Chapter Thirteen:

56.8K 510 3
                                    


Warning: Typo Errors

---------------------

"Thanks dito Kathy." Ani Celine, nandito kasi siya sa bahay binigay ko yung pasalubong niya. Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang nalaman kong hindi pala ako buntis, tss napaka-assuming ko kasi. Pero nakakapanghinayang parin, gusto ko na kasi magka-baby.

"Kamusta pala honeymoon?" Nabaling naman ang tingin ko kay Celine.

"Okay lang naman. Eh kayo ni Marcus? Kelan kasal?" Matagal ng engaged si Celine kay Marcus pero hanggang ngayon di parin sila kinakasal.

"Hulaan mo." Kumindat pa siya saakin.

"Hindi ko alam."

"Kaya nga hulaan mo diba? Tsss. Wag na nga, sasabihin ko na." Sabi niya naman habang nakangiwi.

"Kelan kasi?" Ewan ko ba sa kanilang dalawa, matagal naman na silang engaged.

"Atat? Next week na." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"T-Talaga? Seriously? Yung totoo, Celine?" Di makapaniwalang tanung ko.

"Oo nga, at oh, invitation." Sabay abot naman niya saakin ng kulay gray na envelope.

"Kainis ka Celine ha! Bakit ngayon mo lang sinabi saakin? Matagal niyo na palang pinaghahandaan, para natulungan sana kita." Pagtatampo ko.

"Ano ka ba! Hindi ko na kailangan dagdagan ang problema mo nu! Kaya ko naman, at sinasamahan naman ako palagi ni Marcus sa mga pagpili ng mga kakailanganin eh. Hindi ko na dadagdagan ang pagkaka-stress-an mo." Ani neto na nakapagpangiti saakin.

"Asus! Oo na--" napatigil naman ako sa pagsasalita ng mag-ring ang cellphone ni Celine.

"Wait lang ha? Tumatawag si Marcus, baka miss niya na ako." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Loka loka din 'tong babaeng 'to.

Napatingin naman ako kay Celine na nakatayo malayo saakin habagn ngumingiti-ngiti. Minsan hindi ko maiwasang mainggit, buti pa siya perfect na mahal niya si Marcus, mahal siya ni Marcus, edi boom! Happy ever after. Ako kaya? Kelan ako mamahalin ng taong pinakamamahal ko? Natigil naman ako sa pagmu-muni ng nagsalita na lamang bigla si Celine.

"Ah, Kathy. I need to go na eh. Hinahanap daw kasi ako dun, nagka-problema. Oy sorry." Paliwanag naman niya.

"No, it's okay. Okay lang ako dito. Ingat ka."

"Are you sure? Mag-isa ka dito." Napa-iling naman ako.

"Ano ka ba, sanay na ako nu, parang di mo naman alam." Ngumiwi naman siya sa sinabi ko at tumango nalang.

"Oh sabi mo yan ha? Sige na bye. Ingat ka dito." Ani niya bago ako hinalikan sa pisnge at tumalikod paalis. Hay, mag-isa nanaman ako dito sa bahay. Wala kasi Felix, nagtrabaho siya sa kompanya.

Kinuha ko naman ang binigay na invitation saakin ni Celine at binuksan. Hmmm, sunset wedding at sa amanpulo eto magaganap. Ngayon ko lang narinig ang lugar na eto, maganda naman siguro ang lugar na eto alam ko naman ang mga taste ni Celine, pa-sosyal.

Habang tinitignan ko ang mga taong imbitado sa invitation ng narinig kung may bumukas at sarado ng pinto ng sasakyan kaya napatayo ako at napatakbo upang buksan ang pinto at bumungad saakin si Felix habang akay-akay siya ng isang babae. Bigla nanaman kumirot ang puso ko, babae niya nanaman ba? Pero bakit ganun ang itsura ni Felix?

"Ma'am!" Saka nalang ako gumalaw para lumapit sakanilang dalawa para sana sampalin ang babaeng umaakay sa asawa ko ng pigilan niya ako.

"Ay ma'am! Wag po! Hinatid ko lang po si sir." Nakayuko niyang sabi. Hinawakan ko naman si Felix, at ganun nalang ang gulat ko ng maramdamang sobrang init niya. Shit!

"Ma'am i-akyat na po natin si sir." Saka pa ako kumilos at tinulungan ang babaeng akayin ang asawa ko at dinala sa kwarto namin. Nang naihiga ko naman si Felix sa kama, humarap naman ako sa babaeng nasa tabi ko parin.

"Anong nangyari? At sino ka?" Napatingin naman siya saakin dahil sa tanung ko.

"Ah, sekretarya niya po ako ma'am, may ibibigay po sana ako sakanya sa office niya ng naabutan ko siyang natutulog po, gigisingin ko po sana kasi may kailangan po siyang pirmahan sa ibibigay kung papeles ng nahawakan ko ponh sobrang init niya kaya po nagpanic ako. Sorry po ma'am." Paliwanag naman niya. Napamulahan naman ako ng mukha dahil na din sa sinabi niyang sekretarya pala siya ni Felix, muntik ko pa siyang masampal kanina.

"Ganun ba? Salamat sa concern sa asawa ko." Sabi ko.

"Nako! Okay lang po ma'am." Ani niya. Mukhang wala naman siguro siyang pagnanasa sa asawa ko diba?

"At pasensya na pala kanina ha? Muntik na kitang masampal, akala ko kasi babae ko ng asawa ko." Paliwanag ko naman.

"Hehe, okay lang ma'am. Ah, sige po. Una na po ako, baka hanapin po nila ako roon. Sige po, ingat ko ma'am." Paalam niya.

"Sige, ingat ka rin."

Pagka-alis niya, binalikan ko naman si Felix sa loob  ng kwarto at unti-unting tinatanggalan ng damit. Kumuha naman ako ng isang batyang maligamgam na tubig at pamunas. Tsss, ano bang ginawa ng taong 'to at bakit nagkasakit. Dahan dahan ko namang pinunasan ang katawan niya dahil nadi-distract ako sa abs niya. Shete! Ganto pala kahirap mag-alaga ng may sakit lalo na pag-hot pa. Napa-iling nalang ako sa naiisip ko.

Pagkatapus ko naman siyang punasan, isinuot ko na sakanya ang t-shirt at pajama, saka ko siya kinumutan. Nilakasan ko naman ang aircon ng napansing nagsisimula nanaman siyang pagpawisan.

Naalimpungatan nalang ako bigla ng may naramdaman akong tumatapik sa pisnge ko. Shit! Nakatulog ako? Napatingin naman ako sa taong tumatapik sa pisnge ko. At ganun nalang ang gulat ko ng si Felix pala ito kaya napatayo ako at ni-check ang pakiramdam niya.

"Ayos ka lang? Anong masakit sa'yo?" Tanong ko, pero nakatingin lang siya saakin gamit ang malamlam na mga mata.

"Nagugutom ka?" Tanung ko naman ulit, at dun na siya tumango.

"Sige, wait lang ha? Magluluto lang ako. Saglit lang." Dali-dalian naman akong nagtungo sa kusina at nagluto ng soup. Pagkatapus naman netong maluto dumeretso agad ako sa kwarto at naabutan kung natutulog ulit siya. Nilapag ko naman ang dala ko at pumunta sa medicine drawer ko para kumuha ng gamot.

Umupo naman ako sa tabi niya at ako naman ang tumapik sa pisnge niya. "Felix, gising na. Kain ka na. Para inom mo narin ang gamot mo."

Sa ikalimang tapik ko naman sa pisnge niya saka siya dumilat, inalalayan ko naman siyang umupo at kinuha ang soup na niluto ko. Sinubuan ko naman siya at feel na feel niya naman. Pero hindi ko din maiwasang mailang dahil na rin sa bawat pagsubo niya saakin siya nakatingin. Lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa'yo Felix. Shit!

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon