Warning: Typo Errors
----------------------
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nananatili akong nabato dito hanggang sa natapos sila sa kanila halikan, nakatitigin lang ako sakanila. Kung bakit di nila ako napapansin? Madilim sa lugar kung saan ako nakatayo.
Hinawakan ni Jezelle ang magkabilaang pisnge ni Felix habang umiiyak siya. Nangunot ang noo ko, bakit siya umiiyak? Nakita kong hinawakan naman ni Felix ang ga kamay ni Jezelle na nasa pisge niya at dinala sa mga labi neto.
"Felix! He is yours! Believe me!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Jezelle. Sinong sakanya?
"Paano nalang kami? Please Felix! Be with me and be with my baby." Napatakip ako ng bibig may anak siya?
".....be with our baby." Nanginig ang tuhod ko dahil sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig ko? A-Anak nila? May anak si Felix kay J-Jezelle? Hindi ko namamalayan napaluhod na ako at humahagulgol.
Bakit ba saakin nangyayare ang lahat ng to? Bakit puro pasakit nalang nangyayare sa buhay ko, hindi ba pwede kahit minsan, kahit isang araw lang maging masaya naman ako? Pagod na ako, ayoko ng nahihirapan. Tama na, ayoko na!
Napaangat ang ulo ko ng nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Aalis na pala sila, sinundan ko ng tingin ang sasakyan nila hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nagpunas ako ng luha at dahan dahang tumayo sa pagkakaluhod. Mamaya na ako uuwi, baka maabutan ko lang sila sa bahay.
Pumasok ulit ako sa loob ng mall. Umikot ako at kumain pero buong araw akong tulala, hindi ko namamalayan ang oras at gumagabi na pala kaya napagdesisyunan kong umuwi nalang. Naglakad ako papuntang parking lot at dumeretso sa sasakyan ko. Pinatunog ko ito ng malapit na ako pero laking gulat ko ng may tao pala roon.
Halos kabahan ako sa tingin niya. Magkasalubong ang mga kilay niyang nakatingin saakin. Bakit siya ganyan? Diba dapat ako ang magalit?
"Saan ka nanggaling?" Asik niya at marahas na hinablot ang braso ko. Halos maiyak na ako sa sakit dahil sa pagkakahawak niya.
"Bakit ka umalis ng bahay ng walang paalam?" Magkasalubong parin ang kilay niya habang sinasabi ito. Kumakawala ako sa hawak niya pero hindi ko magawa masyado siyang malakas kumapara sa tulad ko.
"Ano ba Felix! Nasasaktan ako!" Hinahampas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Answer my goddamn question Katherine!" Halos mapapitlag ako dahil sa sigaw niya saakin, nangingilid na ang mga luha ko.
"Magpapaalam naman dapat ako ah!" Hindi ko nakayanan nasigawan ko rin siya.
"Kaso, kaso nung hinanap kita sa bahay wala ka na. Hindi ko alam kong saan ka magpunta." Umiiyak na pala ako.
"Pumunta ako dito sa mall para maggrocery, ayan! Nandyan sa loob yung mga binili ko. Uuwi na sana dapat ako pero, pero may nakita ako at narinig na hindi maganda sa tenga at mga mata ko!" Tumingin ako kay Felix nakakunot parin ang noo niya at magkasalubong ang mga kilay niya.
"N-Nakita ko kayo ni Jezelle!" Napansin kong namutla sa kinatatayuan niya si Felix at kumalas ang hawak niya saakin sa braso.
"What?" Nag-aalinlangan niyang tanong. Ano Felix? Ayaw mo bang malaman ko na may anak ka na pala sa ibang babae? Ha?
"Nakita kong h-hinalikan ka niya, a-at sinabi niyang may anak siya." Napahilamos ng mukha si Felix dahil sa sinabi ko.
"....na may anak kayo." Napahagulhol naman ako dahil sa sinabi ko, tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko.
"Shit!" Rinig kon mura ni Felix. Sunod-sunod parin ang mura niya at patuloy parin ako sa pagiyak. Tinanggal ko naman ang mga palad ko sa mukha at hinarap siya.
"I-Ilang taon na yung bata Felix?" Nanginginig kong tanong. Bumuntong hininga naman siya bago ako sinagot.
"2 years old." Lalo naman akong napahagulgol dahil sa sinabi niya. 2 years? 2 fucking years na wala akong alam na may anak na pala siya. Kung sana alam ko lang na may anak na siya, di nalang akong magpapakasal sakanya.
Bigla akong nakaramdam ng hilo, napahawak ako sa ulo ko at hindi ko namamalayan nasa mga bisig na pala ako ni Felix.
Nagising ako sa isang kwartong puro puti. Nadako ang paningin ko sa lalaking nakatingin saakin habang naka-upo napansin niya atang gising na ako kay siya lumapit saakin.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanung niya. Nag-iwas ako ng tingin. Narinig kong bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matangkad na doktora. Napatingin siya saakin at ngumiti.
"Mr. and Mrs. Gomez." Ani ng doktora tumango lang si Felix.
"Anong nangyare sakanya mister?" Tanong ng doktora kay Felix.
"Nawalan siya ng malay." Yun lang ang sinabi niya at tumingin ulit siya saakin, tumango tango naman ang doktor. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko. Bakit Felix?
"Ikaw misis, anong mga nararamdaman mo netong mga nakaraang araw?" Baling niya saakin.
"Lagi akog nahihilo, lagi akong naiiyak at lagi akong nagki-crave ng fries." Ngumiti naman ang doktora saakin. Tumingin siya saakin at kay Felix.
"So...positive nga." Ani ni doktora na ikinakunot ng noo ko.
"Positive po ang alin? May sakit po ba ako?" Nangilid ulit ang mga luha ko. Umiling lang ang doktora at ngumiti saakin.
"No misis, wala kang sakit. Kasi you're 2 weeks pregnant, conratulations!"
----------------
VOMMENTS!