CHAPTER TWENTY FIVE

158 14 0
                                    

BLAIRE SAMANTHA'S POV

Madaling araw na ng makatulog ako dahil sa kakaisip kung sino ang nasa likod ng pangyayaring to. Napapaisip rin ako kung may kinalaman ba ito doon sa nangyaring paninira sa restaurant ko kahapon. Para kasing lahat ng pangyayari ay tumutugma sa iniisip ko.

  Ngayon lamang nangyari sa akin ang ganito. Hindi nakakatuwang isipin na may banta na ngayon sa buhay ko at tanging ako lamang ang nakakaalam. Gusto ko mang may makausap tungkol dito pero ayaw ko namang mag-alala sila.

Sana nga lang hindi umabot sa puntong may mangyari ng masama sakin.

Napabuntong hininga nalamang ako bago inayos ang pagkakasintas ng sapatos ko saka naglakad paglabas ng bahay para mag jogging. Alam kong dapat ngayon palang ay matakot ako dahil may banta sa buhay ko pero mas mabuting isipin ko na lang muna na trip lang yun kesa mas takutin pa ang sarili ko.

'Stay away from him'. Alam kong si min ang tinutukoy ng nagsulat nun. Ngayon lang naman kasi ako nakatanggap nun nung magkita kami ni min. Pero bakit kailangan ako pa, e wala na naman kami ni min. Saka may asawa na yung tao kaya bakit kailangang ako pa ang makatanggap ng threat? Damn!

Palabas na ako ng gate ng mapansin si min mula sa labas ng bahay niya. Wala itong damit pangitaas habang pinapaliguan ang alaga nitong aso.

I didn't know he's fond of dog.

Di ko maiwasang mapalunok ng aksidenteng bumaba ang tingin ko sa kumikinang nitong 6 packs abs dahil sa pagkakabasa niya. Damn kay aga-aga ba't yan pa ang bumungad sakin.

Lumihis agad ako ng paningin bago pa niya ko mahuling nakatingin sa kaniya. Bukod sa ayaw kong isipin niya na pinagnanasaan ko siya, na talaga namang hindi totoo. Ay ayaw ko ring mahuli ni stella na nakatingin sa asawa niya. Saka dapat iwasan ko na siya kung gusto ko pang mapahaba ang buhay ko.

Imbes na pagtuunan pa siya ng pansin ay nagsimula na lamang akong magjogging. Malayo layo na rin ang narating ko bago napagdesisyunang bumalik na. Palapit pa lang ako sa may gate na bahay ko ng mapansin si min na nasa labas na ng bahay niya at may kausap. Yung lalaking pulis na kasama niya kahapon doon sa restaurant. Yung edmund ang pangalan. Pareho silang nakasuot ng police uniform.

Hindi ko na sana sila papansinin ng makita ako nung edmund. Kaya napatigil ako nung kausapin niya ko.

"Huh! Teka miss.....diba ikaw yung may ari nung 'Blaire's Sweet Heaven Restaurant?" tanong nito sakin habang nakangiti kaya kita ko na naman ang dimple nito. Kahit siguro hindi ito nakangiti ay mapapansin mo pa rin ang dimple nito.

Nagpunas muna ako ng mukha bago tumango dahil ramdam ko ang pawis na dumadausdos mula sa noo papunta sa pisngi ko.

"Ah opo sir. Ako nga po yun." magalang kong sagot. Pansin ko ang lalong paglaki ng ngiti sa mukha nito bago panandaliang tingnan si min saka muling tumingin sakin.

"Kaw naman Lt. Di mo naman sinabing may maganda ka palang kapitbahay dito." pabiro niyang saad kay min ngunit imbes na tumawa at makisabay kay edmund ay mas lalong sumeryoso ang mukha nito. Mukhang napansin rin yun ni edmund kaya mahinang napatawa ito bago kakamot kamot sa ulo at muling tumingin sakin. "Nga pala miss, tawagin mo na lang akong edmund. Masiyadong pormal kung sir e."

"Okay. You can just call me sam too. Masiyado rin kasing pormal kung miss." turan ko saka ngumiti at muling pinahiran ang tumulong pawis galing sa noo ko.

Gusto ko nang maligo dahil nalalagkitan na ako sa pawis ko.

"Sammy nalang itatawag ko sayo. Ayos lang ba?" tumango naman ako sa kaniya.

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now