Warning: Typo Errors----------------
Humikab naman ako pagkatapus ko maglinis ng bahay. Dalawang araw na rin ang nakalipas magmula nang nangyare saakin sa Amanpulo. Ito ako ngayon, nababagot kaya naisipan kung maglinis at magluto narin. Napatingin ako sa orasan, saktong 10 na pala. Bigla parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko at napatayo agad sa sofa.
Pupunta ako ngayon sa office ni Felix, total wala naman na akong gagawin dahil tapus ko na lahat ng gawain dito sa bahay.
Pumunta naman akong kusina at kumuha ng tupperware. First time kung pupunta ng office niya na may dalang pagkain, sana magustuhan niya 'to, paborito pa naman niya 'to.
Inayos ko ang aking sarili at pumunta na. Tumigil ang sasakyan sa harap ng kompanya, nagbayad naman ako at dumeretso na ng lakad. Pumasok ako at sumakay ng elevator papuntang 15th floor. Doon kasi ang office ni Felix.
Tumunog naman ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Kusa itong bumukas, lumabas ako at naglakad palapit sa opisina ni Felix. Nakita ko sa malayo ang sekretarya ni Felix na pamilyar saakin. Siya yung nagdala kay Felix noong inaapoy siya ng lagnat.
Nang nakalapit ako, napaangat naman ang tingin saakin ng sekretarya ni Felix at nanlaki ang mata. Napatayo naman ito at yumuko.
"Ma'am. Ano pong ginagawa niyo dito?" Taranta niyang tanung. Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit? Hindi ba ako welcome dito?" Kunot noo paring saad ko.
"Ay, hindi po ma'am. Ano kasi, may meeting pa po si Sir." Kamut ulo niyang saad.
"Ganun ba?" Medyo nabawasan naman ang pagtataka ko. "Sige, hintayin ko nalang siya. Nagdala kasi ako ng tanghalian niya." Ani ko sabay taas ng hawak kung bag.
"Eh ma'am. Baka po kasi matagalan." Napakunot ulit ang noo ko. May tinatago ba siya? Nakakapagtaka lang. Asawa ako ng boss niya kaya dapat niya din akong sundin.
"No, it's okay. Can you just please tell him that I'm here?" Tumango ito at kinuha ang telepono bago tinawagan ang asawa ko. Binaba neto agad ang telepono at umangat ang tingin saakin.
"Ma'am. Thirty minutes nalang daw po matatapos na ang meeting nila." Napatango nalang ako. Umupo naman ako at nag-muni muni.
Bigla akong napatayo ng bumukas ang pinto ng opisina ni Felix. May lumabas na dalawang matanda na naka-tuxedo. Sumunod si Felix na nasa akin pala ang tingin habang kunot-noo. Bumaling naman ang tingin saakin ng isang matanda at nginitian ako.
"Is she your wife?" Tanung neto kay Felix. Tango lang tugon ni Felix sa tanung sakanya.
"Very lovely." Nahihiya naman akong ngumiti dahil sa sinabi niya.
"Uhm, thank you." Pagpapasalamat ko. Ngumiti ulit sila saakin at bumaling kay Felix.
"Sige, una na kami, Mr. Gomez." Ani ng isang matanda kay Felix. Tipid na ngiti lang ang ibingay ni Felix sakanila. Nang nakaalis naman na ang dalawang matanda, lumapit ako kay Felix.
"What are you doing here?" Kunot noo niya paring tanong.
"Visiting you, and nagdala pala ako ng lunch. Ito oh!" Tinaas ko ang aking dala habang nakangiti. Kunot noo parin siyang nakatingin sa dala ko. Bumuntong hininga siya, saka ako inayang pumasok sa loob.
Nilapag ko naman ang dala ko sa table niya at umupo sa isang upuan sa tapat ng mesa niya. Tinanggal ko ang balot ng mga pagkaing dala ko. Tumingin ako kay Felix at ngumti.
"Kain na." Inabot ko ang isang plato at kutsara tinidor sakanya. Kinuha ko ang kanin at nilagyan ang plato niya, pati narin ang paborito niya ulam.
Nagsimula naman siyang kumain. Titig na titig lang ako sakanya. Napansin niya atang nakatitig ako sakanya kaya umangat ang tingin niya saakin.
"Are you not going to eat?" Tanung niya habang tuloy parin sa pagkain. Mukhang sarap na sarap siya sa luto ko ah.
"Tapus na akong kumain sa bahay. Para sa'yo lang talaga yan." Tumango nalang siya sa sinabi ko.
Niligpit ko ang pinagkainan niya ng tapus na siyang kumain. Napatingin naman ako sakanya na nakasandal sa swivel chair niya habang sapo ang tiyan. Napangiti ako ng palihim. Mukhang nabusog ang asawa ko.
Natapus kong iligpit ang pagkainan ni Felix ng bigla na lamang bumukas ang pintuan.
"Hi Felix! Oh my gad, I miss you!" Usal naman ng babaeng dumating na ikininairita ko. Shut up!
"Hey." Gulat ding ani ni Felix. Pero mas nagulat ako sa natunghayan ko. The fvck?
Hinalikan ng babae sa labi ang asawa ko. Nanggagalaiti akong lumapit sakanila at hinila ang buhok ng babaeng lapastangan na ito.
"Ouch! It hurts! Ano ba!" Sigaw neto habang hinihila ko ang buhok niya. Patuloy ko paring hinihila ang buho niya at napahiga na siya dahil sa ginagawa ko.
"Katherine!" Napatigil ako sa pagsabunot, dahil sa ma-awtoridad na sigaw ang bumalot sa loob ng opisina. Tumayo naman ang babae at inayos ang buhok.
"What are you doing?" Nanggigigil na tanung ni Felix saakin. Hindi ako nakapagsalita, nagulat nalang ako ng may dumaang palad sa pisnge ko.
"That's for pulling my hair!" Napahawak ako sa pisnge kong kumirot dahil sa sampal.
"Jezelle!" Sigaw ni Felix.
"What?! She deserve that! She don't have the rights to pull my hair!" Nanggagalaiting sigaw ni Jezelle.
Nakita ko namang napasabunot ng buhok si Felix at bumuntong hininga at binaling ang tingin saakin. Kinagat naman niya ang ibabang labi niya at lumapit saakin. Inangat niya ang aking mukha, at hindi ko inaasahang hinaplus niya ang parte kung saan sinampal ni Jezelle.
"Hey Felix! What are you doing?" Spoil brat na sigaw naman ni Jezelle. Nakatingin parin saakin si Felix habang hawak hawak ang aking baba at hinahaplos ang pisnge, hindi ko mapigilang mamula sa ginagawa niya. Ito ang kauna-unahang gawin niya ito saakin.
"Felix! Do you hear me?!" Sigaw parin ni Jezelle.
"Would you please shut up?!" Baling naman ni Felix kay Jezelle na ikinagulat ko.
--------
Hello guys! Vomments ha? I lurv you.