Warning: Typo Errors---------------------
"Felix.."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Si Felix na ba ito? Limang buwan lang akong nawala pero ang laki na ng pinagbago niya. Napatitig ako sakanya at napansing tumingin siya sa aking tyan pero biglang nalang nanginig ang tuhod ko ng mapansing papalapit na sya saakin.
"Katherine! Diyos ko!" Biglaang sigaw ni mommy kaya napatalikod ako kay Felix at bumaling kay Mommy na umiiyak at bigla akong niyakap. Hindi ko rin mapigilan at bumuhos na rin ang luha ko at niyakap pabalik si Mommy. Sobrang miss na miss ko na siya.
"Salamat at bumalik ka na. Sobrang miss na miss ka na namin ng daddy mo!" Lumuluha paring tugon ni Mommy.
Pero napansin ko ang pagtingin ni Mommy sa tiyan kong sobrang laki na. Tumingin siya at nag-aalanganing hinawakan ang tiyan ko.
"Kamusta ka na anak?" Bumaling ako kay Mommy at ngumiti ng tipid.
"Okay lang po, ma. Kayo kamusta na po? Saan po si daddy?" Ngumiti ng tipid si mommy saakin.
"Maayos na at nandito ka na, sobrang nag-alala ang daddy sayo. Tara pasok na tayo at nasa loob ang daddy mong nagpapahinga sa kwarto."
Tumango ako kay mommy at akmang bubuhatin ko na ang dala kong maliit na maleta pero naunahan ako kaya napabaling ako sa kamay na may hawak neto, pero bigla akong nailang ng mapansin medyo malapit na ang mukha ni Felix saakin, umiwas nalang ako at nag-'thank you' na sarili ko lang ang nakakarinig.Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay ganun parin, walang pinagbago ganito ko iniwan, ganito ko rin babalikan.
"Gutom ka ba? Nauuhaw?" Tanong saakin ni mommy. Umiling lang ako bilang sagot, busog pa naman ako, kumain na ako kanina.
Binisita ko na rin si dad sa loob ng kwarto pero nadatnan ko siyang tulog kaya hinayaan ko na lamang muna siyang magpahinga.
"Magpahinga ka muna anak. Alam kong pagod ka sa biyahe, itulog mo muna yan." Sumang-ayon naman ako sa gusto ni mommy kasi bigla din akong dinalaw ng antok, kaya itutulog ko nalang muna.
Pumasok ako sa kwarto ko at ganun parin, wala ding pinagbago.
Umupo ako sa kama at dahan-dahan akong humiga, hindi ko na rin namamalayan unti-unti na rin akong tinatangay ng antok.
"Kathy? Gising ka na ba?" Bigla akong naalimpungatan ng may kumatok sa pinto, dahan-dahan akong tumayo at binuksan ito.
"Nagising ba kita? Maghahapunan na kasi, di ka pa kumain ng tanghalian kanina, napahaba ata ang tulog mo." Ani mommy.
"Napagod po kasi ako sa biyahe."
"Sige, sunod ka nalang sa baba at maghahapunan na tayo." Ngumiti at tumango ako kay mommy.
Nang umalis si mommy ay naghilamos muna ako saka ako sumunod sa baba. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Felix. Ba't nandito parin siya?
Tumikhim muna ako bago, umupo sa upuang tapat ni Felix. Tumitig lang ako sa kamay kong nasa mesa habang hinihintay si mommy.
Napaangat ako ng tingin nang hawakan ni Felix ang kamay ko.
"Kathy.." Napatitig lang ako sakanya, walang gustong lumabas na salita sa bibig ko, gusto ko lang syang titigan ngayon.
Napabitaw naman si Felix ng narinig naming tumikhim si mommy, saka nya nilapag ang ulam na kanina pa namin hinihintay.
Tahimik kaming lahat habang kumakain, wala ni isang nagtangkang magsalita saaming apat, si mommy ang unang bumabag ng katahimikan ng matapos kaming kumain.
Dumeretso ako sa veranda ng kwarto ko para magpahangin, at makapag-isip-isip. Napahawak ako sa tiyan kong sobrang laki na. Isang buwan nalang baby, lalabas ka na. Alam kong gusto no nang makita kung gaano kaganda ang mundo, lahat kami dito naeexcite nang makita ka.
Napatigil ako sa paghaplos ng tiyan ko ng may kumatok sa may pintuan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad saakin ang mukha ni Felix. Bakit nandito pa siya?
"F-Felix?"
Derederetso syang pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama ko habang nakatungkod ang mga siko niya sakanyang tuhod at ang mga palad nya ay nakasabunot sakanyang buhok.
"Felix? B-Bakit?"
Inihilamos nya ang kanyang mga kamay sa mukha nya at tumitig saakin, tumayo sya at lumapit sa pwesto ko.
"Katherine...I-.." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa magkabilaan kong balikat. Nakatitig lang ako sakanya, hinihintay ang susubod niyang sasabihin.
"Katherine, I'm.." Bumuntong hininga sya.
"I'm...sorry." Naramdaman kong dumausdos ang palad nya sa mga braso ko, naramdaman ko ang lamig sa mga palad nya nang hinawakan nya ang kamay ko.
"Sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng kasalanang ginawa kong nakasakit sa'yo. Nagsisisi na ako Katherine, sana patawarin mo ako." Hindi ko alam kobg anong sasabihin ko, nakatitig lang ako sakanya habang nagsasalita sya.
"Saktan mo din ako Katherine, para makabawi ka sa mga nagawa ko sa'yo, just don't leave me.. h-hindi ko kaya." Napasinghap ako sa sinabi niya. W-What?
"Gagawin ko lahat ng gusto mo, iutos mo na saakin lahat ng gusto mong iutos, just..just don't leave me again.." Nagulat ako ng bigla siyang lumahod sa harap ko at niyakap ang binti ko.
"When you're gone, I realized a lot of things. Magmula ng nawala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko. Diba sinabi ko sa'yo na aalagaan na kita? Na tratratuhin na kitang asawa? Pero bakit ka umalis?"
"Nung umaga pagkagising ko na wala ka sa tabi ko, alam mo ba kung ano ang unang pumasok sa isip ko? Katherine? Na nagsawa ka na saakin, napagod ka na sa pananakit ko sa'yo kaya lumayo ka na, iniwan mo na ako.."
"Mahal kita Katherine.." Napatutop ako sa bibig ko sa narinig ko, totoo ba 'to?
"Mahal na mahal kita Katherine, isang araw pumunta akong sa bar at uminom at napag-isip isip kong hindi ko pala kayang wala ka sa buhay ko, nagigising akong wala ka sa bahay, walang magluluto ng pagkain na minsan ay hindi ko kinakain na pinagsisisihan ko.."
Mahal na ako ni Felix? Nararamdaman kong nangingilid na ang mga luha ko sa mata ko.
"Narealize kong, hindi pala ako si Felix pag walang Katherine.. so please don't leave me again. Babawi ako sa'yo, magsimula ulit tayo.."
"Liligawan kita, ipapakita ko sa'yong totoo ang pinapakita ko sa'yo. Mahal na mahal kita Kathy, don't leave me.."
At doon na nga bumuhos ang luha ko at lumuhod din para mayakap siya.