Warning: Typo Errors
------------------
Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Felix, tumayo naman ako at pinulot ang nighties, bra at panty kong nakakalat sa sahig. Naghilamos naman ako bago lumabas. Pagkalabas ko nagulat ako sa nakita ko, umagang umaga bakit nandito ulit to?
Bumaba naman ako at lumapit sakanila, hindi ko mapigilang mapataas ng kilay ng tumingin siya saakin head to toe. Tsaka siya tumingin kay Felix na ngayon ay naka-boxer at sando lang. Napansin ko namang lumungkot ang aura niya.
"Ah, Hi? Bumisita lang ako dito.." ngumiti naman siya sa akin, pero kita sa mata niya na nasasaktan siya.
"Okay Chesca.." yes nandito siya, and guest what? Six palang ng umaga. Masyado ata siyang maaga? Tss.
Dumeretso naman ako sa kusina kasi nakakaasiwa siyang tignan, nagmumukha ba akong kontrabida sa paningin niyo? Pwes nagkakamali kayo, kaya lang ako nagkakaganto kasi ayaw kung may nagsusulputang babae sa harap ng ASAWA ko. Mark that. Asawa ko na siya kaya may karapatan akong mainis.
Kahit alam kung I'm just his bed warmer, matututunan niya din akong mahalin, tiwala lang.
****
Gomez Residence
Dito kami ngayon ni Felix sa bahay nila, pinapunta kasi nila kami dito may sasabihin daw silang importante, and nandito din pala si mama pagkadating kasi namin dito nag-uusap sila ni Tita Josephine.
"Pupunta kayong paris, para sa second honeymoon niyo.." narinig ko namang sabi ni Tita Josephine. Honeymoon? Kailangan pa ba yun?
"Yes, and two weeks lang naman kayo dun eh. Kaya sulitin niyo ha? Para magka-apo na kami ni balae at made in Paris pa. Odiba? Kaya ikaw Katherine, magsuot ka ng mga seductive na damit para ganahan yang asawa mo.." sabi naman ni mama na humahagikgik sa tuwa.
"Ma! Ano ba naman yang sinasabi mo, nakakahiya!.." napatingin naman ako kay Felix na ngayon ay nakangisi, napablush ako ng tumingin siya saakin.
"No, it's okay my dear. Wag kang mahiya saamin, gusto ko na din naman ng magka-apo eh, tumatanda na kami ni balae, kaya habang bata pa dapat may apo na para maalagaan pa namin ang anak niyo. Kaya ikaw Felix, galingan mo okay?.." pinanlakihan pa ni tita Josephine si Felix ng mata, napatingin naman siya saakin saka siya nag-iwas ng tingin.
"P-Pero tita--" hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng sumabay si mama saakin.
"Hay nako Katherine, walang pero pero basta tuloy kayo!" hindi nalang ako nagsalita pa.
"At bukas na pala ang alis niyo kaya umuwi na kayo and pack your things up.." narinig ko namang napa-tss si Felix saka siya tumayo at lumabas ng bahay.
"W-Wait lang Felix!.." habol ko naman sakanya, sumakay na siyang kotse niya at ako naman dali daling pumasok sa loob.
"Is it okay to you?" lumingon naman siya saakin saka nag-iwas din lang ng tingin at nagsalita.
"I don't have a choice, na-plano na nila and ayoko naman sirain ang imahenasyon nila sa magiging apo nila, kaya wala tayong magagawa." feeling ko ang pula pula na ng mukha ko dahil sa sinabi niya, pati kaya siya nai-imagine niya ang magiging anak namin? How I wish.
Nang nakauwi kami ni Felix, dumeretso naman ako sa kwarto at humiga. How I wish. Napansin ko namang umupo si Felix sa tabi ko, napatitig naman ako sakanya. Ang gwapo talaga niya, mga panga niyang nakakaakit at mata niyang hindi na kailangan ng eyeliner para maging dark, tumikhim siya napansin niya sigurong nakatitig ako sakanya.
"Katherine..." umpisa naman niya. Napansin ko namang umigting ang panga niya. "Hindi ako sasama sa'yo bukas, but I'll try."
"Pero, baka magtaka ang mama mo." tumayo naman siya sa pagkaka-upo. Bigla namang kumirot ang ulo ko, napahawak naman ako sa ulo ko at napabaluktot.
"Hey! Katherine! Are you okay?" lumapit naman siya saakin saka niya hinawakan ang ulo ko, umiling-iling lang ako. Naramdaman ko namang niyakap niya ako.
"Sshhh. Kathy. I'm here, everythings gonna be alright. I'm here." niyakap ko naman siya.
Nagising naman ako at napansing gabi na pala. Nakatulog pala ako kanina. Napansin ko namang wala si Felix sa kwarto. Nakita ko namang may malaking maleta sa tabi ng drawer, lumapit naman ako at tinignan ang laman. Napangiti naman ako sa ginawa niya, inayos niya na pala ang mga dadalhin namin para bukas.
Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas naman ako at dumeretso sa kusina, naabutan ko naman si Felix na nagluluto. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto, lumapit naman ako sakanya ng dahan dahan saka siya niyakap sa likuran napatigil naman siya sa ginagawa niya sa ginawa ko.
"I love you.." katahimikan. Katahimikan ang bumalot saamin saka ko narinig ang kagimbal gimbal niyang "Tss."
-------------