Warning: Typo Errors
---------------------
Tuloy tuloy parin ako sa pagsuka kahit wala ng lumalabas sa bibig ko. Pero ganun nalang ang gulat ko ng may humagod sa likuran ko. Alam ko kung sino 'to. Kasi tindig palang kilalang kilala ko na.
"Are you okay?" Nag-aalang tanong ni Felix. Naghugas ako ng kamay at naghilamos bago lumingon sakanya.
"O-okay lang ako. Don't worry." Parang natauhan siya sa sinabi ko dahil tumayo siya nang maayos at tumikhim. Katahimikan ang bumalot saamin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, iniisip ko palang kung anong rason kung bakit ako sumuka.
Wala akong maisip na nakain kong masama. Napatigil naman ako sa pag-iisip ng bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Felix, tumingin siya saakin bago niya sagutin ang tawag at umalis.
Sino kaya yung tumawag sakanya?
Napagpasyahan kong lumabas nalang muna ng bahay para magpahangin. Pupuntahan ko muna siya sa sala para magpaalam. Nagpalit muna ako ng damit na panlabas, pupunta narin siguro ako ng mall para mag-grocery. Nauubos na din kasi ang supply namin sa pagkain. Lumabas naman ako ng kwarto pagkatapos kun magpalit.
"Felix, pupunta akong mall. Maggro-grocery lang sana, paubos na kasi supply natin sa pagkain." Ani ko pero walang sumagot. Nilibot ko ang sala pero wala siya. Saan kaya yun?
Pumunta ako sa main bathroom baka nandoon siya. "Felix?" Wala paring sumasagot. Napagpasyahan ko nalang na i-text siya. Baka kasi umalis siya ng dahil sa tawag na narinig ko.
To Felix:
Pupunta akong mall, maggro-grocery. Hinanap kita kanina wala ka naman. Aalis muna akong bahay.
Napansin ko namang nawala ang sasakyan ni Felix. Pero bakit di ko narinig na umalis? O umandar man lang?
Ginamit ko nalang ang sasakyan kung matagal ng nakatambay sa garahe. Hindi ko na kasi nahaharap magdrive kaya lagi nalang akong nagco-commute.
Nang nakarating ako ng mall, deneretso ko ang sasakyan ko sa parking lot para i-park 'tong sasakyan ko, nang may mailawan akong pamilyar na babae nakatalikod habang naglalakad, hangang kili-kili niya ang haba ng buhok niya. Nakasuot siya ng fitted above the knee na dress na kulay pula habang naglalakad paalis ng parking lot.
Nang nai-park ko ang sasakyan ko. Lumabas ako para sana tignan kung sibo ito, pero hindi na nahagilap ng mata ko ang babae. Pamilyar talaga ang tindig niya, pero siya kaya yun?
Naglakad ako papasok ng mall at dumeretso ng grocery store. Kumuha ako ng push cart at nagsimulang kumuha ng mga kakailanganin sa bahay tulad nalang ng mga tissue, sabon at mga pagkain.
Habang nasa meat section ako at namimili ng karne. May napansin naman akong batang umiiyak sa may gilid. Napakunot naman ang noo ko ng mapansing mag-isa lang ito. Iniwan ko muna ang cart ko at lunapit sa bata.
"Bakit ka umiiyak?" Tanung ko naman na nagpagulat sakanya at sa biglaan niyang pagtigil sa pag-iyak, pero ganun din lan kabilis ang pagngilid ng luha noya at simulang umiyak ulit.
"Ay hindi hindi. Bakit mag-isa ka? Saan ang mommy mo?" Nag-aala kong tanung. Baka kasi mapano itong bata. Nilabas ko naman ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha ng bata, tumigil naman siya sa pag-iyak at niyakap ako.
"Anong pangalan mo?" Tanung ko naman.
"Lawrence." Sagot naman niya.
Napakagat-labi naman ako sa ginawa niya. Ang sweet naman nitong batang 'to. "Saan si mommy mo?" Nilayo ko naman ang mukha niya para makita ko ang isasagot niya.
"Mommy Sel." Yun lang ang sinabi niya saakin.
"Sel ang pangalan ng mommy mo? Saan siya? Bakit mag-isa ka dito?" Tumingin naman siya sa malayo at may biglang tinuro. Napatingin naman ako sa tinuturo niya. Nakita ko namang may papalapit na babae na halos madapa-dapa sa pagtakbo.
"Hala ma'am. Pasensya na po." Sabi naman ng babae saka kinuha ang batang lalaki saakin. "Ang kulit-kulit niya po kasi, hindi ko namamalayan wala na pala siya sa tabi ko." Ngumiti lang ako sakanya.
"Anak mo ba siya? Ang cute naman." Tanung ko haban kinukurot ang pisnge ng batang ito.
"Ay ma'am hindi po. Alaga ko po, umalis po kasi yung mommy niya." Sagot naman niya. Kaya naman pala hindi sila magkamukha.
"Ah ganun ba? Next time wag mong hahayaang mawala sa paningin mo ang bata, delikado na ang panahon ngayon baka anon mangyare sakanya." Ngumiti naman ito saakin tsaka nagpaalam na aalis na daw sila.
Habang naglalakad naman sila paalis lumingon saakin ang bata at nag-flying kiss, nagulat ako sa ginawa niya, nginitian ko nalang ito pabalik. Binalikan ko ang naiwan kong cart. Tinuloy ko naman ang pamimili ng karne.
Nang natapus ako sa pamimili ng kakailanganin sa bahay napagpasyahan ko munang maglibot-libot. Bumalik muna ako ng parking lot para ilagay ang mga pinamili ko saka bumalik ng mall.
Magwi-window shopping lang muna ako ngayon, saka nalang ako bibili ng mga luhong gusto kong bilhin, sa ngayon ililiwaliw ko muna ang sarili ko dito sa mall. Habang naglalakad-lakad ako ang dami kong napapansing mga pamilya namamasyal na masaya, napapangiti nalang ako ng mapait.
Kailan kaya kami magkakaroon ng masayang pamilya ni Felix? Kailan kaya ako mamahalin ni Felix? Kailan kaya niya bubuksan ang puso niya para tanggapin ako? Yung tanggap na walang pag-aalinlangan, yun puro pagmamahal lang. Napabuntong hininga ako.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko na nagpapaalalang gutom na pala ako. Naghanap naman ako ng pweden kainan ng bigla akong nakakita ng mga estudyanteng naglalakad habang may dalang fries. Nagkaroon tuloy ako ng idea kung anong gusto kong kainin.
Dumeretso naman ako sa fast food chain na may fries. Pumila ako at umorder ng two order ng large fries at isang large coke, tingin ko kasi kulang ko ang isa lang. Yan lang ang binili ko dahil dyan lang naman ako nagki-crave eh.
Naghanap naman ako ng bakanteng mauupuhan at nagsimulang kumain. Talagang nilantakan ko ang fries na 'to, ewan ko ba para akong gutom na gutom na ewan, para akong patay gutom sa fries sa itsura ko ngayon.
Halos isang oras ako sa fastfood chain pinagkainan ko bago ako tumayo para umuwi. Dumeretso muna ako ng CR, dahil sa naiihi na ako. Naghugas ako ng kamay pagkatapus ko umihi, napansin kong ako lang mag-isa sa CR kaya, tinitigan ko nalang muna ang sarili ko sa salamin.
Maganda naman ako ha? Mahabang pilik mata, pink na labi, rosy cheeks kaso hindi nga lang ganun sobrang tangos ng ilong ko, katamtaman lang pero hindi naman yung sobrang pango ha?
Nang natapos naman ako sa pagtitig sa sarili ko sa salamin napagdesisyonan ko ng umuwi. Lumabas naman ako ng CR at nagsimulang maglakad palabas ng Mall. Nang nakarating ako ng parking lot nakakita ako ng bulto ng tao ng papalapit ako napansin kung siya yung babae kanina, napatingin naman ako sa lalaki at napakunot ang noo.
Napatingin naman ako sa gilid ng tinatayuan nila nakita ko ang sasakyan ni Felix, ng papalapit ako ng papalapit doon lumilinaw an mga mukha nila. Napansin kong umiiyak yung babae habang hinahawakan siya ng lalaking kilalang kilala ko, pero nagulat naman ako ng hinapit ng babae ang batok ng lalaki para halikan.
Nabato naman ako sa kinatatayuan ko ng nakita kung sino na nga ang babae. Si Jezelle, hinahalikan ulit ang asawa ko.
-------------------
VOMMENTS!