BLAIRE SAMANTHA's POV
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad ni scarlett papunta sa may garden doon sa pinagtatambayan ko kanina. Wala kasi kaming klase ngayon dahil may biglaang meeting ang mga teacher. Kaya naman ay naisipan naming doon na lamang tumambay.
Nang makarating ay agad kaming umupo. Nang ilibot ko ang paningin sa mga estudyanteng nandito ay napadako ang tingin ko sa isang tao. Si min. Kasama niya ang mga kaibigan niya pero nasa akin naman ang mga titig niya. Hindi ko alam pero bigla akong na conscious sa itsura ko kaya naman ay ako na lamang ang nag-iwas ng tingin. Isa pa ay naalala ko pa ang nangyari kanina. Hindi na nga siguro yun mawawala sa utak ko.
Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong sandwich at softdrink. Katulad lang rin ito kanina pero dalawa yung sandwich na hawak ko ngayon. Hindi ko rin naman alam kung sino ang naglagay nito sa locker ko. Bago kasi kami magtungo dito sa garden ay dumaan muna kami sa locker room para sana ilagay tong libro namin pero yun nga pagkabukas ko pa lamang ng locker ay ito na ang bumungad sakin.
May kutob na ako kung sino pero hindi ko rin sure. Ayaw ko rin naman na mag-assume. Baka kasi iba rin ang nagbigay nito.
Bigla naman akong kinalabit ni scarlett kaya napatingin ako sa kaniya.
"Malapit na pala ang semestral break no?" napaisip naman ako dahil sa sinabi niya.
Next week na nga pala yun. Ang bilis naga naman ng panahon.
"Saan kayo this sembreak bes?" tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako.
"Wala pa naman akong plano. Siguro sa bahay lang." sagot ko naman sa kaniya. Napangiwi naman siya sakin.
"Ang boring naman!" aniya.
"Bakit ikaw ba saan ba kayo ngayong sembreak?" balik tanong ko naman sa kaniya.
Ako naman ngayon ang napangiwi sa kaniya ng para siyang tangang ngumiti sakin.
"Pupunta kami ng palawan. At doon ako magboboy hunting." saad niya habang nakangiti.
"Ang landi nito!" hinampas ko naman siya kaya napasimangot siya sakin bago ako ginantihan ng hampas.
💮MIN VLADIMIR's POV💮
Nakakunot ang noong nakatingin ako kina samantha. Kanina pa sila naghahampasan at parang tuwang tuwa sa kung anumang pinag-uusapan nila at hindi man lang nila napapansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Lalong lalo na yung ibang mga lalaking nandirito na nakangiti pa habang nakatingin kay samantha. Damn it. I want to punch those f*cking faces!
"Kung nakakamatay lamang ang tingin siguradong ubos na yung mga lalaking nakatingin kay sam." napabaling naman ako kay lorcan ng magsalita ito. Sakin ito nakatingin habang may ngiting nakapaskil sa mukha niya.
"What are you talking about?" nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya.
"Ang sama ng tingin mo dun sa mga lalaki bro." si damon naman ngayon ang nagsalita.
"Oo nga bro. Sa mga tingin mo pa lang parang ay sinasabi mong 'akin lamang ang babaeng yan, kaya wala kayong karapatang titigan siya' ganon bro." segunda naman ni kalix.
Isa-isa ko naman silang binato ng dala kong chichirya.
"F*ck you! I have a girlfriend." asik ko sa kanila.
"Gago! May girlfriend ka nga pero fiancee mo rin si sam. Masiyado kalang talagang in denial bro eh." kumunot ang noo ko ng balingan ko si damon.
"Sa ginagawa mo bro para kang two timer eh." napatigil naman ako dahil sa sinabi ni kalix.

YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomantikBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?