Chapter Twenty-One:

46.2K 485 16
                                    


Warning: Typo Errors

-----------------------

"W-What? B-Buntis ako?" Napatakip ako ng bibig sa nalaman. Bakit ngayon pa?

"Yes Misis. Mauna na ako sainyo." Tumingin ang doktora kay Felix saka niya ito nginitian. Napatingin ako kay Felix na seryosong nakatingin rin saakin.

"Katherine, I can explain." Hindi ako umimik, iniwas ko lang ang tingin ko sakanya. Hindi ko namamalayang napatulala na pala ako.

"B-Bakit? Bakit Felix? Ba't mo nilihim saakin ang anak mo?" Tumingin ako sakanya, napabuntong hininga siya sa tanung ko.

"Actually Katherine, I don't know that I have a son! Kanina ko lang rin nalaman! Hindi din ako nakakasiguro kung anak ko nga talaga yun!" Pinunasan ko naman ang butil ng luha na tumakas saaking mata. Umiwas ulit ako ng tingin at tumingin sa malayo.

"Leave." Nasabi ko nalang.

"W-What? What Katherine?" Naguguluhan niyang tanung.

"I said leave! Hindi kita kailangan dito!" Nagsimula akong humagulgol dahil narin sa bigat na nararamdaman ko these past few days, tapus ngayon bigla nanamang nadagdagan.

Tinakip ko ang dalawa kong palad sa aking mukha para hindi niya ako makitang umiiyak. Narinig ko nalamang ang mga hakbang niya at pagbukas-sara ng pintuan. Lalo akong napahagulgol. Bakit ka ganyan Felix? Bakit mo ko ginaganito? Anong ginawa ko?

Nagising naman akong maliwanag na ang paligid, nag-inat inat ako ng katawan at napabaling sa taong nakatingin pala saakin kanina pa. Nag-iwas ako ng tingin, tumayo siya at lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako, aalis na ba siya? Hinintay niya lang ba akong magising?

Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko namang bumukas-sara ang pinto kaya bigla akong napa-upo. Pero laking gulat ko ng pumasok si Felix na may dalang tray. Nagtataka pa ako, akala ko umalis na siya?

"Breakfast in bed." Sabi niya ng nakangiti. Bakit siya nakangiti? Napatitig ako sakanya.

"Bakit Felix?" Nagtataka naman siyang napatingin saakin dahil sa tanong ko.

"Anong bakit?" Napatitig lang ako sakanya ng mga 5 seconds bago ako napa-iling.

"Ah. Wala." Nag-iwas ako ng tingin habang kagat kagat ang ibabang labi. Nilapag niya sa kama ang dala niyang tray na may lamang pagkain at umupo siya sa tapat ko.

Kinuha niya ang nakalapag na kutsara't tinidor sa tabi ng platong may lamang pagkain. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Tinusok niya isang hotdog at inilapit sa bibig ko.

"Say ah." Nangunot ang noo ko sa trinatrato saakin ni Felix ngayon. Ngumanga ako at kumagat sa hotdog na pinapasubo niya saakin. Ngumiti siya ng kumain ako at kinagatan niya naman ang hotdog na kinagatan ko.

"Bakit Felix? Bakit mo 'to ginagawa?" Natigil siya sa pagnguya ng nagsalita ako.

"Bumabawi ka ba? Sinusuyo mo ba ako? Para hindi na ako magalit sa'yo? Para tanggapin ko ang anak mo?" Nilapag niya ang tinidor na hawak niya bago umupo ng maayos at tumingin saakin ng seryoso.

"Hindi." Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hindi ako bumabawi, oo sinusuyo kita. Para hindi ka magalit? Bakit Katherine galit ka ba saakin?" Hindi ko siya inimik kaya napabuntong hininga nalang siya.

"At lalaong hindi kasi hindi pa tayo nakakasiguro kong anak ko nga ang sinasabi ni Jezelle." Tumango ako ng dahan-dahan.

"Nagtataka ka kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to? Dapat hindi ka magtaka kasi asawa kita." Natigilan ako. "Kailangan kitang alagaan, lalo ng pinagbubuntis mo ang anak natin." Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang maiyak sa sinabi niya. Alam niyo kong bakit? Kasi, ngayon niya lang sinabi na kailangan niya akong alagaan kasi asawa niya ako.

"W-What?" Hindi ko alam, pero gusto ko nalang siyang yakapin ngayon, oo alam kong hindi niya sinabing mahal niya ako pero ang sinabi niya nag-aalala siya saakin at kailangan niya akong alagaan ay nakakataba ng puso.

Yun ang kauna-unahang narinig ko sa bibig niyang tinuturing niya akong asawa. Dahil noon hindi niya ako trinatatong asawa, ginagawa niya akong parang parausan lang. Tumingin ako sakanya, lumapit ako at niyakap ko nga siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko, pero niyakap niya rin ako pabalik.

"Sorry." Natigilan ako. "Sorry kasi, ang laki kong pabigat sa buhay mo. Sa una palang minahal mo na ako ng totoo pero ano ginagawa ko? Inaabuso ko ang kabaitan mo at pagmamahal mo saakin. Hindi ko inisip noon na nasasaktan na pala kita. Sorry Katherine. Ngayong magiging ama na ako ng anak natin, sisiguraduhin kong maayos ang kalagayan mo, kalagayan niyo ng magiging anak natin. Sisiguraduhin kong walang mananakit sainyo." Hindi ko lubusan maisip ang sinasabi ni Felix saakin. Totoo ba 'to?

"Ituturing na kitang asawa ko. Aalagaan na kita, hindi na kita papabayaan. Hindi na kita papagalitan, hindi na kita sasaktan. Sabi nga nila nasa huli ang pag-sisisi. Oo, tama nga sila. Kasi ngayon nagsisisi na ako." Napatakip ako ng bibig ko para hindi ako tuluyang humagulgol pero ganun parin ang nangyare.

Pagkatapos niyang magsalita humiwalay siya sa yakap saakin at nagkatinginan kami mata sa mata. Inangat niya ang mga kamay niya at dinala ito sa mga pisnge ko, pinunasan niya ang mata ko at mga takas kong luha.

Bumuntong hininga siya saka ako hinalikan sa noo. Walang imik naman akong napapikit sa ginawa niya. Tumayo naman siya at walang imik na lumabas sa kwarto. Anong nangyare? Totoo ba yun? Mahal niya na ba ako? Pero kasi hindi niya ako sinabihan man lang ng I love you kanina.

-----------------
VOMMENTS!

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon