Warning: Typo Errors
-------------------------------
Katherine's POV
I'm here at the parking area malapit sa Gallardo ko, naging spy ako ng di oras. Tsk. Sinusundan ko silang dalawa, yes. Felix and Chesca, hindi ko man lang namukhaan ang sasakyan ni Felix katabi lang pala ng Gallardo ko.
Napansin kung pumasok sila sa Aston Martin Vanquish (AMV for short) ni Felix, nang umandar na to saka naman ako pumasok sa sasakyan ko para di nila ako mapansin. Bakit ko ba sila sinusundan? Pumunta ako dito para makipag-kita sana kay Celine kaso iba naman ang nangyare naging spy naman ako.
Bakit ganto ang way nila? Papunta to sa bahay nila tita ah. (Felix's Mom) Sunod nalang ako sakanila, pupunta nga talaga sila sa bahay nila Tita Josephine. Hindi ko na tinuloy ang pag-sunod sa kanila at dumaan muna ako sa isang Bakery para bumili ng cake baka kasi magtaka sila at bakit nandun din ako, sabihin ko nalang na bumibisita ako.
Pagkatapus ko naman bumili sumakay na agad ako sa Gallardo ko at pinatakbo ito. Nakarating naman ako sa tapat ng bahay, I mean mansion pala. Pero ang pinagtataka ko bakit wala yung sasakyan ni Felix? Baka nasa garahe na nila.
Lumabas naman ako ng Gallardo ko at kinuha ang cake na biniki ko kanina. Pumasok naman ako sa may gate binati naman ako ni manong guard. Nag-doorbell naman ako, binuksan naman ito ng isang maid saka niya ako pinapasok at tinawag si Tita.
"Ma'am Josephine, si ma'am Katherine po nandito.." narinig ko namang sabi ng maid kay Tita. Lumabas naman sa isang kwarto ang isang magandang matanda, grabe lang hindi mo maipagkakaila na matanda na sila kasi maganda sila. Ang ganda parin niya, mana talaga si Felix kay Tita.
"Oh hija? Napadalaw ka, hindi mo kasama si Felix?..." nakipagbeso-beso naman ako sakanya. "Have a seat...Manang kuha ka nga po ng meryenda.." tss. Akala ko pa naman dito talaga pumunta si Felix at Chesca. I sighed. Saan kaya sila pumunta?
"No tita. Umalis po siya kaninang umaga, di niya po sinabi kung saan siya pupunta.." napatango-tango lang naman si tita sa sinabi ko. Dumating naman na ang isang maid at nilapag ang dala niyang meryenda sa mini table sa harap namin.
"How are you and Felix? Ayos na ba pakiki-tungo niya sa'yo?.." hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanung niya. Pero okay lang naman ang magsinungaling kahit isang beses lang diba?
"We're fine naman na tita.." tsaka naman ako ngumiti, bigla naman ako nakaramdam ng hilo, napahawak naman ako sa ulo ko at napapikit.
"Are you okay hija? What's wrong?.." sabi naman ni Tita Josephine sa nag-aalalang tono. Umiling lang ako kay tita. "Nahilo lang po ako tita, pero I'm okay don't worry po.." ngingiti ulit sana ako pero bigla nanaman akong nahilo.
"Hey hija. Magpahinga ka muna okay? You look pale, dun ka nalang muna sa kwarto ni Felix sa taas, halika I'll guide you there.." inalalayan nga ako ni tita at sinamahan sa taas para makapunta sa kwarto ni Felix.
"Okay na po tita, una na po kayo.." tumango lang siya saka bumaba. Pumasok naman ako sa kwarto ni Felix, this is my first time to go in here. Pagkapasok ko palang maaamoy mo na ang pabango ni Felix, a masculine scent.
Napalibot naman ang tingin ko sa kwarto niya at napadako ang tingin sa picture frame sa may mini table niya. Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko. Chesca? But why? Bakit may picture si Chesca dito sa kwarto ni Felix. Napatingin pa naman ako sa isa pang picture sa tabi niya.
Picture naman ni Felix at Chesca when we are in highschool palang. Magka-akbay silang dalawa they look cute together. Nung mga higschool kami naka-braces si Chesca, mukha siyang nerd dahil sa eyeglasses niya pero she's not a nerd ganun lang talaga kasi malabo mga mata niya at mahinhin siyang babae.
Kay Chesca, kay Chesca ako naiingit noong mga highschool palang kami. Bakit? Kasi lagi silang magkasama ni Felix, pinagtatanggol siya ni Felix kung may nambu-bully sakanya. Magkaibigan silang dalawa mula highschool hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung pagkakaibigan palang ang meron sa kanila o higit na. Nilapag ko naman na ang hawak kung picture at umupo sa edge ng kama ni Felix, saka nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
Ano ba yan, ba't ba ako umiiyak? Wala namang nakakaiyak eh. Pinapakalma ko ang sarili ko sa pag-iyak pero lalo lang akong napahagulgol sa iyak. Tinanggal ko naman ang sapatos ko at humiga sa kama niya at niyakap ang isa sa mga unan dito. Patuloy parin ako sa pag-iyak na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Hindi ko alam na sa pag-iyak ko nakatulog pala ako, nagising naman ako ng may maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Napa-mulat naman ako tinignan kung sino ito. Napa-upo naman ako sa nakita ko, si Felix pala.
"Ba't nandito ka? Tsaka ba't dito ka natutulog?..." nakakunot naman ang noo na tanung saakin ni Felix. "Dinalaw ko kasi ang mommy mo, pero bigla akong nahilo kaya dito muna niya ako pinapunta.." yumuko naman ako pagkasabi ko nun.
"Halika na, uwi na tayo, gabi na.." napatingin naman ako sa orasan at tama nga siya eight thirty na, ang haba pala ng tulog ko kanina. Tumayo naman ako at inayos ang higaan niya, inayos ko din naman ang sarili ko bago kami tuluyang lumabas ni Felix ng kwarto.
"Ma. Uwi na kami ni Katherine, ingat ka po dito. Call Caroline na uwi na siya, ang babaeng yun.." Caroline, little sister naman ni Felix. "Okay, mag-ingat kayo dyan sa daan ha? Sige bye.." nagpaalam na din naman kami saka lumabas ng bahay.
"Saan ako sasakay?.." dala niya din kasi yung AMV niya. "Give me your keys. Ito nalang sasakyan mo ang gamitin natin. Balikan ko nalang tong saakin bukas.." binigay ko naman ang susi sakanya. Pumunta naman siyang driver's seat, di man lang niya ako pinagbuksan ng pinto. Napaka-ungentleman naman nito.
Nagsimula naman na itong umandar at nang nakarating na nga kami sa bahay, nagulat ako sa nakita ko. Bakit nandito ang babaeng to? Bakit nandito si Chesca?
"Hi Kathy..Long time no see.."
--------------------------------------