang set-up, araw-araw gigising ako, hindi man lang ako ngitian ni Briana kahit tipid lang, hindi ko alam pero baka pagdating ng panahon umayos din ang pakikitungo niya saakin.

Pagkatapos naming kumain ay inayos ko muna ang mesa bago dumeretso sa aking kwarto, iniwan ko naman si Briana at Steve na nanonood sa sala. Itutuloy ko nalang ang pag-eempake ko.

Habang kinukuha ko ang aking mga gamit sa kabinet para ilipat sa maleta ay may nakapa akong picture frame sa pagitan ng mga nakaayos kong damit.

Picture namin nung bagong kasal kami ni Felix. Ang saya ko sa picture, habang siya halos di na ngumiti, naisip ko lang nakasabit pa kaya yung wedding picture namin sa kwarto naming dalawa? Sana pagbalik ko nandun parin, sana walang nagbago. Napangiti ako ng mapait.

Natapos ako sa pageempake na sorang pagod kaya umidlip muna ako pero ang idlip na sinabi ko ay naging mahimbing na tulog kaya eto ako ngayon at nagmamadali dahil malalate na ako sa flight ko, pero pinapagalitan naman ako ni Steve pagnakita niyang napapatakbo ako dahil sa taranta.

Twenty minutes ang byahe dito papunta sa airport at meron nalang akong saktong twenty minutes para makaabot sa flight ko, kaya ayos lang kahit paliparin na ni Steve ang sasakyan makarating lang ako sa airport ng sakto sa oras.

Nakarating nga kami sa airport at sakto namang tinatawag na ang mga pasahero dahil aalis na ang eroplano, di na ako nakapagpaalam ng maayos kay Steve at Briana dahil sobrang kulang ng oras.

Mahaba ang oras ng byahe papuntang pilipinas, pero di pa naman ako inaantok dahil na rin sa haba ng tulog ko kanina kaya inenjoy ko muna ang sarili kong makinig ng music sa cellphone ko habang nakatanaw sa mga ulap.

Sa haba narin siguro ng byahe ay di ko namamalayang nagatulog ako, nagising nalang ako ng may nag-announce na lalapag na ang eroplanong sinasakyan ko, napatingin ako ako sa bintana at nakumpirmang nasa pilipinas na nga ako, ang lugar na kinalakihan ko ang lugar kong saan ko nahanap ang taong mamahalin ko.

Nang lumapag ang eroplano ay sunod-sunod na kaming bumaba ala-una na ng tanghali kaya bigla akong nagutom, kaya ang next na pupuntahan ko ay sa mga kainin o sa mga fast food chain na madadaanan ko maibsan ko lang ang gutom.

Kinuha ko ang dala kong maliit kong maleta at dumeretso na nga para kumain. Pagkatapos kong kumain bumili ako ng bago kong simcard at tinext si Celine kong asan siya.

Asan ka?

Nagreply din naman siya saakin agad.

Dito ako sa bahay, bakit?

Magrereply pa sana ako at sasabihing nandito na ako sa pilipinas pero di ko nalang ginawa dahil naalala ko buntis pala sya hindi sya pwedeng mapagod, hindi na ako mandadamay pa ng iba.

Habang naghihintay ng taxi ay hindi ko maiwasang kabahan. Kinakabahan ako sa mga magiging reaksyon nila, magagalit kaya sila? Namiss kaya nila ako? Hindi ko alam pero sana positibo ang maging reaksyon nila pag-makita nila ako.

Nang naka sakay na ako ng taxi at malapit na ito sa bahay lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Malapit na. Makikita ko na sila.

Tumgil ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng mataas naming gate kaya bigla akong napahinga ng malalim. Nandito na nga tayo, wala ng atrasan. Bumaba ako sa taxi at nagbayad kay manong.

Nakaharap ako sa gate namin at nag-aalinlangang pindutin ang doorbell. Pero nilakasan ko ang aking loob at pinindot ito, bigla kong nahigit ang hininga ko ng mapansing bumbukas na ang pinto pero nakahinga ako ng maayos ng mapansing maid lang pala, pero hindi sya pamilyar saakin.

"Sino po sila ma'am?" Napatitig naman ako sa maid di niya ako kilala?

"Katherine?"

Pero para akong nahigitan ng hininga ng may marinig ako sa likod kong baritong boses, ang alam ko ang boses na yan, alam ko kahit matagal ko ng hindi naririnig. Dahan-dahan akong humarap at tama nga ako, siya nga.

"Felix.."

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon