Chapter Eight:

61.3K 508 7
                                    

Warning: Typo Errors

-----------------------

May naramdaman akong tumatapik sa pisnge ko kaya ako nagising nag-unat unat naman ako, saka ko lang na-realize na nasa eroplano kami. Sumama rin lang siya saakin, hindi ko alam kung ano ang nagpabago sa isip niya.

"Wake up, nandito na tayo." malamig na utas ni Felix saakin, saka siya tumayo at lumabas sumunod naman ako sakanya, pagkatapus namin makuha ang mga bagahe namin sumakay na kami sa taxi at dumeretso sa hotel na tutuluyan namin.

Bumaba naman ako agad ng nakarating kami sa hotel, binuhat naman ni Felix ang bagahe namin tumuloy naman ako saka nagderederetso sa kwarto, nilibot ko naman ang tingin sa kabuoan ng kwarto, malaki ito.

"Iwan muna kita dito, may pupuntahan lang ako may business meeting ako with a client." aniya.

Kararating palang namin aalis na agad siya. Hindi ba yun napapagod? Kinuha ko naman ang twalya ko at dumeretso sa CR at naghalfbath. Napatingin naman ako sa cellphone kong umilaw.

Celine:

Bakit di mo sinabing aalis ka?

Mabilis naman akong nagreply sa bestfriend kong nag-aalala nanaman.

Ako:

I'm sorry. Biglaan din naman kasi ang pagpunta namin ni Felix.

Celine:

Okay. Enjoy ka nalang dyan, okay? Gusto ko ng baby boy.

Namula naman ako sa sinabi niya, naiisip niya na agad yun? Hindi ko pa nga naiisip eh, may nalalaman na siyang baby boy baby boy dyan.

Ako:

Loko! Mahirap mabuntis kaya!

Pero ilang oras ng nakakalipas hindi na talaga siya nagreply. Napangisi nalang ako at napailing sa kaibigan ko.

Natapus naman akong naligo at nagpalit na agad. Dumeretso naman ako sa kama pagkatapus kong patuyuin ang buhok ko. Ang boring naman dito! Parang biglang may lightbulb na lumabas sa ulo ko kaya dali-dali akong nagpalit ng panlabas.

Mamamasyal nalang ako! Kesa naman maging bato pa ako dun! Naglakad lakad naman ako, ang saya! Sarap ng simo'y ng hangin talaga dito sa Paris! Sana dito nalang ako tumira? Syempre kasama si Felix. Namula naman ako sa iniisip! Hay Felix! Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo saakin. Ewan ko ba! Pinanganak yata talaga akong mahalin ka, at sana ganun ka din.

Binaling ko naman ang paningin ko sa isang couples na may kasamang baby. How I wish that was me with Felix and our baby! Umupo naman ako sa may bench na nakita ko. Kelan kaya? Kelan nya kaya ako matatanggap? Hays!

Habang nagmumuni naman ako dito may naaninag naman akong isang pamilyar na mukha sa di kalayuan sa pwesto ko. Seriously? Hanggang dito ba naman magkikita kami? Napatawa nalang ako sa naiisp ko. Kumaway naman ako sakanya ng napabaling ang tingin niya saakin.

"STEVE!" napansin niya siguro ang pagkaway at pagtawag ko sakanya, kaya halos mapunit ang labi niya ng nakita niya ako. Tumakbo naman siya saakin palapit saakin saka ako niyakap ng mahigpit.

Matagal ng umalis si Steve papuntang Canada hindi ko lang nababanggit sainyo. At ito ngayon naglandas ang kapalaran namin dito sa Paris.

"Anong ginagawa mo dito sa Paris?" sabi ko naman ng bumitaw na siya sa yakap.

"Namamasyal? And City of Dreams ito diba? Ngayon napatunayan ko! Nandito na ang pangarap ko!" sabay tingin niya saakin.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. So hindi parin talaga siya nakakapag-move on saakin? Hay nako Steve!

"S-Sorry." bumaling naman ako sakanya.

"No. It's okay. Tara pasyal tayo?" tumango naman siya at nagpatinaod sa hila ko.

"Sino pala kasama mo?" aniya.

"Hmm. Si Felix." nakita ko naman tumango lang siya.

Naglakad lakad lang naman kami at naglibot dito. Nakakamiss din kasama si Steve, kaya ako nag-eenjoy. Pero sana nandito si Felix baka sana masmasaya pa ako. Namula naman ako sa iniisip ko. Napansin ata yun ni Steve kaya siya nagtanong.

"Hey! Why are you blushing?" aniya.

Umiling lang ako at naunang naglakad sakanya. Nilibot libot ko naman ang tingin ko sa paligid at bigla akong natigilan sa nakita.

Seryoso Felix?! Hanggang dito ba naman may babae ka?! Ugh.

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon